Kinse

100 23 11
                                    

Tumigil na akong mangarap.

Ayaw ko nang humiling.

Hindi na ako umaasang sasaya pa ako.

Napagod na akong humingi sa langit.

Ginagawa ko na lang 'yong dapat, minsan 'yong gusto, pero hindi na ako naghahangad ng kahit ano, nang higit pa sa kung anong mayroon ako.

Napagod na ako sa paghahangad ng labis.

Gusto ko na lang ang mabuhay na walang lungkot. Sapat na ako sa pag-iisa basta walang problema.

Napagod na akong mag-asam. Hindi na ako makahanap ng dahilan para tumupad pa ng pangako ko sa sarili.

Masaya naman noong una. Masaya kami nina Mama at Papa. Kahit hindi ganoon karangya ang buhay namin, masasabi kong kuntento ako.

Hindi ko naman inaasahan na nababawi pala ang saya. Nagsimula iyon nang magkaroon ng kabit si Papa.

Noon hindi ko pa iyon naiintindihan kasi bata pa ako. Ngayong nauunawaan ko na ang mga bagay, hindi ko maiwasang magalit sa kanya.

We could've been a perfect family, but he ruined it.

I don't know why people never felt contentment.

Hindi ko rin alam kung bakit kapag napansin na may kakulangan ang isang tao, hahanapin ito sa iba.

There's plenty of what ifs and what could have beens running on my mind.

If my father really loved my mother, if he never left us, will I be happy?

Then there comes Lena in the picture. I trusted her. I treated her like my own sister pero ginagamit niya lang pala ako. Hindi ko siya masisisi kung nakakaramdam siya ng inggit kasi ako din naman ay aminado na may mga insecurities ako, pero may pagkakamali siya. Iyon ay ang panggagamit ng ibang tao para sa sarili niyang kapakanan.

Achilles. I trusted him with my own heart. I thought I've already found someone who will love me whole-heartedly, but I was wrong.

He's also one of those people who broke me. It's sad knowing that people would go to greater lengths, to the extent of using another, just to be contented.

But did they really felt the contentment they have been searching for?

Sana naging masaya sila. Sana nakuha nila ang gusto nila, dahil mayroong taong nasaktan maging masaya lang sila.

I let the days pass without thinking of them. I need to focus. There's so much more in life. I'll only be miserable if I let them evade my entirety.

Nandito kami sa school na pag-gaganapan ng competition. Today is the Battle of the Brains and heck we're on regional level!

Legit, kinakabahan ako! Pinipigilan ko ang sarili kong kagatin ang mga kuko ko kasi magmumukha akong weird.

Panigurado magagaling ang mga kalaban dito. Naiiyak ako sa sobrang kaba.

Nasaan na ba si Luther? Sabi niya bibili lang siya ng tubig pampawala ng kaba. Bakit ang tagal niya?

Pinagtitinginan ako nang ilang contestants. Narinig ko pa ngang nagtanong 'yong isa kung ako daw ba yung nandoon sa kumakalat na video.

I just rolled my eyes. Ang tagal nang humupa nang issue tapos hindi pa rin nila nakakalimutan iyon? Ako nga ay nakalimutan na iyon dahil napalitan nang ibang problema.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now