02

487 10 5
                                    

"Puwede ano, starfish," Suggest ng isa kong kagrupo na lalaki, si Blaster. Huh, starfish?




Tumawa sila Briella roon kaya napatawa na rin ko.




"Ano? Starfish?" Tanong ko. Sinubukan ko na hindi tumawa pero hindi ko talaga kaya.





"Oo! 'Yong, starfish are meant to fly," Kinanta pa niya! Shuta. I can't help but to laugh more. Lahat na kami mamataymatay kakatawa, walang hiya.





"Gago, baka starships," Briella corrected him and then laughed again. Kita ko ang mukha ni Blaster kaya sobra na rin akong natawa. Pinalo palo ko ang notebook ko dahil sa kakatawa.






"Lumilipad na pala ang starfish, pucha naging bituin," Frank said which made us laugh more.





Patuloy ang pag suggest nila kaya naman halos mangawit na ako kakalista ng mga iyon. Nag-isip na rin ako nang mga puwedeng kanta na lapatan ng lyrics. I also suggested to them to think a song that all can relate.





"Gusto kita," Sinabi ni Frank. Ang random pero nagulat ako. What does he mean? Kumunot ang noo ko at narealize ang sinabi niya. Gusto kita? Gusto niya ako?






"Gusto kita, alam mo ba," Kumanta siya kaya nalaman ko na kanta pala 'yon. Shuta, did I assume? Yuck, better not.






Kinilig si Blaster roon at inalog alog si Frank. We laughed because of that.







"Ano ba 'yan, pre. Kinikilig naman ako. Sige sinasagot na kita," Pabiro na sabi ni Blaster kaya lumakas ang tawa ng mga kagrupo ko. Tumawa rin ako roon pero hindi ganoong kalakas. Paano ba naman, nakatingin sa akin 'tong si Frank tapos nakangiti. Adik ba 'to?






Binaling ko nalang muli ang atensyon sa mga nakalista sa notebook. Ang mga napili naming kanta ay Starships, 2002, at How do you sleep. Napangiti ako dahil madali lang lapatan ang mga kanta. Halos lahat naman ng kagrupo ko ay makakatulong sa paglapat ng lyrics. May mga kagrupo rin ako na maayos ang boses kaya walang problema. Siguro sa part na mataas ako nalang.







"Gawa nalang gc," Briella said. Tumango kaming lahat at tumayo na. Dahil may discussion pa. Ang klase namin sa subject na 'to ay two hours kaya walang takas. Sayang.







Our teacher discussed a lesson which is demand. Tinuloy niya lang muli ang diskusyon para sa recall. After an hour, natapos na rin ang klase at uwian na. Ang schedule namin ngayon ay half day lang kaya masaya.








"Kain na, siomai rice! Let's go mga bebe," Briella shouted. Tumayo na ako at hinila na ni Jane. Waldas na naman ng pera. Shuta may pagkain naman ako pero nademonyo na naman ako.






Lumakad kami pababa at nakita si Ma'am Josefa sa hallway. Sumiksik sila Briella at Denise sa amin dahil andyan ang strict naming teacher. Nagtawanan kami lalo na nang bigla namin silang nilayuan.






"Gago!" Sabi ni Denise. Mamatay matay na kami kakatawa dahil doon. Wala kasi silang ribbon, at kapag nakita iyon for sure papagalitan.






"Grabe talaga, kagabi nakaramdam na naman ako ng comfort sa bebe ko. Sobrang haba ng time niya sakin, ang sarap lang," Sabi naman ni Elvira. Napairap kami lahat sakaniya. Kala mo talaga may forever.






"Gago masarap talaga kapag mahaba," Sinabi ni Arwen, resulta nang pag tigil namin lahat. Naglabas kami ng isang malakas na tawa. Fuck, I can't breathe!





The Greatest Opponent Donde viven las historias. Descúbrelo ahora