Kwatro

165 80 13
                                    

True to Aki's words, he picked me up after class.  We ate lunch and I couldn't help but to stare at him. I wasn't able to eat lunch in peace because I kept on looking at him. He kept on putting food in my plate. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa iyon.

Masigla akong um-attend sa lahat nang klase ko. Masyado akong inspired kay Aki kaya naman naging sobrang participative ko sa klase. Sobrang bilis ng oras, hindi ko namalayang dismissal na pala. Malawak ang ngiti kong lumabas ng school. Humigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko nang makita si Aki na naghihintay sa harap ng kotse niya.

Hinatid ako ni Aki doon lang sa labas ng subdivision. Hindi pa kasi ako ready na sabihin kina Tita. Sa pagkakaalam ko din, gusto ni Molly si Aki kaya it's a big no kung sa bahay niya ako ihahatid.

Tumatalon-talon ako habang naglalakad papasok nang may makita ako sa kalsada. Pinulot ko iyon at isa palang ID. Iniharap ko iyon at bumungad sa akin ang mukha ng lalaki sa pharmacy at sa bar.

Kumulo agad ang dugo ko at inis na inilagay sa bag ko. Sinusundan niya ba talaga ako? Pati dito sa lugar namin ay nakikita ko ang pag-aari niya!

Naglakad na ako pauwi at nagpasyang huwag nang sabihin sa taong 'yon na nawawala ang ID niya. Doon din siya nag-aaral sa school na pinapasukan ko pero bakit nitong mga nakaraang araw ko lang siya nakita?

Sabagay, malawak naman ang EsAc. Hindi na imposible kung hindi ko man kilala itong Luther Flaze Carriedo na ito.

That night, Aki and I chatted in IG.

achilles:

Don't be like Physics, okay?

xeressandoval:

Huh, why?

achilles:

Mahirap intindihin.

Napa-roll eyes ako kasi ang corny. We spent the entire night talking about random things. Pati illuminati  ay napag-usapan na namin.

Nagpatuloy lang ang routine naming iyon. Yes, naging routine na siya. Araw araw ay ganoon ang pangyayari. Susunduin niya ako sa labas ng subdivision, sabay kaminh kakain at ihahatid ulit sa labas ng subdi. Magcha-chat din buong magdamag. Sinabi ko na rin naman kay Molly na hindi na ako makakasabay nang madalas kaya wala nang problema.

Kahit paulit-ulit iyon, hindi ako nagsasawa. Nakakatuwa kasi he's patient with me lalo na at may pagka-moody akong tao. I'm so glad that he can handle my mood swings. Daig ko pa nga daw ang may period. Ang hindi niya alam, mas malala pa ako kapag may period.

I'm busy exchanging corny lines with Aki when somebody knocked on my door. Bahagya pa akong nagulat nang si Molly 'yon. She looked sullen and I don't know why.

"Anong problema Molly?" I asked. She just looked at me. I tried to assess what's her problem but I couldn't come up with an idea why she's like this.

"Really, Xena?" she spatted. Nagulat ako sa tinuran niyang iyon. She sounded sarcastic! Nagtataka ko siyang tiningnan. Anong problema nito?

"How true is it that you're going out with Achilles Madrigal?" dagdag niya. Oh! Now I get it. Hinayaan ko lang siya magsalita at ilabas ang mga sentimyento niya sa buhay.

"Hindi ka na nahiya kay Mama. Nagpapaligaw ka pala tapos hindi mo man lang pinapaalam sa amin," nanggagalaiti niyang wika. She's now glaring at me. Whoah, feisty!

"Yan ba talaga ang pinoproblema mo?" It's my turn to ask. Napakurap-kurap siya at naitikom ang bibig. "Baka naman nagagalit ka kasi ako ang gusto ni Aki?"

Now, I caught her off-guard. Tama nga ako.

"How dare you!" Naniningkit ang mga matang dinuro niya ako.

"Makakarating 'to kay Mama," she hissed and stormed out of my room.

Tsk.

Now what?

Ano naman kung malaman ni Tita? At least maihahatid na niya ako dito sa bahay at hindi hanggang entrance lang. Hindi rin naman ako kumportable sa ganoong set up.

Habang kumakain ng agahan ay napapansin kong gustong magsalita ni Molly. Hindi ko alam kung nagsumbong na siya o ano. Iniintay ko nga ang confrontation. Hindi naman ako natatakot kasi wala naman akong ginagawang masama.

Nanatili ang ganoong tingin ni Molly hanggang sa maghiwalay kami ng landas sa labas.

"Bakit ang haba ng dila niyan?" panlalait ko sa ipinapakitang picture ni Lena. Tumawa pa ako nang parang nang-iinsulto.

Ini-stalk namin 'yong bagong babae ng ex ni Lena. Naghiwalay na kasi si Lena at ang boyfriend niya kaya heto at matindi ang pagdadaldal at panlalait niya.

"Mukha namang bakla Lena. Lugi pa si Carter dyan," wika ko habang ine-exit ang picture.

"Hahanap na nga lang ng ipapalit sa akin, panget pa," sabi ni Lena.

Hindi maitatanggi na maganda si Lena. Maputi at makinis. Medyo kinulang lang sa height pero maganda siya or rather cute. Lalo na kapag nagagalit yan, nakakatuwa. Sa halip na mainis, matatawa ka pa kasi ang cute niya tapos matinis pa ang boses.

"Good morning class," dumagundong ang boses nang isang gurong pumasok sa classroom namin. Napatayo kami dahil sa biglaang pagdating ni Ma'am Cardinal.

"Tandaan, mali kapag walang label," sabi niya na nakapagpaingay sa klase. Nagdidiscuss kasi siya ng formulas. Nagsigawan naman 'yong mga broken hearted, lalo na yung mga walang label.

"Ayan, dyan kayo magagaling. Puro kayo pag-ibig, hindi niyo naman maitama ang simpleng equations," sermon niya.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba nang dumating ang lunch at hindi ko makita si Aki.

"Himala ata at wala ang manliligaw mo," puna ni Lena.

"Hindi ko nga din alam. Wala naman siyang sinabi. Hayaan mo na, baka busy lang," sabi ko na lang, pero nag-aaalala ako deep inside. Sa ilang linggo namang panliligaw ni Aki ay hindi siya pumapalya sa pagsama sa akin tuwing vacant. Inalam niya talaga ang schedule ko at nakakatuwa na may free time pa siya para puntahan ako kahit alam kong sobrang busy maging college.

Hinayaan ko na lang. Pinalagpas ko 'yon, pero hindi ko yata mapapalagpas kung ilang araw ko na siyang hindi nakakasabay. It's been a week at dumadalang na ang pagsabay niya tuwing lunch. Kapag sinusundo niya ako sa labas ay tahimik lang siya.

Hindi pa nga din pala alam ni Tita Maddie. Hindi pa ata sinasabi ni Molly.

I've made up my mind. I'll talk to Aki. Natatakot na kasi ako. Paano kung nakahanap na pala siya ng iba? Paano kung na-realize niya na madami pang mas better kesa sa akin?

Ayoko na kasing maranasan na maiwan.

I don't want to be abandoned.

Like everyone does.

Like how my father did.

Tattooed Soul (UNEDITED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin