Kabanata 36

5.8K 215 21
                                    

Kabanata 36

More Than Anything

Kinagat ko ang aking labi habang nakatingin sa aking sarili sa salamin. Pinadaan ko ang aking palad mula sa aking tiyan pababa sa aking hita. The white fitted dress looked good to me. Mas bumagay ito sa nagta-tan ko ng balat. I was wearing a long puff sleeve v-neck dress that ended just above my knees. May puting pearls na disenyo sa gitna mula sa ilalim ng V at umabot iyon hanggang dulo.

I paired the dress with a pearl necklace with a golden sun design at the middle. Inilugay ko lamang ang aking buhok at inipit ang hibla sa likod ng aking tainga. It showed my bangle-type earring. To finish my outfit, I paired it with a nude high heel sandal.

Sinipat ko ang aking mukha. Iniisip ko kung babagay ba sa akin ang mag-bangs pero baka magmukha akong Koreana'ng galing sa bakasyon sa Boracay kaya huwag na lang.

Dala ang brown clutch ay bumaba na ako. I saw Crithos sitting comfortably in his wheelchair while watching the news. Suot na niya ang naipadalang suit para sa kasal nina Helion at Raya. When he heard my footsteps, his gaze immediately found my descending figure.

Nagbaba ako ng tingin nang makitang hinagod niya ang aking kabuuan. The dress looked simple for me pero bumagay iyon sa akin at pakiramdam ko naman ay nadadala ko. I've always been a fan of puff sleeve tops ever since college. Nitong nagka-work lang naman ako tumigil na sa pagsusuot noon dahil kadalasan kapag off-duty na ako sa ospital, t-shirt na ang aking mga suot at simpleng blouse.

Kinagat ko ang aking labi nang makalapit na sa kaniya. Kahit hindi nakatayo, masasabi kong bumagay sa kaniya ang suot na maroon tuxedo. His satin peak lapels were black in color and he's wearing white turn down shirt underneath his single button coat. The bow tie settled attractively on the middle of his neck.

His hair was pulled back and was styled in a neat way. Mas lalong nakuha ng aking atensyon ang kaniyang itim na piercing sa tainga na hindi niya man kang kinuha. It suits him, actually. His jaw complimented his badass look and his pair of ashen eyes.

Hindi ko na siya tinulungang mag-ayos kanina dahil ang sabi niya ay kaya niya nang tumayo nang maayos. I was actually worried about later dahil baka sumakit ang kaniyang paa. The ceremony consists of standing and sitting. Hindi pwedeng palaging uupo lang ang mga bisita habang nasa seremonya ng kasal.

He didn't comment on what I was wearing. Impromptu lang din naman ang pagbili ko ng damit dahil nakalimutan kong ngayon na pala ang kasal nina Raya at Helion. I don't really know much about their wedding. Nang hiramin ko ang invitation mula kay Crithos kahapon ay napag-alaman kong Greek-themed iyon. Kung bisita lang naman ay okay ng nakasuot ng puti.

Pinatay ko muna ang tv bago siya binalikan at itinulak ang kaniyang wheelchair. Nasa maliit kong clutch ang kaniyang gamot. I don't want to risk because he might need his pain reliever later. Hindi pa naman siya nagpapa-check sa doctor tungkol sa injury niya kaya nababahala ako.

Pero parang ako lang naman ang nag-aalala sa kalagayan niya dahil prenteng-prente siya ngayon. He even had the audacity to swim on his pool yesterday together with Jeni. Umuwi lang naman ang girlfriend niya pagkahapon.

Well, I did try not to stare too much. Inaliw ko ang sarili ko na magtingin-tingin ng job hiring sa iilang ospital sa Manila, nga lang, mas maraming job opportunities sa mga pamprobinsyang ospital. Naghanap din ako abroad at mas marami pa nga doon. I did want to try to work outside of the country, pero may pumipigil lamang sa akin. Being away from my family was never easy, nasa Manila nga lang ako at nasa Batangas sila ay nahirapan ako ng ilang taon, ano pa kaya kung nasa ibang bansa na ako?

"I saw you trying to find a job abroad," pagbasag ni Crithos sa katahimikan habang naglalakad kami papuntang elevator. Nagulat man ako sa sinabi niya ay hindi ako huminto sa pagtutulak.

More Than Anything (Absinthe Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon