Medial

544 121 28
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

This is under MAJOR EDITING.

***

Life.

There's so much more in life than what most people see. We are always reminded how harsh and how sad life is. We believe that life is hard and that life is unfair, but we forget to see what life is teaching us since day one.

Life is not unfair. It is the people who is not fair.

Akala ko madali lang ang buhay. Akala ko din masaya ito.

Iyon ang kadalasang nananahan sa utak ng mga taong lumaking masaya sa buhay. Sila iyong mga taong hindi nakakaranas ng hirap at kung makakaranas man ay bihira.

Habang lumilipas ang panahon, sa bawat pagkalagas ng dahon at sa bawat pag-usad ng oras ay unti-unti akong namumulat sa reyalidad ng buhay. Hindi palaging masaya, dahil hindi mo masasabing tunay kang masaya kung hindi mo kailanman naranasan ang sakit at ang hirap.

Lumaki akong naghahanap ng atensyon at pagmamahal sa ibang bagay. Pakiramdam ko 'yong pagmamahal na hindi ko nakuha sa pamilya ko ay makikita ko sa ibang tao, kaya nga kahit pekeng kaibigan at kasinungalingang pagmamahal ay pinapatulan ko. Gusto ko kasing maramdaman na tanggap ako.

Mali pala, maling-mali. Kasi ang pagmamahal ay hindi hinahanap, ito ang hahanap sa'yo.

Pagod na din akong maiwan. Parang lahat ng tao ay kaya akong iwan kaso magnet yata ako sa ganoon. Kailangan yata ay palagi akong nakakaramdam ng sakit, kasi kung hindi ay hindi na siguro ako si Xena.

"Huwag mo akong iwan, parang awa mo na," nagmamakaawa kong saad. Nakakapagod nang magmakaawa. Nakakapagod manlimos ng atensyon at pagmamahal.

Kumapit ako sa mga braso niya na inaalis din naman niya ng marahas. With my tear-stained eyes, I tried holding his shirt. Maybe I can get strength by having him near me. Konti na lang kasi at matutumba na ako. My knees feel wobbly all of a sudden.

Nandito ako sa tapat ng condominium na tinitirahan ng aking boyfriend, ex-boyfriend to be exact. Ilang araw na akong pabalik-balik dito, nagbabakasakali na maabutan ko siya. Sa ilang araw na iyon ay ilang oras akong nananatili sa labas. Ilang beses akong madadaanan ng ibang nakatira sa palapag na iyon habang tinitingnan - iyong mga tingin na parang awang-awa.

Ngayon ko pa ba iisipin iyon? Ngayon pa ba ako magkakaroon ng pakialam sa awang ipinupukol ng ibang tao?

Gusto ko siyang makausap.

Hindi sapat ang salitang gusto kundi kailangan, kailangang-kailan.

Mabuti na lang at nandito siya. Maswerte akong naabutan ko siya. Alam kong papunta na naman siya ngayon sa ibang babae niya. Masakit sa akin iyon pero siguro naman ay babalikan niya ako kapag nalaman niya ang sasabihin ko?

Honestly, I don't want to beg for him because he shall not let me beg! Jusmeyo hindi niya dapat ako pinapabayaan. Dapat nasa tabi ko siya at hindi sa kandungan ng iba. Dapat ay sinusuportahan niya ako at ang batang dinadala ko. Hindi lang ako ang gumawa nito kaya bakit kailangang magmakaawa ako sa ibibigay niyang atensyon?

Gusto kong magwala tuwing mababalitaan ko sa mga kaklase ko na gabi-gabi ay ibang babae ang namamataang kasama niya. Mas tumitindi ang galit ko kapag nalalaman kong isa ang pinsan ko sa listahan ng mga babaeng ikinakama niya.

Ang kapal ng mukha! Saan siya kumukuha ng ganoong lakas ng loob?

Iwinaglit kong lahat iyon sa isip ko. Ngayon pa ba ako aarte kung kailan kailangan ng ipinagbubuntis ko ng ama? Kung kailan mukhang tatakbuhan ako ng boyfriend ko?

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now