Kabanata 5

6K 230 7
                                    

Kabanata 5

More Than Anything

Talia was already fast asleep on her bed while I was still studying for our quiz on Pharmacology. I had three powerpoint print outs, each with twenty plus pages. Hindi ko alam kung paanong nagkakaroon pa ng tulog si Talia.

And I have to study the book. Hindi porke't may print outs na pinamimigay ay pupwede na lang iyon. I am not as studious as some of my classmates pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang pag-aaral ko. Sometimes my performance in school affects our image in the sorority. Hindi dahil nakapasok ma kami doon ay ganoon na lamang. We also need to prove ourselves worthy all throughout.

Pasado alas dos ay nakatulog na ako. I finished studying all those powerpoints and some pages in the book thanks to those two cups of coffee. Nang mag-umaga ay ginising ako ni Talia para sabihing mauuna siya dahil mas maaga ang klase niya kaysa akin.

I wore our white uniform and I.D. Hindi pa man ako nakakalabas ng kwarto ay kinatok na ako ni Mia para mag-agahan.

"Hindi maaga ang klase mo?" tanong ko sa kaniya. Mia's a fourth year Political Science student. At dahil graduating na madalas ay hindi talaga siya dito namamalagi sa sorority house. Nandito lang siya kapag nakakaluwag sa schedule.

"Wala pa yung Professor namin," sabi niya. Naglagay siya ng plato sa aking harapan. Bahagya kong sinilip ang laman ng pan na nasa stove. May hotdogs doon na hinati-hati.

"Thanks." I told her when she gave me three. Ngumiti lang siya sa akin at umupo na rin sa aking harapan.

"Past two ka na natulog? Quiz?" aniya.

"Yeah so I don't have to review for later. May clinical lecture pa kami mamaya," sabi ko. Mia and I talked about other things. Labas na yung about sa school. Tinanong niya ako if kumusta naman yung kapatid ko, sabi ko naman ay ayos naman at buhay pa rin. She just laugh.

Umalis na ako nang malapit ng mag-time. I still have a general subject before my quiz. Minsan sa general subject pa ako naiinis kasi nagpapa-surprise quiz bigla, eh minsan hindi ko na pinag-aaralan iyon.

"Regencia, Verbena Lorianne?" It was exactly my name when I entered the room. Napataas ang kilay sa akin ng aming Prof nang pumasok akong hindi nagmamadali.

"Take a seat Miss Regencia. Mukhang hindi ka yata nagmadali papunta dito."

Sabi ko nga.

"Sira po yata relo ko, Miss. Ipapaayos ko mamaya." Ngumiwi ako. She just nodded at me. Hindi naman siya malupit, minsan ay inis lang dahil may mga late. Nilibot ko ang tingin sa classroom. Dahil nga may quiz sa next subject ay mukhang mas maaga silang dumating. Some of my classmates like to review in school, minsan di na nga nag-aagahan makapag review lang.

They are that studious lalo pa't pressured rin kami kasi nasa top nursing school kami. Last year ay nag-top sa board exam ang iilang seniors at pati ang school ay nasama rin sa top. Mas lalo ding humigpit ang education system sa amin at mas lalo yata kaming pinahihirapan.

Nang matapos ang unang subject ay lumabas ako ng classroom. The class mayor instructed some of my classmates to arranged the seats by equal rows and columns. Hindi ko na dinala ang aking reviewer palabas dahil baka bigla akong mag-cram at magshuffle na yung terms sa utak ko.

Pumasok ulit ako sa room nang papalapit na yung prof namin. I usually sat at the end of the row. Mas malapit sa dingding, mas less ang distraction. I prepared my pen, eraser and two ballpens. Bumati muna kami sandali sa aming prof bago siya namigay ng test paper.

Nang matanggap ko ang aking papel ay agad kong sinulatan ng pangalan ko. I answered immediately. May enumeration at identification sa test.

I was on the last item. Sumulyap ako sa crystal na bintana ng room. Wala pang nakakalabas sa room. Usually kapag nagku-quiz, yung mga salaula kong kaklase kapag hindi na alam ang sagot, either iiwan lang nila na blank o manghuhula sila ng sagot.

More Than Anything (Absinthe Series 4)Where stories live. Discover now