Kabanata 6

5.4K 205 23
                                    

Kabanata 6

More Than Anything

That day, someone brought me a slice of strawberry cake. Walang pangalan kung kanino galing, ang sabi ay pinapabigay lamang.

I ate it. Mukha namang walang lason kasi galeng sa sikat na pastry shop. Hindi na ako nag-abala pang hanapin kung kanina ba galing.

The next day, magkasama na kmi ni Talia mag-lunch kasi pareho ang lunch time namin. Sinabi ko kina Gaile na hindi ako makakasabay dahil magkasama kami ni Talia. They said we could join them, ang sabi ko sa susunod na lang dahil baka magulat ang kaibigan ko.

We ate at the cafeteria. Hindi ako kumain ng kanin at bumili na lamang ng pansit. Talia bought full meal for lunch. May kanin at ulam. She offered me rice, pero tumanggi ako. I just continued reading our hand outs.

"Labas naman tayo mamaya!" she munched her food with enthusiasm. Bahagyang tumaas ang aking kilay habang nagbabasa.

"Bakit?" tanong ko, nagbabasa pa rin.

"It's friday! Wala naman tayong gagawin bukas."

Kahit na. I have to study," pangangatwiran ko.

"Please!" Padabog niyang binaba ang kubyertos niya at ngumuso sa akin. I sighed. Niligpit ko ang mga hand outs at inilagay sa aking portfolio.

"Fine!" pagod kong sabi. Tumawa siya at bumalik sa pagkain. After we ate, tumambay kami sa lounge. Nandoon sina George na mukhang kababalik lang galing sa labas ng school.

"Verbena, pasama raw si George sa 7/11!" sabi ni Juan na nandoon din. Nagkatinginan kaming dalawa ni Talia. She raised her brow on me.

"Gago!" Humalakhak si George at umiiling sa akin. "Huwag kang maniwala sa kanila, Ver. Nagbibiro lang 'yan."

"Ano bang bibilhin mo?"

"Wala, biro lang 'yun," aniya at iniwas ang tingin. Siniko ako ni Talia. Pinandilatan ko iyon ng mata.

"Mukhang may gustong bilhin. Samahan mo na. Di naman ako magtatagal. I have class," she winked.

" Sigurado ka?"

She giggled. "Oo nga. Doon na lang ako mag-rereview."

Tumango na lang ako. Sinundan ko siya ng tingin habang pabalik siya sa kanilang room. May iilan pa siyang sophomores na nadaanan at may bumati. Malamang ay mga kasama namin sa sorority.

Lumapit ako kina George. Nagsikuhan sila nang makitang papalapit ako. Ibinaba ko ang aking portfolio malapit kay George at doon na lang umupo sa tabi niya kasi ang iba ay nasa tabi ng ibang boys.

"Sina Gaile?" tanong ko dahil pansin kong wala sila doon ni Reese.

"Nasa girl's cr. Pasensya ka na pala sa mga 'to," aniya at humawak sa kaniyang batok. He smiled a little, his dimples showing.

Sa totoo lang gwapo naman si George, matangkad, matalino at maganda ang pangangatawan. He was admired by the other girla in our class. May mga sophomores din na pinag-uusapan siya sa tuwing dumadaan ang section namin sa hallway.

Kaya lang hindi naman ang tipo ni George ang gusto ko. I just don't see it in him. Masaya naman siyang kausap, minsan nagkakasundo kami when it comes to our lessons. Kapag nagkakagrupo din, masaya siyang kasama.

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin nang mapansin ang pagkakatulala ko. I felt my self blushed when he smiled at me.

"Ha? Okay lang. Pasensya na. May iniisip lang ako."

He went back to talking with his friends. Tahimik ako sa kanilang tabi habang pinag-aaralan ang hand outs. Dumating sina Gaile galing cr. Doon sila umupo sa harapan ko.

More Than Anything (Absinthe Series 4)Where stories live. Discover now