Kabanata 35

5.8K 211 15
                                    

Kabanata 35

More Than Anything

Ipinatong ko ang gamot ni Crithos sa kaniyang harapan habang siya ay kumakain. Natigil naman siya sa pagsubo at nakita kong masama na naman ang tingin niya doon.

"Sa susunod ay lunukin mo muna. I saw some tablets on your trash bin. Hindi mo pala iniinom ang gamot mo kaya hindi ka gumagaling." I said sternly. Gusto ko tuloy ilublob siya sa inidoro dahil sa mga nakita ko.

Here I am worried about his condition and yet, what he did was just ignore his medications and let his pain worsen. Kung hindi pa ako naglinis sa kaniyang bathroom ay hindi ko makikita ang lahat nang iyon.

Binantayan ko siya hanggang sa matapos siyang kumain. I raised a brow at him when he got the pills in his hand. Sabay-sabay niyang ipinasok iyon sa kaniyang bibig at sinabayan ng pag-inom ng tubig upang malunok iyon.

"Tongue, please." I told. Umikot ang kaniyang mga mata bago niya inilabas ang kaniyang dila. Medyo pumuti ang gitnang bahagi senyales na medyo nagtagal pa ang gamot doon.

I nodded in approval before giving him another amount of water. Napalingon ako sa labas at nakitang malakas pa rin ang ulan. It was already six in the evening. Kadalasan ay kapag tapos na siyang uminom ng gamot ay umaalis na ako. Ngayon ay hirap ako dahil nasira ang aking sasakyan at kailangan ko pang ipaayos, I had to commute in order to get here.

"I'll stay here for a while. Malakas pa ang ulan at patitilain ko muna at saka na lang ako uuwi." Iniligpit ko na ang kaniyang pinagkainan at hinugasan iyon. Pagbalik ko ay nandoon pa rin siya at mukhang hinihintay akong makatapos.

Bumuntong-hininga ako bago ko hilahin paalis ng dining area ang kaniyang wheelchair. I pushed it towards his room.

Hinawakan niya ako sa kamay nang akmang papasok kami. Parang napapaso kong inilayo iyon sa kaniya.

"B-bakit?" I stuttered.

"Just stay here. You can use the room upstairs. Delikado na ang umuwi ngayon."

I didn't comment on what he said. Alam kong may point naman siya dahil mahirap nang umuwi ngayon lalo pa't traffic. If I commute, I'll be damned. Minsan ay tumataas ang tubig malapit doon sa apartment at nagba-brown out din.

I pushed his wheelchair inside his room. I switched on the corner lights para dim na lang ang ilaw. I pushed him again until we were on the side of his bed. Inalalayan ko siyang makatayo at makalipat sa kaniyang higaan.

So far, his legs were improving. Hindi na niya ipinupwersa dahil nandito naman ako at nag-aassist sa kaniya sa tuwing kailangan niyang tumayo, except when he wants to urinate and take a bath. Ayaw niyang nakasunod ako sa kaniya at palagi niyang isinasaad sa akin na hindi naman niya itinutungkod sa sahig ang paa para makatayo nang maayos.

I pushed his legs aside until he settled. Kukunin ko na sana ang kumot para hilahin patungo sa kaniya nang pigilan niya ang kamay ko.

Nagkatitigan kaming dalawa. His hold on me tightened like he didn't want to let go. Nagtatanong ang mga matang itinuon ko ang atensyon sa kaniya.

"On a second thought, can you just sleep beside me?" he whispered rasply. Humaplos ang daliri niya sa likod ng aking kamay na para bang sinusuyo ako at iniimbita.

Sumikdo ang aking dibdib sa kabang nadarama. His featherlight touch reminds me of the days when he just wanted to hold my hand and rest his head on my shoulder. Iyong mga panahong gusto niya lang magpahinga kapag natatapos na ang araw naming dalawa. It would be either on the backseat of his car or at the roof deck, wherever that suits the ambiance.

More Than Anything (Absinthe Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon