Kabanata 10

5.3K 197 21
                                    

Kabanata 10

More Than Anything

I forced myself to smile when Dad hugged me. Tapos na ang dinner at kailangan pa nilang lumuwas pa Batangas dahil may duty pa si Papa kasama ni Tito Athos.

"Mag-ingat po kayo." I told him.

After almost three years, ngayon ko lang physically ulit nakita ang parents ko. There was a changed in my Dad's features. Humahaba na ang kaniyang buhok at may wrinkles na rin siya. I know his work requires a lot of time and attention. Alam ko namang ginagawa ni Papa ang responsibilidad niya bilang doktor na kaya niyang manatili sa hospital kahit ilang oras pa and sometimes overworking himself.

"Ikaw din, Verbena. I missed you, Anak," he whispered to me. Kinagat ko ang aking labi. I missed my dad, too. Alam kong mali na hindi ako umuwi sa kanila kahit kailan pero desisyon ko naman ito. Dad was too kind to even give me money for my tuition and allowance. Kaya nga, hindi ko masyadong ginagastos kasi pakiramdam ko, hindi ako worth it na bigyan ni Papa nang ganoon kalaking halaga dahil sa ginawa ko.

"Sige na, Pa. May pasok pa bukas si Shan at inaantok na po siya." Sinulyapan ko ang aking kapatid na nasa loob ng kotse. Bukas ang bintana kaya kita ko siyang pagod na nakapatong ang ulo sa headrest ng upuan ng sasakyan. Si Mama ay nandoon sa front seat at diretso lang ang tingin.

"Hindi ka ba magpapaalam sa Mama mo? Birthday niya ngayon." Papa smiled at me. Umaasa na sana paunlakan ang gusto niya.

I sighed.

Pumunta ako kay Mama. Napatingin  siya sa akin. She had an impassive expression on her face.

Pinigilan kong bumuntong-hininga ulit.

"Happy birthday, Ma." I told her. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. I just didn't want to look at her.

Umalis na ako dahil mukhang wala naman siyang sasabihin sa akin. Ngumiti sa akin si Papa bago siya yumakap ulit sa akin at nagpaalam.

When the car was out of my sight, lumapit ako sa kotse ni Sylver na nasa kabilang kalsada. He was already inside his car kasi ako ang huling nagpaalam kay Papa at iniwan niya ako doon, as if he intended to torture me.

Tahimik kami sa biyahe pabalik sa sorority house. Kanina ko pa gustong tanungin si Sylver pero dahil nandoon sina Mama ay ayaw kong awayin ang kapatid ko.

"I'm sorry. Dapat sinabi ko sa'yo," aniya sa huli nang mapansing parang kating-kati akong kausapin siya.

"Alam mong ayaw kong makita si Mama."

"I know. That was rude of me, V. Pero hindi naman pwedeng ganito na lang palagi na, hindi mo kakausapin si Mama o hindi ka magpapakita sa kanila."

"It's my decision, Sylver. Huwag mo akong pangunahan kasi hindi mo naman naiintindihan!" sumbat ko.

"Hindi ko nga naiintindihan kaya V sabihin mo naman! Hindi lang naman si Mama ang nahihirapan! Nakita mo si Papa? Miss na miss ka na ni Papa! He was always worried about you!"

Kinagat ko ang aking labi. Iniwas ko ang tingin sa kaniya. My reason was a petty one. I was just insecure. Napuno ako kay Mama. Gusto kong may mapatunayan sa kaniya. Pero hindi ko masabi-sabi iyon kay Sylver kasi alam kong hinding-hindi niya maiintindihan iyon.

When we passed by a convenience store. I told him to stop the car. Ayaw kong mas mag-away kami kasi ayaw kong sabihin o nagagalit at naiinis na siya sa akin. Ayaw kong pati relasyon ko sa kapatid ko ay madamay dahil lang sa napakababaw kong rason.

"V, it's late! Bumalik ka dito!" he shouted when I got out of his car.

Nilingon ko siya. "Umuwi ka na. I can go home on my own."

More Than Anything (Absinthe Series 4)Where stories live. Discover now