Disisais

87 23 9
                                    

Nakatulala ako sa kwarto ko. Hindi ko pa sinasabi kahit kanino na buntis ako. Kaming dalawa lamang ni Luther ang nakakaalam.

Hinaplos ko ang aking tiyan. May buhay nang nabubuo sa tiyan ko.

Hindi ako makapaniwala.

Ayokong maniwala.

Pinigilan kong umiyak kaya lang ay masyado nang mabigat ang nararamdaman ko. Tahimik akong humahagulgol sa kwarto, natatakot na marinig ng kahit sino.

Hindi pa ako handa. Bata pa ako.

Binulungan naman ako ng konsensya ko.

Ginusto mo iyan, Xena.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate ito.

Luther:

Kumain ka na ba? Huwag kang magpapagutom. Inumin mo ang mga vitamins mo.

Nandito si Aki. Gusto ko siyang kausapin.

Sabihin mo na sa kanya.

Malapit ko na siyang suntukin!

Napangiti ako. Kahit paano ay mayroon pa rin naman palang concern sa akin.

Natatakot akong lumabas ng kwarto. Natatakot akong mahalata nina Tita Maddie na may nagbago sa akin.

Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang takot. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin kina Mama.

Natatakot akong maging disappointment sa mga tao sa paligid ko.

Napatingin naman ako sa dalawang pregnancy test kit sa kamay ko. Noong una ay ayaw ko pang maniwala sa doktor kaya sinubukan kong mag-test.

Two lines.

Positive.

Malinaw.

Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang pagkawala ng hikbi. Napapagod na akong umiyak.

Pwede bang time out muna?

Kaya lang ay wala ako sa laro, hindi ito laro.

Ang buhay ay walang pause. Walang rewind o fastfoward.

Life.

Akala ko madali lang ang buhay.

Akala ko din masaya ito.

Pero habang lumilipas ang panahon, sa bawat pagkalagas ng dahon at sa bawat pag-usad ng oras ay unti-unti akong namumulat sa reyalidad ng buhay.

Lumaki akong naghahanap ng atensyon at pagmamahal sa ibang bagay. Pakiramdam ko 'yong pagmamahal na hindi ko nakuha sa pamilya ko ay makikita ko sa ibang tao.

Kaya nga kahit pekeng kaibigan at kasinungalingang pagmamahal ay pinapatulan ko. Gusto ko kasing maramdaman na tanggap ako.

Pero mali pala. Maling-mali.

"Huwag mo akong iwan, parang awa mo na," nagmamakaawa kong saad.

Kumapit ako sa mga braso ni Aki na inaalis din naman niya ng marahas.

With my tear-stained eyes, I tried holding his shirt. Maybe I could get strength by having him near me. Konti na lang kasi at matutumba na ako because my knees felt wobbly all of a sudden.

Nandito ako sa tapat ng condominium na tinitirahan ni Aki.Ilang araw na akong pabalik-balik dito, nagbabakasakali na maabutan ko siya.

Sa ilang araw na iyon ay ilang oras akong nananatili sa labas. Ilang beses akong madadaanan ng mga kalapit kwarto niya habang tinitingnan. Iyong mga tingin na parang awang-awa.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now