Diyes

90 29 10
                                    

"May Battle of the Bands mamaya. Manonood ka?" tanong ni Lena.

Kasama ko si Lena ngayon at dahil may pasok na si Aki ay tumambay na muna ako dito sa booth namin.

"Nung isang araw," panimula ko. "Tinawag kita at kinawayan pero hindi mo ako pinansin," mahina pero may kumpirmasyon kong saad. Tumingin ako kay Lena ngunit nag-iwas lang siya ng tingin.

"Huh? Wala akong matandaan," sabi niya. That confirmed my theory that I am overthinking. Again!

"Ah wala 'yun," I dismissed the topic. "Oo, manonood ako mamaya. Kasama ko si Aki," sabi ko.

Napasimangot siya.

"So hindi na naman kita makakasama? Ganyan ba talaga kapag may boyfriend? Nakakalimutan na ang kaibigan?" nagtatampo niyang tanong. Kung hindi ko kilala si Lena, iisipin kong nagtatampo nga siya. Pero dahil matagal ko na siyang kaibigan, alam kong umaarte lang siya.

Tinawanan ko siya at binatukan. Napatingin naman siya ng masama sa akin.

"Arte mo," I said while rolling my eyes. "Kamusta na kayo ni Tinder Guy?" curious kong tanong. Magkikita kasi dapat sila sa TheWalkers noon, hindi ko lang alam kung natuloy.

"Ayun, nadiligan ako! Isa na naman akong bulaklak na namumukadkad," masigla niyang sabi. Ang lawak na naman ng ngiti niya.

Tumingin siya sa akin at itinuro ako, "May pangalan siya kaya wag mo siyang tawaging Tinder Guy! He's Zylan! Ang gwapo na nga ng pangalan ang gwapo pa in person! Yummy pa!" she shrieked.

Nagsimula na naman siyang magkwento ng mga kaganapan sa sex life nila ni Zylan. Seriously? Akala ko tumitino na siya, hindi pa pala.

Dahil mayroong Battle of the Bands ay nagtungo ako sa auditorium.  Siksikan at sobrang daming tao. Nag-aabang na naman ang mga 'yan ng pogi panigurado!

Hinanap ng mga mata ko si Aki. Sabi niya andito na siya. Hindi kami sabay pumunta kasi napatagal 'yong klase nila.

Pumunta muna ako sa gilid para matawagan si Lena. Sasama daw kasi siya sa akin. Ayaw daw naman niyang magmukhang lonely in this sea of people.

Buwis-buhay ako para lang makarating sa gilid. Nagkalat ang mga banners ng bandang susuportahan nila. Sobrang ingay ng mga tao! Wala pang nagpe-perform pero todo sigaw na. What more pag may nagpe-perform na?

I dialled Lena's number. She's out of reach! Ngayon pa ba naman?

Naiinis na ako. Madaming tao at hindi ko pa makita si Aki. I tried calling him but he's also unattended! Ano bang problema ng mga tao?

I crossed my arms there. Dito na lang ako. Sobrang hirap makipagsiksikan at magiging haggard lang ako kapag nagpumilit pa.

"Are you all ready for the Battle of the Bands?" Napalingon ako sa stage at nakitang magsisimula na. The crowd roared. Mas lumakas ang sigawan at halos hindi ko na maaninag ang stage dahil sa mga iwinawagayway nilang banner.

Mas lalo akong nainis nang may tumulak sa akin mula sa likod. Inis ko yong nilingon at hindi ko na alam kung sino ang gumawa kasi madaming tao.

Aksidente ko pang natapakan ang paa ng isang babae sa harap.

"Sorry," I uttered.

"Ano ba? Don't you have eyes para makitang may tao dito?" maarteng sabi ng babae. Nagulat ako ng makitang si Llana iyon.

Binabawi ko na pala ang sorry ko. Dapat lang sa kanya yon, bitch!

I just rolled my eyes at her. I eyed her from head to toe.

"Oops!" I covered my mouth acting shocked. "Mukha ka kasing basura kaya natapakan. Wag ka kasi dyan. Sige ka, paulit-ulit kang matatapakan." I smiled. Halata ang inis sa kanya at wala siyang magawa kundi lumipat ng pwesto.

Natawa na naman ako.

"To perform, let's welcome The Apocalypse!" The crowd cheered.

I was shocked to see Aki standing on the stage! Napanganga ako. Nang ma-realize na mukha akong tanga ay tinakpan ko ang bibig ko.

Achilles is the lead vocalist!

Graduate na siya pero palagi siyang nandito sa school. Talagang may special performance pa!

"First of all, I want to dedicate this song to my girlfriend. I'm sorry for not picking up your calls," he smiled. Naghiyawan ang mga tao habang ako naman ay namumula dito sa gilid.

Narinig ko pa ang bulungan ng iba na nagtatanong kung sino daw ang girlfriend.

Bitches, he's mine!

Buong performance ay nakatitig lamang ako sa kanya. Siya lang ang nakikita ng mga mata ko.

He looked so handsome rocking the stage. He literally owned the stage.

The crowd sang with him. I could also see their hands waving in the air.

Pagkatapos ng performance nila ay nag-vibrate ang cellphone ko.

Aki:

Come to the backstage.

Walang pasabi kong sinuong ang dagat ng mga tao. Nagpapasalamat ako na nakarating ako ng buo sa backstage.

Pagdating ko ay sinalubong niya ako ng yakap. He also kissed my forehead.

"Napanood mo ang performance namin?" tanong niya. Dinala niya ako sa isa sa mga monobloc chairs at pinaupo. Naupo rin siya sa tabi ko.

"I didn't know. You never told me," mapang-akusa kong sabi.

"It wouldn't be a surprise if I told you first hand," he chuckled.

Humilig siya sa balikat ko at iniakbay ang isang kamay sa upuan.

Pinaglaruan ko naman ang buhok niya.

"Guys, get a room!" Kenzo shouted at us. Binato pa ni Kenzo ng damit si Aki. Tumawa kaming pareho.

Lumapit siya at bumulong sa akin.

"Maybe we should get one," masuyo niyang bulong sa akin. Pinamulahan ako ng mukha.

Dahan-dahan akong tumango at nagpatianod sa paghila niya.

"Una na kami bro," paalam niya sa mga ka-banda niya.

"Don't forget to use protection," nakangising saad ng isa pa nilang ka-banda.

"Gag*!" Aki raised his middle finger to his bandmates. The latter only roared to laughter.

Aki is talented. He's also sporty. Bonus na lang ang good looks. Maybe that's one of the reason why girls go crazy over him.

"Don't forget to use protection"

His bandmate's voice echoed in my head. We didn't use protection the first time.

Nanlamig ang mga kamay ko at bumili ang tibok ng puso ko. Paano kung mabuntis ako?

I silently checked my ovulation calendar while he's busy walking towards the parking lot.

Nakahinga ako ng maluwag nang malamang safe naman ako noon.

We reached his condo fast. Wala masyadong traffic kaya ganoon.

His condo is really nice. The view is beautiful too. It's peaceful here. I could see the city lights from the balcony.

Naramdaman kong nasa likod ko siya. He hugged me from the back. Ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko.

"You like my place?" malambing niyang tanong. His nose was slightly brushing my cheek. Nakakaramdam ako ng kiliti sa ginagawa niya.

"It's calm and peaceful here," sabi ko. Huminga ako ng malalim.

Iniharap niya ako sa kanya. He gave me small kisses in the lips.

The next thing I knew, I'm already lying in his bed naked.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now