Kabanata 30

5.6K 195 30
                                    

Kabanata 30

More Than Anything

Gaya ng reaksyon ni Talia, ay galit din si Papa dahil sa pagpapaalis ng management sa akin. After a little talk, my father calmed down. Hindi nga biro iyong pagpapaalis sa akin dahil walang masyadong naganap at basta na lamang akong pinaalis. Raphael's family was keen on firing me but they didn't sue me for allegedly harassing their son.

"Ano ng gagawin mo ngayon? I told you to apply at CMH, ayaw mo. Mas maaasahan ang managment ng CMH kumpara sa ibang ospital, anak." Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Papa habang nakaupo sa kaniyang office chair. Ako naman ay nakaupo lang sa couch na nasa kaniyang opisina.

Mahina akong tumawa. "Pa, wala naman akong pamilyang pinapaaral kaya okay lang sa akin na mawalan ng trabaho pansamantala."

"Kahit na. Mahalaga sa'yo ang trabaho mo."

"At kailangan ko rin po ng pahinga," pag-aagap ko. Papa just sighed and had that calm expression on his face. Napangiti na lamang ako bago tumayo.

"Malaki na kayo pero pinapasakit niyo pa rin ang ulo ko." I chuckled at what he said.

Umuwi rin si Sylver sa bahay dahil nagkaroon ng problema sa site ng project na kanilang ginagawa. Dito pa nagkakalat sa bahay. Si Urshanne naman ay kakatapos lang ng kolehiyo pero tamad namang maghanap ng trabaho.

It feels like were back to being kids that needs to be taken care of. Hindi naman ako magpapadagdag sa sakit ng ulo ni Papa. Malaki na ako at may naipon akong pera. It could help me live for at least five years. Wala naman akong pinagkakagastusan maliban sa aking apartment at pagkain araw-araw.

"Aminin niyo na pong namiss niyo kami." I teased him.Umiling lamang si Papa at tumayo na. Lumapit siya sa akin at inakay ako palabas ng kaniyang opisina.

"Kailan mo ba balak mag-asawa, ha? Ikaw ang panganay ko pero mukhang mauunahan ka pa ni Sylver." Napailing pa si Papa. "Twenty-seven na pero wala ka pa ring boyfriend, anak. Dapat na ba akong mag-alala?"

Natahimik na lamang ako. A ghost of smile was attempting to resurface on my lips.

Boyfriend? I had it seven years ago. Iilang tao lang ang may alam sa relasyon namin noon pero parang ang sakit pa ring balikan ng kahapong nagdala ng tamis sa aking buhay.

The late night rides, the dinners, the kisses...all of them were left behind seven years ago. Marami ng nagbago. Ako ang bumitaw kasi alam kong hindi ko kayang matali sa isang relasyong minanipula lang naman ng aking kapatid.

After Crithos, there was no one else. May naging manliligaw ako but I turned all of them down because I couldn't have another relationship. Mas naging focus ako sa magiging kahihinatnan ko.  I did well in school after a heart break and then managed to graduate with Latin honors.

Noong graduation ko ay nakita ko siyang nanuod. He wasn't there because of me, though. He was there because of Sylver. He didn't want to see me after what I did to him. Pumunta lang siya dahil pinilit siya ng kapatid ko. I could see it in his eyes because he already had another girl beside him. Iyong alam kong magpapasaya sa kaniya kasi alam kong nakakasundo niya iyon sa lahat ng bagay.

I sighed. Bakit ko nga ba inaalala ang bagay na iyon? Matagal na. Ako naman ang bumitaw kaya dapat ay kalimutan ko na iyon. I already surpassed the guilt. Tapos na akong maramdaman iyon. Sa paglipas ng panahon alam kong madali na lang kalimutan ang mga nangyari sa amin. It was just a favor anyway.

Binisita ko si Mama sa kaniyang kwarto. Naabutan ko siyang nakatanaw na naman sa bintana at parang may hinihintay. Ganoon palagi ang ginagawa niya, walang mintis, araw man o gabi. The way her eyes would somehow widened when a car stops in front of a house, tells me that she was waiting for someone. At kapag ibang tao ang lalabas ay malulungkot ulit.

More Than Anything (Absinthe Series 4)Where stories live. Discover now