Bente Sais

53 1 0
                                    

"Can I court you?"

Bigla akong napaubo sa sinabi ni Luther. Agad naman niya akong inabutan ng tubig. Putspa!

Umubo pa muna ako bago sumagot sa kanya.

"Seryoso ka ba?" Uminom ulit ako ng tubig. Trip talaga ni Luther manggulat! May lahi ba siyang manggugulat?

"Do I look like I'm joking to you?" He asked seriously.

Tingnan mo 'to! Manggugulat tapos biglang magseseryoso. Kung kalikasan siya panigurado nakakaranas na naman siya ng climate change.

"No, hindi naman sa ganun. Anong nangyari doon sa I'll go with your own pace mo?" Tanong ko.

Totoo naman, nilinaw ko naman kasing hindi pa ako ready.

Napatango naman siya. Aba at nakasimangot pa!

"Okay then," malungkot niyang tugon. "I'll wait until you get ready."

Hindi na ulit namin pinag-usapan 'yon at bumalik na sa pagkain. Nag-usap lang kami tungkol sa random na mga bagay.

"Did you know that I lost my baby?" I asked Luther.

Ang natatandaan ko kasi ay hindi niya ako nadalaw sa hospital noong nakunan ako kasi hindi niya naman yata nalaman? Umalis na rin kasi ako sa Manila pagka-discharge ka. Dumiretso na kami ni Mama dito sa Mindoro.

"Oo. Nalaman ko kay Molly. Sinuntok ko pa nga si Aki noon tapos nag-quit na ako sa basketball team. Tsk. I never regretted punching him," he said with irritation evident on his eyes. Malaki talaga ang galit nito kay Aki.

Why didn't I notice that he's growing feelings towards me? The way he cares for me, his concern. We're not that close to be considered friends pa nga e. Kasi bihira ko lang naman siyang nakasama dati. Bihira ko nga siya nakasama, siya naman yung pinakang nag-care sa akin.

"I admire you, Xena, for being a strong woman. I'm proud of you," he said smiling.

Hearing these words from him made my heart palpitate.

And I know that if I'll give him a chance, he'll be worth it. Kaya naman pagkagaling niya sa isang 1 week seminar ay nag-set ako ng date para sa amin.

"People's Park. Finally, natuloy din tayo dito," sabi niya habang nililibot namin itong park.

"Finally," I said smiling.

I slid my hand into his. Gulat siyang napatingin sa mga kamay namin na magkasalikop. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa akin at sa mga kamay namin.

Nararamdaman kong gusto niyang magsalita pero wala siyang masabi. Halatang-halata sa pagbuka ng bibig niya na maya-maya ay ititikom rin naman.

Nginitian ko siya. "Ready na ako, Luther. Bilisan mo para masabayan mo ang pace ko," hinigpitan ko ang pagkapit ko sa kamay niya.

Hindi na siya nakapagpigil at niyakap ako.

"Thank you, Xena," he crushed me into his arms.

Please don't break my heart, Luther.

Naglibot kami sa People's Park with us holding each other's hand. We also tried different stalls. It's already dark and the stars in the sky twinkle aesthetically.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now