Singko

144 69 13
                                    

I have always dreamt of having someone beside me, someone who's willing to be with me through ups and downs. Yung handang samahan ka sa kahit anong haman ng buhay.

Pagod na kasi akong maiwan. Gusto ko naman 'yong makikita ang halaga ko.

Love never abandons.

Ang sarap siguro sa feeling magkaroon ng taong interesado sa'yo at interesado sa mga baon mong kwento.

I'm here sitting in one of the bleachers here in EsAc's gymnasium. Aki visited the basketball team and they ended up playing.

Naglalaro pa rin sina Aki kaya kung ano-ano na naman ang naiisip ko.  'Yong lalaking maraming barya, hinahanap kaya niya ang ID niya? Pinaglaruan ko ang lace noon at iniisip kung ibabalik ko ba. ID niya naman 'to and besides pareho lang naman kaming nasa iisang campus.

Dito siya nag-aaral pero bakit hindi ko siya nakikita dito? Sus, weirdo kasi 'yon!

I added Luther Flaze Carriedo on Facebook and chatted him right away.

Xeres Nathalia V. Sandoval:

Hi!

You weren't accepting my friend req

Might as well tell you that I have ur ID

Napulot ko sa labas ng sub

Btw, ako nga pala yung nakapulot

Uh obviously

BASTA NASA 'KIN I.D. MO!!!!

Tsk. Dapat ina-accept niya agad ang FR ko! Xena na nag-add sa kanya choosy pa?

Ibinaling ko na lang ang atensyon ko kay Aki. Hindi naman ako ang nawalan ng ID so bakit ko pinoproblema 'yon?

Halos isang oras kong pinanood si Aki dito hanggang sa matapos ang game nila. Gusto ko sanang  punasan ang pawis niya kaya lang ay nahihiya ako sa coach niya pati na rin sa team mates niya.

Sinenyasan ako ni Aki na  magpapalit muna siya. Muli ko siyang hinintay at paglabas niya mula sa changing room, patakbo siyang lumapit sa akin.

"Sorry. Nag-intay ka tuloy," hinging-paumanhin niya.

"Ayos lang. Tara na," mababa ang boses kong pagyaya sa kanya at tumayo. Kinuha naman niya ang mga gamit ko.

Tahimik kaming naglalakad papunta sa kotse niya kaya naisipan kong tanungin na siya kasi pakiramdam ko umiiwas siya.

"Aki, may problema ba?" panimula ko. Kinakabahan ako, nakakatakot kasi. Unti-unti na akong naa-attach sa kanya. I can't bear losing him. Pride ko na lang ang umiiral kaya hindi ko pa siya agad sinasagot.

He makes me happy. With him, I know I'm safe.

"Wala naman. Ikaw, may problema ka ba?" pagbabalik niya ng tanong. Marahan niyang ibinaling ang tingin sa akin.

"Ang cold mo na kasi," sabi ko. Totoo naman. Pakiramdam ko unti-unti na siyang lumalayo sa akin.

"Wala 'yun. Ano ka ba? Wag ka nga mag-overthink," sabi niya na dinagdagan ng halakhak. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at wala kaming problema.

I usually overthink. I do it, a lot. Madami kasi akong anxiety at insecurities sa buhay. Nakadikit na sa pagkatao ko ang salitang overthink.

"Okay," sabi ko na lang. Tumawa ulit siya and patted my head. Napasimangot ako. Ginawa na naman akong aso.

Hinatid lang niya ako sa labasan, as usual. Kailan ko kaya siya ipapakilala kay Tita, and of course Molly! Parang ang laki ng problema niya sa akin.

Matamlay akong dumiretso sa kwarto. Ibinagsak ko ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. Napapagod na akong mag-overthink kaya sasagutin ko na siya. Tama!

Ayoko na kasing mawala siya. Madaming magaganda sa campus at 'yong mga fans nila sa basketball dati ay magaganda talaga.

Tahimik ako sa hapag kainan habang patingin-tingin na naman sa akin si Molly. It's getting creepy!

I headed towards my room having a heavy feeling. Hindi na naman tumatawag si Mama. Nakalimutan na ba niya ako? Tsk! What to expect from her? Iniwan nga niya ako dito.

Ayaw kong malungkoy kaya inabala ko ang sarili ko sa pag-aaral. Habang nag-aaral ay ka-chat ko si Aki.

Napatingin ako sa pintuan nang bigla iyong bumukas at bumungad sa akin ang pinsan ko. Si Molly na naman? Walang manners, ah. Basta na lang pumapasok nang hindi kumakatok.

"Seriously, ano bang problema mo?" iritang tanong ko. I don't want to be rude pero sa inaasal niya ay hindi ko na mapigilang mainis.

"May something pa din ba sa inyo ni Aki?"

She's raging. Nakikita ko ang pagtaas at pagbaba ng dibdib niya hudyat na nagagalit siya. Nagtataka ako kung bakit ang laking issue sa kanya nang sa amin ni Aki.

Ang hirap naman niyang patulan kasi once na magalit o umiyak siya, aatakihin siya ng asthma niya. Unfair!

"Ano naman sa'yo?" pambabara ko. Hindi ko na napigilang sagutin siya.

Mas lalo lamang siyang nagalit pero wala siyang imik na tiningnan ako. Tinalikuran niya lang ako at padabog na umalis sa kwarto ko.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para matahimik siya at hindi na ako guluhin.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral ng lessons namin. Walang mangyayari kung poproblemahin ko pa si Molly. Baliw naman 'yon!

Nawala naman ang inis at pagod ko nang araw na 'yon dahil narinig ko ang boses ni Aki bago matulog.

Na-guilty ako nang maalala si Lena. Nagtatampo na 'yon panigurado kasi hindi ko na siya masyadong nakakasama. Bilang pambawi ay niyaya ko siyang tumambay muna.

"Xena, ano palang plano mo kay Aki? Matagal na rin siyang nanliligaw ah," pagtatanong ni Lena habang kumakain ng fries.

"I'm thinking of making our status official," baling ko sa kanya. "Okay na ba 'yong 2 months na panliligaw? Baka naman isipan niya ang easy to get ko?" tanong ko sa kanya.

Natawa siya at dinuro ako ng fries.

"Nagpapatawa ka ba? Hindi ka si Maria Clara para patagalin ang panliligaw! Sa panahon ngayon, kapag di ka gumalaw mauunahan ka. Ikaw din," makabuluhan niyang sabi at nagpatuloy sa pagnguya ng fries.

Napaisip ako doon. Oo nga at napakalayo ko kay Maria Clara pero wala na ba akong karapatang magpaligaw ng matagal? Babae pa rin naman ako at deserve nang kahit sinong babae ang hintayin.

"Tss. Ang sama mo kausap."

Inirapan ko si Lena at inagaw ang fries niya. Walang-pasabi kong sinubo ang lahat ng nasa kamay ko.

Nandidiri naman akong tiningnan ni Lena.

"Nakakadiri ka girl. Ang dugyot mo!" Natawa na lang ako sa panlalait niya. Mabuti na lang at mayroon akong kagaya ni Alena.

Hindi na lang ako nag-komento at nginuya nang mabuti ang fries. Nafu-frustrate na naman ako. Bahala na nga!

"Anyways, masaya ako ngayon!" Halata ngang masaya siya kasi malapad ang ngiti niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"There's this guy that I met in Tinder. Medyo nahihiya ako kasi napaka-tino niya unlike me. Nakakalungkot din. Paano kung ma-disappoint siya sa akin? Isa akong pariwarang babae!" Umarte pa siya na parang umiiyak.

"Kapag naging masaya ka, wag mong hayaang mawala yun o tanggalin sayo. Enjoy the moment. Wag mo isipin ang ibang bagay. Ang mahalaga masaya ka. After all, you choose your happiness," makabuluhan kong sabi.

Napatigil si Lena at napatitig sa akin. Maya-maya ay tumawa siya nang tumawa. I rolled my eyes.

"Ang tino mo kausap ngayon, huh? Wow na wow! Words of wisdom coming from you," tumatawa niyang sabi. Niyugyog niya pa ako.

"Tell me, nasaan si Xeres Nathalia? Nasaan si Xena? Ilabas mo siya!" Patuloy niya akong niyuyugyog.

Abnormal talaga. Weirdo talaga to si Lena.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now