32 ~ Family (SPG)

254K 6.8K 1.2K
                                    




CHAPTER THIRTY TWO

KIELTON'S friends went back to their homes the day after the wedding. Kianna is now with Kielton's family. Kumpleto ang mga ito at maayos ang pakikitungo sa kanya. The Grandes really welcome her as a family member.

Umaasa siya na magiging gano'n ang pakikitungo ng pamilya niya kay Kielton. Hindi pa ng mga ito alam na kasal na siya, sasabihin niya palang.

She's very happy that they are married now. Pero mas masaya siguro kung naroon ang pamilya niya at nasaksihan kung gaano siya kasaya, kung gaano siya kamahal ni Kielton.

Naniniwala siya na hindi pa naman huli ang lahat para ipakita sa pamilya niya kung gaano kalalim at ka-puro ang pagmamahalan nila ni Kielton na umabot na sa pag-iisang dibdib nila.

While the housemaids are busy preparing for their dinner, they decided to stay in living room to watch tv news. Kielton is shamelessly hugging her. Siya na itong nahihiya sa pamilya nitong nakapaligid sa kanila.

"Why are you so clingy?" Alandra snorted at Kielton.

"It's normal to a married couple." Kielton answered and kiss the side of her head.

Talaga naman, napaka-sweet naman talaga ng asawa niya.

"Mom and dad aren't like that."

"They are. Hindi mo lang nakikita. They are old enough for that so called PDA."

"Excuse me?" Karrah Grande arched her brow to Kielton. "Do I really look old, son?"

Her mother in-law looks offended.

"Xaria, dear, do I look old?" Tanong pa nito sa babaeng katabi ni Clinton, naghahanap pa ng kakampi.

"No, Tita." Xaria answered truthfully.

"Kianna, anak, do I look old?" Sa kanya naman nagtanong ang maganda niyang biyenan.

"No, mom." Sagot niya at tinapik ang braso ng asawa na nakalingkis sa kanya, sinasabi dito na bawiin ang sinabi sa ina.

"Darling, matanda na raw ako sabi ng anak natin." Anito sa asawa na kaagad namang umiling.

"No, you're not. Don't listen to our son."

Sebastian even caressed Karrah's face, showing his affection.

"I was just kidding. You're ageless, mom." Si Kielton, bumabawi.

Tanging irap lang ang iginanti ng mommy nito, sabay balik ng atensyon sa pinapanood nila.

Sa gilid ng mga mata niya ay nakikita niya ang pasimpleng pagbulong-bulong ni Clinton kay Xaria. Ang kamay ng lalaki ay nasa ibabaw ng sinasandalan ni Xaria, nagmumukhang naka-akbay.

"Oh, look that culprit." Kielton said, making her full attention went to the tv news.

Madilim na sa background ng reporter at live na kuha pa 'yon mula sa Pampanga.

"Narito po tayo ngayon sa rest house ng pamilya Torres sa Mabalacat, Pampanga. Kung makikita niyo po, sa likod ay hawak na ng ating kapulisan si Rowen Torres na sinasabing mastermind sa pagtatanim ng iligal na droga sa music studio ng sikat na bandang ColdHeart sa Taguig City." Pahayag ng reporter, bago nagpatuloy ulit.

"Si Rowen Torres ay napabalitang dating kasintahan ng isa sa tagapagmana ng Campbelland Inc.; si Kianna Avarie Campbell at mas kilala sa kanyang screen name bilang si Ann Santos. Isang modelo. Na nito lang ay napabalita na kasintahan ni Kielton Grande.

Ayon sa pulisya, ang motibo sa pagtatanim ng droga ay dahil sa inggit, galit at selos na nauwi sa paghihiganti. Pero, hindi lang pala ito ang kaso na kinakaharap ni Torres dahil napatunayan din ang pagbabanta nito sa buhay ni Kielton Grande noong gabing lumubog ang El Grande. Hawak ng mga pulisya ang witness na nagpapatunay na binayaran ito ni Torres upang patayin ang sikat na bokalista ng ColdHeart."

Territorial Men 8: Kielton GrandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon