Dose

93 28 9
                                    

I'm really breaking my own heart by expecting to get what I give.

I was fuming mad as I stormed inside the classroom. Sa lahat ng tao, hindi ko inakalang siya ang tatraydor sa akin. Bakit siya pa na kaibigan ko? Itinuring kong kaibigan ang gagang 'yon tapos ito ang igaganti niya sa akin?

Nagtatagis ang bagang kong inilibot ang paningin sa loob ng classroom. Natakot sa akin ang mga kaklase ko dahil siguro kitang-kita nila na galit ako.

"Nasaan si Alena Crisostomo?" gigil kong tanong sa isa kong kaklase.

Kita ko ang takot sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Dapat lang! Hindi niyo dapat ginagago ang isang Xeres Nathalia Sandoval!

Napalingon ako sa pagdating ng isang tumatawang traydor. Kasama niya ang iba naming kaklase.

Nang makita ako ni Alena ay nginitian pa ako. Napawi ang ngiti sa mga labi niya nang mapansing tahimik sa buong classroom. Masama rin ang titig ko sa kanya.

"Easy, Xena! Para kang leon na mananakmal," tumatawang sambit niya. Ewan ko lang kung makatawa ka pa ngayon.

"Ikaw ang nagpakalat ng video?" mahina kong tanong. Hindi ako makapaniwala kasi sa lahat ng tao, bakit siya? Matatanggap ko pa siguro kahit si Molly iyon pero siya na itinuring kong bestfriend?

Gago lang.

As expected, napatigil siya sa pagtawa. Gulat na gulat niya akong tiningnan. Tumingin pa siya sa iba naming kaklase, nanghihingi ng tulong.

Ang takot sa mga mata niya ay unti-unting nawala. Naging kalmado ang ekspresyon niya at humakbang papalapit sa akin. Hindi naman ako nagpatinag.

"Ano naman kung ako?" tanong niya sa akin. Itinaas niya ang kilay niya. Dahan-dahan niya akong tiningnan pababa.

"B-bakit?" Nanghihina kong tanong. Nagbabadya nang tumulo ang luha ko. I couldn't afford losing another person. Why, Lena? Anong kasalanan ko sa iyo?

Umikot siya at pinagmasdan ang kabuuan ko. Hinawakan niya ang dulo ng buhok ko.

"Ganda mo, ano?" natatawa niyang sabi.

"Ikaw na ang maganda. Ikaw na ang matalino. Galing mo!" Dahan-dahan siyang pumalakpak. Umiiling pa siya at amused na amused na nakatingin sa akin.

"Palagi kang napapansin. Ikaw ang center of attention," nag-air quote pa siya.

Nakatingin lang ako sa kanya. All this time naiinggit pala siya sa akin?

Iniangat niya ang baba ko.

"Akala mo gusto talaga kitang maging kaibigan? Tanga ka kung naniwala ka."

I glared at her. How dare her call me stupid? Kung nalaman ko nang mas maaga eh 'di sana nilayuan ko na siya agad. But, I don't think I can do that. I already treasured her.

"Nakipagkaibigan ako sa'yo para naman mapansin din ako at ngayong nakahanap na ako ng paraan para siraan ka, saan ka na pupulutin?" Nagtunong nang-aasar pa siya.

"Thank you for showing your true color," ani ko na nagpatigil kay Lena. "Nakuha mo man ang atensyon na gusto mo, nawalan ka naman ng tunay na kaibigan." I smiled mockingly at her. "Sorry to say pero hindi ka kawalan," I chuckled. "You are the real loser here."

I walked out of the classroom.

Tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Pathetic! Bakit ko ba iniiyakan yon?

We created a scene in the classroom! Pinili ko na lang mag-cutting class sa halip na muling bumalik. Ang awkward naman kung papasok ako matapos ko mag-walkout.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now