Kabanata 23

5K 243 29
                                    

Kabanata 23

More Than Anything

Umulit pa ng pagtugtog sina Crithos. Nang sumapit ang alas dose ay mas dumami ang tao at mas lalong naging lasing ang aking kapatid kapag bumabalik siya sa pwesto namin. Ang alam ko talaga ay doon siya pumupunta sa pwesto ng mga kabanda ni Crithos tapos bumabalik lang kapag trip niya.

Noong maga-ala una na ay inaya ako ni Talia na umuwi na kasi nahihilo na siya. I texted Crithos because he went back to his friends to get a few drinks. Hindi na rin nakatayo si Sylver. Kanina ko pa nga sinusuway na tama na ang pag-inom at ang papahirapan naman ay ang dalawang kasama sa condo.

Nakita kong papalapit na sa amin si Crithos. His eyes then dropped to my brother's sleeping figure. Wala na bagsak na.

"Just, kaya mo pang magdrive?" rinig kong tanong niya kay Justin na ngayon ay nakaupo na lang. Tahimik na tumango si Justin at nagpasya ng tumayo. Unlike Sylver, Justin only had a few drinks. Siguro'y alam niya rin na siya ang magda-drive sa kanilang dalawa kasi ihahatid pa kami ni Crithos.

Crithos helped Justin carry Sylver. Nang masigurong ayos na ang pwesto ng aking kapatid sa sasakyan ay naghintay na lamang kami kay Crithos na kinakausap pa si Justin. Baka sinasabing matatagalan siya dahil ihahatid pa kami.

The ride back to the Sorority house was quiet. Si Talia ay bagsak sa back seat at nakatulog na habang sa biyahe. Sinubukan ko ring pumikit nang sandali pero agad din naman akong namumuklat.

"Do you want to eat something?" rinig kong tanong ni Crithos. Mula sa pagkakasandal sa bintana ay napaayos ako ng upo at sinulyapan siya.

"Hindi na. I can't sleep with a heavy stomach." I told him. Tumango naman siya.

Nang malapit na kami sa Sorority house ay pinukaw ko na si Talia. The lights were open outside pati na rin sa receiving room kaya natitiyak kong may mga gising pa. Baka nga iyong iba naming sisters ay nasa labas pa rin.

"I'll be back." I told Crithos as I held Talia on her elbow to support her. Medyo mabigat si Talia kasi mukhang hindi pa tuluyang nagigising.

Okay."

Pinapasok ko si Talia sa loob. Tama nga akong may mga gising pa at nanunuod ng pelikula. Nagulat pa sila nang makita kami ni Talia.

I went upstairs and put Talia to bed. Kinumutan ko na at lumabas din naman ako sa kwarto nang masigurong ayos na siya doon.

"Tatambay ka pa sa labas, V?" tanong ng isa sa mga nanunuod ng pelikula.

"Yeah, I'll just buy food." I lied smoothly. Hindi rin naman nila napansin na may naghihintay na kotse sa labas.

Lumabas na nga ako. Nakalipat na sa kabilang side ng kalsada ang kotse ni Crithos. I went inside his car cautiously.

"Where do you want to go?" tanong niya sa akin at nagsimula ng paandarin ang kaniyang sasakyan.

"I know a place." Ngumiti ako sa kaniya. I gave him instructions on where to go hanggang sa makarating kami sa lugar.

"It's an old roof deck," aniya at lumingon sa akin, nagtataka kung bakit kami narito.

I rolled my eyes at him. "May mata ako kaya nakita ko. Come on, I'm sure no one's there." I cocked my head. Nauna pa akong lumabas sa kaniya.

The humid breeze of air hit my face. Tumingala ako sa abandonadong building na may lumang roof deck. Well, I accidentally discovered it a year ago. Hindi ko naman palaging napupuntahan kasi wala naman akong sasakyan papunta dito. The view is good lalo na kapag gusto mo lang magpahangin at tumingala sa ulap.

More Than Anything (Absinthe Series 4)Where stories live. Discover now