Dos

246 101 33
                                    

When I'm back walking on the streets, I spaced out again. Nagdahan-dahan naman ako sa paglalakad kasi baka matapilok na naman ako tapos makita na naman ng kung sino.

I have a special talent. That's spacing out.

Minsan iniisip ko kung ano ang pakiramdam ng may sakit. 'Yon bang tipo na malala. Siguro lahat may pake sakin at lahat mahal ako sa oras na 'yon.

Hindi naman ako suicidal pero naiisip kong bigla na lang mawala at maglahong parang bula. Siguro hindi ko naman talaga gustong mamatay. Ang gusto ko siguro ay malaman kung sino talaga ang magke-care sa akin.

Oh! Too much thoughts! Nabalik ako sa wisyo nang may tumahol sa akin. Nandito na pala ako sa bahay. Ang ingay talaga ng aso ng kapitbahay namin.

Masama ko iyong tiningnan at inirapan.

"Ang tapang-tapang mo, ang liit mo naman," I annoyingly talked to the dog.

Natawa ako sa sarili ko. Baliw na yata ako. Pati aso ay kinakausap ko. Napapailing akong pumasok sa bahay.

"Tita Maddie, heto po," maikli kong sabi at inabot ko sa kanya ang nebule. Paakyat na sana ulit ako papunta sa kwarto nang magsalita siya.

"Where's the receipt?" nagdududang tanong ni Tita.

Damn, because of too much spacing out I forgot to get the receipt! Tumingin na lang ako kay Tita Maddie, ayaw kong magsalita.

"Ano? Nakalimutan mo? Tatanga-tanga ka talaga! Baka kinupitan mo ako ha?!" sigaw niya at dinuroako.

I stopped myself from rolling my eyes. Alam kong kapag ginawa ko 'yon ay magkakasagutan kami ni Tita and as if kukuhanan ko siya! Nagpapadala kaya ang Mama ko! Mukha ba akong magnanakaw sa paningin niya?

I don't understand it! Para sa ganoong halaga ay iisipin niyang kinupitan ko siya?

Napatingin ako kay Molly. Itinataas- taas na niya ang kilay hudyat na pinapaakyat na ako.

Medyo close naman kami ni Molly. Hindi pasmado ang bibig niya hindi kagaya ni Tita Maddie. Hindi ko na lang sinusubukang maging super close kami kasi baka bigla akong may masabing sikreto tapos isumbong niya kay Tita.

Mabagal akong umakyat papunta sa kwarto ko. I guess I'll just spend my time here. Naisip ko naman 'yong guy kanina at parang magic na naramdaman ko ang sakit ng paa ko. Bumaba ulit ako at kumuha ng yelo. Hindi ko mahanap ang compress kaya kumuha na lang ako ng towel sa banyo. Ibinalot ko ang yelo doon at idinampi sa paa ko.

Gosh, namumula na pala! Thanks but no thanks to that random guy. Ay, schoolmate ko pala siya! He's annoying pa rin!

Naalala ko na naman si Lena, my friend who is partying and drinking now. She's probably dancing right now or maybe kissing and making out in the dancefloor!

Sayang!

Nagsasaya na sana ako kasama nina Lena. Panigurado rin may kalandian na ako ngayon. Wrong timing naman! Nabi-bitter ako.

I texted Lena that I won't be able to come. Malungkot pa din ako dahil hindi nakasama.

Nag-aral na lang ako. Hindi ako 'yong mabuting estudyante pero masasabi ko namang matalino ako. Iyon na lang siguro ang pakinabang ko.

I'm busy studying Politics and Governance. Basic lang naman 'to. Buti nga HUMSS ang strand ko kasi walang Math. Pero mababaliw ka naman kasi puro essay, writings at public speaking!

Oh well! Makapal naman mukha ko so sanay na sanay na ako. Public speaking is just simple, sa bahay lang talaga ako bihira magsalita.

My phone lit up. I got a text message and probably it's Lena. I'm correct!

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now