Kabanata 22

4.9K 209 53
                                    

Kabanata 22

More Than Anything

Naubos na iyong bucket ng beer na inorder ko, thanks to Sylver and Justine. Kahit ako ay hindi makapaniwala na kaya nilang uminom ng ganoon kabilis. Talia and I looked at each other.

"Talo ka pa ng kapatid mo!" halakhak ni Talia nang mapansing oorder pa nga ang aking kapatid. Pinabayaan ko na lang kasi wala naman akong magagawa dahil mukhang nagsasaya nga si Sylver.

Inubos ko na lang iyong pangalawang bote ko bago pa mawalan ng lamig. Damn, I really hate it when the beer gets warm. Others might be exaggerating when it tastes like warm piss but yeah, close to that.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone kaya naman kinuha ko ito. There was a text from Crithos.

Crithos:

Be back there later after we play

Tinitigan ko lang iyong message niya. Hindi na nga siya bumalik kanina matapos umalis, kahit pa noong nandoon na ang aking kapatid sa kinauupuan namin. I guess his band were still briefing for their gig.

Nagsimula na ngang mag-ingay iyong mga tao nang makarinig ng static na tunog. Nang mapatingin ako sa stage ay may nag-aayos na ng gitara. A familiar man emerged from the stage. May ikinabit siya doon sa electric guitar tapos inayos niya muna bago niya iwan doon.

"I think they're going to start," bulong sa akin ni Talia. Napa-cross legs ako at pinaglaruan iyong bibig ng bote gamit ang aking daliri.

Nang isa-isang pumwesto ang mga band mates ni Crithos (including him). Sinundan ko ng tingin si Crithos hanggang sa maupo siya kaharap iyong drumset.

Naghiyawan iyong mga tao nang tumayo sa harap iyong vocalist nila. He gently grabbed the microphone and turned it on. Gumawa ng ingay iyon pero agad ding nawala. Yumuko siya at inayos ang stand hanggang sa maging pantay na iyon sa kaniyang bibig. The vocalist then smiled at the crowd.

"Good evening," he greeted in a soothing voice. May humiyaw mula sa crowd, sa tinis ng boses ay hindi maitatangging babae iyong kinilig sa kaniyang boses. It was a bit husky and low. Parang bumagay lang din sa mukha niyang alam kong hindi pang-Pinoy talaga.

"I'm Helion and I am the vocalist of our band."

Isa-isa silang nagpakilala at habang padagdag ng padagdag ang pagpapakilala ay mas lalong lumakas iyong hiyawan nila.

"Crithos here, drummer!" pagpapakilala ni Crithos at may ngisi sa labi. He had this playful aura while in between the drumset. He looked like a king and the drum set is his throne. Taas-noo siyang nakaupo doon na parang ipinapakita na walang makakapag-alis sa kaniya sa trono niyang iyon.

He bit his lower lip and then roamed his eyes on the crowd. Hinanap niya ang aking tingin mula sa dagat ng mga tao. His sexy lips then curved into a smile and subtly winked at me. Palihim akong sumimangot sa kaniya.

"We are Absinthe and we're going to make you drunk tonight!"

Ooh, ooh ooh ooh,
Ooh ooh, ooh ooh

I bit my lower lip when I glanced at Crithos. He was slowly moving his head doing a head bang.

You and I go hard at each other like we're going to war
You and I go rough,
We keep throwing things and slamming the door

You and I get so damn dysfunctional,
We start keeping score
You and I get sick, yeah I know that we can't do this no more

More Than Anything (Absinthe Series 4)Where stories live. Discover now