Nwebe

106 40 14
                                    

I never expected to be my first in a car. I thought it was the alcohol that made me give myself to him.

"Tayo na," bigla kong sabi habang isinusuot muli ang damit ko.

Napangiti siya at hinawakan ang kamay ko. He leaned forward to kiss me.

"I love you," masuyo niyang sabi.

Lumalalim na ang gabi kaya inihatid na niya ako sa bahay. Nag-text na din ako kay Lena na nakauwi na ako. Nakatulog agad ako dahil sa pagod.

Even when I'm still super sleepy, I pulled myself to take a bath. It's our Academy Day!

Aki and I walked hand in hand as we went to the STEM's booth. Walang pasok si Aki kaya nasamahan niya ako. He's so sweet! He always have time.

Nakita kami ng mga kaklase ni Molly at binati nang mapansin ang magkahawak naming mga kamay.

"Congrats! Kayo na?" tanong ni Arlix.

Tumango ako at ngumiti. Nakisama si Aki sa ibang naroroon. Kinausap naman ako ng mga ka-batch kong babae, kinukumusta doon sa nagdaang competition.

Napatingin ako sa sulok dahil naramdaman kong may nakamasid. Muntik na akong mapairap dahil si Molly iyon. Okay, she's weird again.

We spent the entire day visiting different booths. Nag-try din kami sa photo booth. This is our first picture as a couple.

Nakangiti kong inilagay ang picture sa wallet ko.

"Nagugutom ka ba?" tanong sa akin ni Aki.

"I want ice cream!" masigla kong sabi kaya napangiti rin siya sa inasal ko.

Pumunta kami sa labas at nag-order ng ice cream. Habang nag-iintay ay tumitingin-tingin lang ako sa paligid.

Nakita ko si Lena sa katapat namin na food stall kasama ang iba naming kaklase.

"Lena!" tawag ko sa kanya.

Patuloy lang sila sa tawanan pero napalingon sa akin ang isa naming kaklase. Binulong 'ata niya kay Lena na tinawag ko siya. Tumingin si Lena sa akin kaya kumaway ako. Bigla siyang naglakad papasok na parang walang nakita. Sumunod naman sa kanya ang mga kasama niya.

Weird.

I just shrugged my shoulders. Baka nga hindi niya lang ako nakita.

"Here." Inabutan ako ni Aki ng ice cream na cookies and cream ang flavor.

I licked my ice cream happily. Nakatitig lang siya sa akin.

"What?" tanong ko.

"Damn, you looked hot licking that ice cream," seryoso niyang sabi.

Hinampas ko siya sa braso at tumawa.

"Utak mo nilulumot," sabi ko habang tumatawa pa din.

"What? Seryoso ako," natatawa na din siya.

Nag-asaran lang kami sa ice cream shop bago namin napagdesisyunang bumalik sa loob.

"Hindi ka ba magbabantay sa booth niyo?" tanong niya.

Umiling ako.

"Hindi. Nanalo ako dun sa competition. Bigay na nila sa'kin yon. Sila na magbantay," sabi ko. "Nakakatamad pati," dagdag ko pa.

Napansin kong naghaharutan 'yong dalawang kakilala ko sa isang booth. Balita ko crush ni Via itong si Godfrey.

"Sana all crush ng crush nila," pang-aasar ko sa kanila. Natawa naman sa akin sina Via. "Ako kasi jowa ka na," dagdag ko. Inakbayan naman ako ni Aki.

"Mahina kasi 'to si Godfrey," pagpaparinig ni Via. Pinamulahan ng mukha si Godfrey.

"Wag mo na nga silang asarin," saway sa akin ni Aki. Napahalakhak ako.

"Umalis nga kayo dito. Nilalanggam na ang booth oh!" Tinuro ni Heidi ang mga imaginary na langgam.

"Naiinggit na kami, Xena!" pagmamaktol naman ni Kenzo.

Tumawa lang kami nang tumawa ni Aki.

"Tara na nga," pagyayaya ni Aki. Hapon na din kasi.

Pagkadating sa bahay, hindi muna ako bumaba.

"Thanks for today," sabi ko.

"No problem," he said then gave me a quick peck.

Bumaba na ako at nagpaalam.

Umakyat lang ako sa kwarto ko at nahiga pagkatapos kong magpalit.

Nag-Facebook ako at nakita ang mga post ni Lena with our classmates.

*

"Ang Pilipinas ay isang malaking oven. Ang init," reklamo ko.

Tinawanan lang ako ni Aki.

Napagdesisyunan namin na pumunta at tumambay muna sa mall.

Nakaramdam ako ng ginhawa pagkarating namin doon. Sa wakas, lumamig din!

Dahil gusto daw na nakikita ni Aki na masaya ako, dinala niya ulit ako sa Kid's World.

"Dati akala ko hindi mo ako papansinin kaya hindi agad kita nilalapitan. Mukha kasing mataas ang standards mo," paliwanag ni Aki.

Napatingin ako sa kanya at napangiti.

"Hindi mataas ang standards ko," I chuckled. "Basta napapasaya mo ako, I'll keep you," I said while smiling. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap.

"Thank you for choosing me," he whispered.

Ngumiti ako at ginantihan din siya ng yakap.

Nagpaalam si Aki na hindi niya ako masusundo bukas ng umaga. Okay lang naman sa akin. Sasabay na lang ako kay Molly pagpasok.

"Tita Maddie, si Molly po?" tanong ko kay Tita. Hindi ko na kasi makita si Molly. Balak ko pa namang sumabay.

"Nakaalis na kanina pa," sabi lang ni Tita. Napasimangot ako. Mukhang mag-isa na naman akong magco-commute.

Nagulat ako nang makasabay ko sa paghihintay sa labas ng subdivision si Luther. Dito din ba siya nakatira?

Nang bumaba siya sa malapit sa school ay bumaba na din ako. Sinabayan ko siya sa paglalakad.

"Natapos lang ang competition, nakalimot ka na," kunwaring nagtatampo ako.

Umiling lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Magtatampo na talaga ako. Ang snob mo," sabi ko, pilit sinisilip ang mukha niya.

Iniiwas naman niya ang mga mata niya sa akin. Parang ayaw ako makita.

Unti-unting gumapang ang inis sa akin.

"Ano bang problema mo?" malakas kong sabi. Napaigtad siya dahil nahalata niya ang iritasyon sa boses ko. Napatigil siya sa paglalakad.

"Wala, sorry," mahina niyang sabi. Tumungo siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Sumunod ulit ako sa kanya.

"Kilalanin mo muna ang mga sinasamahan mo," makabuluhan niyang sabi.

Naglakad na siya nang mabilis habang naiwan naman akong nakatulala doon.

Bakit ba palaging may sinasabi siyang hindi ko maintindihan?

Labo.

Kapag tinatanong mo naman, umiiwas.

Hindi yata alam ni Luther na milyon-milyong boltahe ng kaba ang hatid ng mga sinasabi niya.

Wala akong alam at wala akong maisip na dahilan kung bakit ganoon ang mga sinasabi niya, o baka naman wala talagang meaning ang mga salita niya at nago-overthink lang ako?

Labo.

Labo talaga.

Tattooed Soul (UNEDITED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin