01

944 17 2
                                    

"Please cooperate lalo na sa mga kagrupo ko na hindi kumikilos. This is a PETA guys, pinapaalala ko lang," Medyo pasigaw ko na sabi. Sa way na ito ang masasabi ko na effective dahil sumusunod naman sila.





Tumango ang lahat ng kagrupo ko at natapos ang meeting namin. Bumalik kami sa sari sariling upuan para asikasuhin ang iba pang kailangan. We are currently taking high school and grade nine. The most hard part of high school, they said. Which is kinda true. My perspective changed because of that belief. Naniniwala na ako roon.






"Pahiram naman ng notes sa science, maria," Nilingon ko si Rica. Hinawi ko ang buhaghag na buhok ko at inabot sakaniya ang notebook.





Nag madali ako na hanapin ang notebook ko sa math para maisulat na ang notes. Hindi ako nagsusulat ng notes every time na discussion sa math time dahil I prefer listening. Pero hindi ko hahayaan na lumipas ang araw na walang notes doon. Medyo palpak ako sa subject na 'yon, doon lang talaga.







"Saan 'yan? Math?" Naramdaman ko na may tumabi sa akin, kaklase ko. Napakunot ang noo ko na bumaling sakaniya. Namumuro na 'tong katabi ako ah?






"Obviously," I raise my brow. Narinig ko ang pagtawa niya sa sinabi ko. May nakakatawa ba?





"Ito naman. Sungit mo talaga noh? Cute lang," Humina ang boses niya sa huling sinabi. Mas kumunot ang noo ko dahil doon. I mean, okay, alam ko naman. I bit my lower lip, trying not to smile!






Matagal bago ako nagsalita. I don't know what to say. Anong tatak ng ballpen mo? Shuta, what am I thinking. Tinuloy ko na ang pagsulat ko ng notes. Fuck this numbers, nakakahilo! I wish pinanganak ako na mathematician, damn.






"Oh, mali ka dito. 'Di mo ba gets? Turuan kita halika," Sumapaw muli 'tong katabi ko. Wow porket magaling sa math? Lul, mukha mo. Never.







"Sige," Napapikit ako sa sinabi ko. Jusko maria, akala ko ba never?







"Pakopya na rin ng notes, ah," I heard Frank chuckled. Dahil mabait ako, pinakopya ko siya. Bilang isang vice president, I definitely need to be generous when it comes to this thing. Bukod sa pagbibigay ng mga paalala sakanila, sige notes na rin. Shuta.






I felt him near me. Naramdaman ko ang siko niya na dumikit sa siko ko. Damn, is that a big deal? I think not, that thing should not be included to your concern, Maria. Itutuloy ko na sana ang pagsusulat ko nang biglang hinawi ni Frank ang kamay ko. The heck! Inis akong bumaling sakaniya.






"Problem?" Tanong ko sakaniya.






Medyo lumayo siya at itinaas ang dalawang kamay, showing that he would never do something to me. Fine, that's accepted. Nilapag ko ang pen ko at naramdaman na lumapit siya. He pointed at the problem where I was wrong.





"Ito alam mo kung bakit mali? Tama ka dapat pero huwag mo kakalimutan," Frank discussed it to me. I looked at him. Hindi ko alam na nagseseryoso din pala ang isang 'to!







"Oh, ayos ka lang? 'Wag ka namang tumitig masyado, pucha," Umayos siya ng upo at tinakpan ang ulo ng hoodie niya ay hinatak ang tali para masara. Mata niya na lang ang kita roon.






Kumunot ang noo ko at natawa, "Ano?"






Umiling siya at matagal bago umayos muli. Tinanggal niya na ang nakatakip na mukha at bumalik sa dating pwesto. He looked at me and smiled.







"Makinig ka na, parang awa mo na," He told me which made me nod. Hindi pa rin ako makapaniwala. Kinilig ba 'to? Akala mo talaga, assuming din 'to ah! Baka akala niya gusto ko siya dahil nakatitig ako kanina?






He gave a sample problem and let me solved it. Pinaglaruan ko ang pen ko bago kinuha ang calculator para kunin ang final answer. Nang makuha na ang sagot, agad ko itong ipinakita sakaniya at pumikit. Crossed fingers, fuck.






"Tsk. Hay nako," I immediately opened my eyes because of his reaction.






"Hala, mali?" Nawala ang sigla sa mukha ko. Ang tagal ko na sinolve at analys 'to pero mali pa rin? Hala shuta nalang. Math, inaalis na kita sa buhay ko.






Narinig ko ang tawa niya. I looked at him, tawang tawa siya sa itsura ko. Gago 'to ah?






"Fuck you!" I cursed at him and closed my notebook. Kakain nalang ako!







Natahimik na rin ang katabi ko kakatawa? Bakit siya natawa? Because of my fucking wrong answer or because of my reaction that looked like funny.






"Hala, nagalit. Joke lang, e. Tama naman sagot mo. Peace tayo," He said and chuckled. Nilingon ko siya at napatawa. Not because of what he said but because of his laugh! Nakakahawa kaya ang tawa niya.






"Luh, ba't ka tumatawa, happiness mo 'ko?" Confident niyang sabi. My mouth literally turned into a big shape o because of that. Saan niya nakukuha ang kakapalan ng mukha?






"Feeling ka?" I made a face when I told him that. Sakto nang ginawa ko iyon ay may sumigaw na, andiyan na 'yong teacher namin. Tumayo ang katabi ko at umalis na para bumalik sa upuan. Damn, hindi na ako nakakain shuta naman.




Nilingon ko si Frank mula sa upuan niya at nahuli na nakatitig sa akin. Baka naman ako happiness niya? Sobrang parang tanga kung ngumiti. Sana tawagin ka sa recitation!





"Count one to five," Our teacher in economics said. Yes, we have another peta to be performed. Ang gagawin ay may bawat grupo na iaasign kung ano ang gagawin.





"Two," sabi ko. Nilingon ko ang iba para malaman ang numero nila. Kita ko na kumaway si Briella sa akin at sumenyas na group two siya. I smiled and also signed a peace to her, which means group two.






Ang na assign sa group one ay poster making. They are going to make a poster which includes the theme about demands. Nakita ko na umupo na ang group one.






"Tayo group two," Ma'am said. Tumayo ako at nilibot ang tingin. Napanganga ako sa sobrang ganda ng mga kagrupo. Ma'am told us who will be our group leader, majority ang boto sa akin kaya wala na akong nagawa.





I took out a notebook and opened it. Pinindot ko ang pen para bumukas. I looked around to identify my group mates.





"Briella.. Jarmine.. Blaster.. at," Hinanap ko ang isang kagrupo namin na ilista ko. I stopped my glare to Frank. Kumunot ang noo ko, ka grupo ko siya! Ang malas ko naman.






I listed him, no choice. Umupo na ako at hinawi ang buhok. Pinatayo naman ang next na grupo. Inangat ko ang tingin ko pagkatapos magsulat. Nagtawanan ang mga kaklase ko kaya napatingin ako kung ano man 'yon.






"Ma'am, siya na lang leader. Crush ko 'yan, e," Sabi ng isa ko na kaklase. I laughed too. Umiling ako at inalis na ang tingin doon. I caught Frank looking at me. Seryoso niya akong tinitignan at nang nahuli niya na nakatingin ako ay nagtakip ng mukha. I saw his seatmate tapped him and chuckled. Inalis ko ang tingin at nilingon nalang ang guro namin na tapos na magpatayo.






"Mag sama sama na ang mag kakagrupo. Bibigyan ko kayo ng thirty minutes and after discussion," Ma'am told us. Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at nagbuhat ng mga upuan.







"Maria, dito tayo!" Jarmine shouted, which really brought me back to my sanity. Sa lakas ba naman.






Tumayo ako at nilapitan na sila. Ako nalang pala ang kulang. I looked at them, nakaupo na silang lahat. Napansin ko ang vacant seat doon na katabi ni Frank. He looked at me and smiled. Excited ka naman masyado na katabi ako, lol.






Umupo na ako at nilapag ang notebook. Damn this.






|Next|

The Greatest Opponent Where stories live. Discover now