Kabanata 25

5.2K 238 32
                                    

Kabanata 25

More Than Anything

Napataas ang kilay sa akin ni Crithos nang mapansin ang hawak kong backpack. I rolled my eyes at him. Nagmamaang-maangan pa eh alam naman niya kung bakit ko dala.

"Kinontsaba mo pa talaga si Talia, huh?" I confronted him when I put the backpack at the backseat of his car.

"I wanted to spend the weekends with you. Wala kang kasama dito at wala din ako, kaya might as well be together in two days." He winked. Umismid ako at sinuot ang aking seat belt.

Wala akong alam sa plano niya ngayong araw dahil obviously, hindi na kami nakapag-usap kagabi. I was fast asleep and he probably did too, pero nakahabol pang kontsabahin si Talia na i-pagpack ako ng damit na maisusuot for two days.

"Umalis na sina Sylver?"

"Yeah—aw!" napahiyaw siya kaya agad akong napatingin. Nakangiwi ang kaniyang labi habang naniningkit ang mata.

"What happened to you?" Tumagilid ako upang matingnan siya. He was still driving so I couldn't force him to face me and check on him. Sinapo niya ang panga at marahang hinimas.

"Nothing," aniya ngunit nandoon ang ngiwi sa labi.

"That's not nothing." I stared at him in disbelief. Hindi naman siya nagsalita tungkol sa nararamdaman niya kaya hahayaan ko na lang muna. He'll probably complain about the pain again later.

We dropped by at their condo unit. Linis na linis ang buong lugar nila at kung titingnan ay parang wala na ngang tumira doon.

I placed my bag in Sylver's room. Si Crithos ay nandoon sa kitchen nila at tinitingnan kung may makakain pa ba doon. Nang lumabas ako ay nakatalikod siya sa akin at mukhang may inihahanda ng pagkain.

I went to his side to watch him cook an egg omelette. Gumilid ako at isinandal ang balakang sa edge ng lababo.

I watched his arms flex as he raised the pan in a swift manner. With his precise movement, he managed to flip the egg. Tumaas ang sulok ng aking labi habang nanunuod. Napalingon naman siya nang bahagya sa akin.

"You're just going to watch me cook?" tanong niya, may nagbabantang nakakalokong ngiti sa labi.

My lips protruded. "Maybe..." My voice was a bit teasing. He chuckled at my answer. Binitawan niya ang pan at ipinulupot ang braso sa aking baywang. Iyong isang kamay naman niya ang humawak doon at inayos ang pan na kaniyang ginagamit.

He placed a chaste kiss on my lips before he turned off the induction. Inalis niya na ang pagkakapulupot sa akin at inilipat ang kaniyang niluto sa isang pinggan.

"You're too good at everything, huh?" I asked him, still following his movements in the kitchen. Nakapatong na sa counter ang nailuto niyang omelette. Pero binuksan niya pa ulit ang stove upang magluto ng hotdogs.

"Not at everything, babe. Could you get me another plate please?" Sumunod naman ako sa sinabi niya at nagbukas ng cabinet. Kumuha ako doon ng isa pang plato at binigay sa kaniya.

"Ano pa ang hindi mo alam gawin?" tanong ko at bumalik sa pagkakasandal. Isinalang niya ang hotdogs sa pan at hinayaan muna sa mantika at hinarap ako.

He placed his forefinger and thumb on his chin as if he was thing.

"Buying groceries?" tanong niya, nanlalaki ang singkit na mata.

I chuckled at his answer. "Don't fret. I know you could do that. Mas maaasahan ka compare kay Sylver."

"Well, this is mostly Justin's duty." Kibit balikat niya. Hinarap na niya ang induction at ginalaw-galaw ang hotdogs doon para maluto.

Tumalikod na ako sa kaniya at ni-check ang kaniyang ref. Wala nang laman iyon at mukhang sinuyod na niya kanina pa. I also checked the cabinets for packed goods but there were none.

More Than Anything (Absinthe Series 4)Where stories live. Discover now