Onse

90 30 9
                                    

Pagod kong inilapat ang sarili ko sa kama.

Tumabi siya sa akin at niyakap ako. Hinalikan pa niya ang gilid ng mga mata ko.

"I love you," he lovingly said.

Ginawa kong unan ang kanyang braso at humarap sa kanya.

Ngumiti ako and kissed him on his nose.

"I love you too," I replied. Bumaba ang halik ko sa kanyang mga labi.

Dahil siguro sa pagod, nakatulog ako sa ganoong posisyon.

Naalimpungatan ako nang makapa kong wala siya sa aking tabi. Iminulat ko ang aking mga mata at iginala ang paningin sa kwarto.

Hinigit ko pataas ang kumot upang matago ang kahubadan ng sarili. Ibinalot ko ito sa aking sarili at tumayo.

Naglakad-lakad ako para hanapin kung nasaan siya. Napansin kong bukas ang balcony at nandoon siya, nakatalikod.

Mayroon siyang kausap.

Lumapit ako para marinig ang pinag-uusapan nila. Lumapit pa ako ng kaunti, sapat lang para hindi niya mapansin.

He's chuckling.

"Oh come on, Molly," he said chuckling.

Molly?

Napakunot ang noo ko. Bakit niya kausap si Molly.

Lalapit pa sana ako nang may maapakan akong bagay kaya tumunog ito.

Napalingon si Aki sa akin at nagulat.

"I'm hanging up. Bye," mabilis niyang ibinaba ang tawag.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko.

"Hungry?" tanong niya. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa kusina.

"Who's that?" I asked.

Binuksan niya ang ref at kumuha ng pitsel ng tubig.

"Oh, just Molly." Nagsalin siya ng tubig at uminom. "Magluluto ako. Anong gusto mo?" tanong niya pa.

"A-ah, I want some adobo," sabi ko na lang.

Sa totoo lang, wala akong ibang maisip na pagkain. Hindi ako mahilig sa adobo pero 'yon pa ang nasabi ko. Bobo talaga, Xena!

Pumunta ako sa kwarto niya para magsuot ng damit. Awkward naman kung nandoon ako sa kusina na nakakumot lang.

Kumuha na lang ako ng isang shirt niya at boxers.

Lumilipad ang utak ko sa mga posibilidad. Bakit niya kausap si Molly?

Dapat ba akong ma-kampante sa kanila ni Molly?

Kailan pa sila naging close? Hindi ko alam na close pala sila.

Kaysa mag-overthink, mas pinili kong magtiwala kay Aki. I should trust him. I mean, I feel happy and safe whenever I'm with him so I should trust him.

I have so much on my mind, but I end up saying nothing at all.

It's Molly. Just Molly.

-------

"Ilang beses ka nang hindi umuuwi ng gabi ah," puna ni Tita Maddie. Alam kong nagdududa na siya sa akin kasi hindi naman ako ganito. Palagi pa rin naman akong umuuwi kahit late.

"Kina Lena po ako natutulog," sagot ko na lang. Ayokong makipagtalo. Masyado akong madaming pinoproblema para idagdag pa ang mga sermon ni Tita Maddie.

"Siguraduhin mo lang. Kapag nalaman kong kung ano-anong kalokohan ang ginagawa mo ay sasabihin kita sa Mama mo," pagbabanta niya.

Tumango na lang ako. Wala akong ganang kumain.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now