Kabanata 19

5.1K 193 53
                                    

Kabanata 19

More Than Anything

"Anong ginagawa mo rito?" I asked Crithos when I saw him leaning on the wall beside the laboratory. Ako ang pinakahuling lumabas sa aking klase kaya ako rin ang naatasan na pumatay lahat ng ilaw at ng aircon.

I tucked my books closer to my chest as I watched him pushed himself against the wall to stand up properly. Naningkit ang aking mata nang makitang bukas ang dalawang butones ng kaniyang puting uniform at kita ko ang puting t-shirt niya na sa suot.

"Do you still have class after this?" he asked, ignoring my question a while ago.

"Wala." I stepped out of the room. Umisod ako patungo sa pinto na nakalapat sa dingding at dahan-dahan iyong ginalaw upang maisara ko na.

"Ako na." Pigil sa akin ni Crithos nang mapansin niyang nahihirapan ako dahil sa librong dala. He closed the door for me while I watched him.

"Ano ngang ginagawa mo rito?" I asked him again when he was done closing the door. I hooked the heavy padlock but didn't try to lock it properly. May janitor naman na magla-lock ng pinto kapag tapos na lahat ng klase.

"Let's have dinner," aniya. Sinulyapan ko siya upang makita kung seryoso ba siya doon, pero sa harap siya nakatingin.

"What makes you think I'll have dinner with you?" Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din siya. Humarap ako sa kaniya. I tilted my head a bit to get a better view of his face. Hindi ako katangkaran kaya kailangan kong gawin iyon.

"You're hungry," puna niya.

I just hummed. There was a sarcastic smile on my face. "And it's not your concern if I am hungry." I retorted.

Tamad niya akong binabaan ng tingin. His gray eyes were barely visible to me because he had thin almond shaped eyes. Kapag nakatingin na siya pailalim, parang wala na akong makita. Only that he had short semi-curly lashes.

"I am not concern, Verbena. Gusto ko lang ng may kasamang kumain."

I rolled my eyes. "And if I still have my class?"

"You already said you don't have any class. It means you're free."

"No." Pinaseryoso ko ang aking mukha.

Kumunot ang kaniyang noo. "No?"

"No, I don't have a class after this and no, I will not eat dinner with you." Malawak pa akong ngumiti. "Gets mo?"

"Hindi ko gets kaya sumama ka na sa akin." He reached for my wrist and pulled me along with him. Suminghap ako dahil muntik ko ng mabitawan ang aking libro.

"Hoy!" tawag -pansin ko sa kaniya ngunit tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad habang hatak ako.

"Crithos, isa!" suway ko. Itinikom ko ang aking bibig nang may mga professors na dumaan. Umayos ako nang lakad. Nilingon ako ni Crithos. Nagtataka siguro kung bakit bigla akong nanahimik.

"You were saying something, Ate?" he mocked.

I glared at him. "Jerk."

Tuloy-tuloy kaming naglakad hanggang sa makalabas kami ng gate.  Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero dumaan siya sa gilid ng school.

"Bakit dito ka nagpark ng kotse?" taranta kong tanong dahil sa eskinita niya lang ipinarada.

"It's convenient," aniya at pinagbuksan ako ng pinto. Napanganga ako at tumingin sa kaniya.

"Convenient? How is this convenient?" I spat at his face. Kasi wala talagang kaconve-convenient sa pagpark sa gilid ng school lalo pa't walang bantay. Who knows? Baka biglang may mambato dito. Kawawa naman ang sasakyan niya!

More Than Anything (Absinthe Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon