22 ~ Fight (SPG)

306K 8K 1.2K
                                    




CHAPTER TWENTY TWO

THEY secretly plan their escape. It wasn't easy because they don't have enough resources to help them escape from that place. Mahirap ang gustong mangyari ni Kielton lalo at pareho silang walang pera.

Isa lang ang naiisip niya, 'yon ay humingi ng tulong sa mga kaibigan nito o sa kapatid na si Clinton, ngunit hindi masyado gusto ni Kielton ang ideya niya.

"They can help us. You just need to lower your pride."

Kielton remain silent. They are in the rooftop, the chopper wasn't there. Nagkukulay kahel na ang langit at tumatama ang sikat ng papalubog na araw sa malawak na karagatan. Ilang sandali nalang ay hahalik na ang araw sa tubig dagat, tanda na natapos na naman ang isang araw para sa kanila.

They are both standing in front of the metal railing, the barricade were covered with thick glasses, it reached her chest. They are both facing the sea while watching the beautiful scenery.

"Ayoko na rin dito. Paano kung biglang bumisita si daddy? Siguradong paghihiwalayin niya tayo." Dagdag niya, isa pa 'yon sa inaalala niya.

Paano nga kung bigla nalang dumating ang ama niya? Siguradong magagalit 'yon lalo at naroon si Kielton, kasama niya. Kaya dapat talaga ay umalis na sila. Ayos lang sa kanya kahit saan, basta, makaalis lang sila.

Kielton is still in deep thought. Malayo ang tingin nito, sa lalim ng iniisip ay hindi niya maarok kung ano ba talaga ang tumatakbo sa utak nito.

His hair is getting longer and his growing whiskers were visible now on his jaw. He looks rugged and very manly. But something in his eyes that she can't decipher.

Simula nang magising ito noong umagang 'yon at bumalik ang ala-ala, nagkaroon ng pagbabago sa mga mata nito, madalas ay walang emosyon 'yon lalo na kapag naabutan niyang mag-isa ito.

Iniisip parin siguro nito ang nangyari, dapat niyang intindihin 'yon lalo at hindi biro ang dinanas ng binata.

Yesterday, she suggested that they could use her grandfather's yacht to escape, but Kielton didn't agree with it. Ngayon, susubukan niya ulit.

"We can use the yacht, I hope you consider it now."

"I said, I don't want to travel in the water." He looks pissed.

Humugot siya nang biglang natanto kung bakit ayaw nitong bumalik sa karagatan.

Her heart aches for Kielton. Yes, he's still suffering and struggling with that tragedy. She can see and feel it.

Bakit ba hindi niya 'yon inisip kaagad noong una palang na inaya niya itong maligo sa dagat ay matindi na ang pagtanggi sa kanya?

Ni hindi nito gustong tumapak sa dalampasigan. Kapag naliligo siya sa dagat ay tinatanaw lang siya nito mula sa teresa, kahit kailan ay hindi siya sinamahan.

"I need your phone later, I will contact my friends." He said after a long while.

Dapat ay masaya siya hindi ba? Dahil sa wakas ay nag desisyon na itong humingi ng tulong sa mga kaibigan? Pero bakit hindi siya maka-ngiti sa narinig?

Siguro dahil ramdam niyang, napipilitan lang ito at walang ibang choice kundi humingi ng tulong sa mga kaibigan.

Knowing Kielton's behavior, he always choose to do most things by himself without asking a help from others, but now that he's not in very good condition, he needed to force himself to ask help... or else they would be stuck in that place, or worse, her father would arrive unexpectedly and forcefully separate them.

Madilim na nang bumaba sila. Naaubutan nila ang lolo niya na nanonood ng balita, sinulyapan lang sila nito nang makapasok sila ng tuluyan sa loob ng bahay.

Territorial Men 8: Kielton GrandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon