Kabanata 8

5.1K 193 5
                                    

Kabanata 8

More Than Anything

Naging madalas ang paglabas namin ni George na kaming dalawa lang. Minsan nags-study out kami sa mga cafe na kaming dalawa lang din. Everyone was already suspicious. Sinabi ko naman sa kanilang hindi nanliligaw si George kasi hindi naman talaga.

Kalagitnaan ng July nang ayain niya ulit akong magdate. Ang sabi niya kasama niya ang pinsan na karating lang ng bansa at ang boyfriend nito. So I agreed because I also wanted to go out. We went hiking together with his cousin na Fil-Am tapos doon niya ako tinanong kung pwede ko na ba siyang maging boyfriend.

I turned him down. Ang sabi ko ay bakit siya magtatanong nang ganoon kung hindi naman siya nanliligaw. He said he would court me everyday. I was convinced but not enough. Hindi ko siya sinagot kasi hindi ko naman talaga siya gusto. I told him the truth.

"Hindi kita gusto, George. At ayaw ko ding makipagrelasyon sa kahit sino. Sana maintindihan mo."

I know my words sounded harsh but it's the truth. I know he didn't get it. Pero matalino naman si George at mabait kaya maiintindihan niya ako. I told him that I prioritize my studies more and I have to work hard for it. Sinabi ko ring ayaw kong may makarelasyon kasi may mga issues ako sa buhay kung saan ayaw ko ng may madamay pang iba.

We stayed friends after that. Minsan ay napapansin kong parang may ginagawa siya para makuha ang atensyon ko pero hindi ko na pinagtutuonan ng pansin kasi ayaw ko siyang umasa. Hindi na din ako madalas na sumasama sa kanila sa lunch para hindi na madevelop pang lalo ang nararamdaman niya sa akin at mas madali siyang makakahanap ng babaeng magugustuhan niya.

And because of that, I was alone at lunch again. Hindi pa rin ako kumakain ng kanin sa pananghalian at kuntento na sa pagkain lamang ng cake.

Someone sat at the chair across mine while I was reading my reviewer. Inalis ko ang tinidor sa aking bibig at napaangat ang aking tingin. Nagtama ang tingin namin ni Crithos na ngayon ay nakatunghay na sa akin.

"What are you doing here?" Inilibot ko ang tingin sa buong cafeteria. "Marami pang bakanteng upuan." katwiran ko sa kaniya.

"I know. I chose to sit here, though, Ate."

Here he goes again with that endearment. Ngumisi siya nang makitang nairita ako sa kaniyang pagtawag. Binabawi ko ng mas gusto kong tawagin akong 'ate' ng nakababata sa akin. I feel old and sickly!

"May nakaupo na diyan," sabi ko. Ibinalik ko ang atensyon sa aking reviewer. I glanced at the table. Nakapatong doon ang kamay ni Crithos na may itim na singsing. He was tapping the table and it was kind of annoying.

Inis akong tumingala sa kaniya. "Stop tapping the table. I am studying. Kung ayaw mong maging istorbo ay doon ka sa kabilang table umupo."

"Why are you even studying here? It's crowded. Hindi tahimik," aniya at umupo sa tapat ko. Now, my attention was fully on him. Ipinatong niya ang dalawang braso sa mesa at ngumisi sa akin.

"Mas nakakapag-aral ako kapag may nakikitang tao," sabi ko sa kaniya. Tumango-tango siya. Bahagyang napalabi pagkatapos ay kinuha niya ang highlighter ko sa mesa.

"Stop touching my things. And please, humanap ka ng ibang mauupuan kasi hindi ako sanay na may istorbo sa pag-rereview ko."

"I thought you like studying with people around. Hindi ba ako isa sa mga people?" he asked playfully. Umirap ako. Nawalan na ng pag-asa na titigilan niya ako.

"Crithos, please."

Naglaban kami sa titigan. Nang makita niyang seryoso talaga ako ay tumango siya at nilingon ang bag na nakapatong sa kabilang upuan.

More Than Anything (Absinthe Series 4)Where stories live. Discover now