24

183 4 4
                                    



"Ingat ka, ah," Paalala sa akin ni Elvira. I stopped myself from fixing my things




Lumuhod ako at hinarap siya. I smiled and nodded, for her to know that I'm going to follow her.





Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.





"Ikaw din. Promise me, walang masamang mangyayari sa'yo, ah?" I looked at her eyes.






She nodded and hugged me. Alam ko na hindi pa siya okay. Pero what she's doing right now is the opposite. Gusto niyang walang makakaalam na nasasaktan at nahihirapan na siya.






My phone rang. Tumango sa akin si Elvira para sumenyas na ayos lang. I smiled and walked away. Nilagay ko sa tenga ang phone.





"Anak! Ingat ka sa flight niyo, ah. Pasalubong!" Bungad kaagad sa akin ni mama. I sighed and nodded.





"Siyempre, ma. Pangarap natin 'to diba na makapunta ako sa hong kong. Hayaan mo pag naging lawyer na ako, isasama ko kayo kung saang bansa gusto niyo," I assured her.





"Sige na. Mahuli ka pa sa flight niyo, nako! 'Wag muna tayo mag emote baka maiwan ka ng eroplano, sure iyak ka doon," Sagot ni mama. Tumawa ako at nagpaalam na. Sunod na tumawag si ate at ganoon din naman ang sinabi.






I stopped when I heard the door bell. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin si Frank. He's wearing a tshirt inside of his jacket. Naka plain black pants din siya.





"Tara?" Anyaya niya. I smiled and nodded. Kinuha ko na ang maleta ko at hinanap ang mga kaibigan na nanonood ng pelikula.





Ano ba ang pinapanood nila! Halos maubos na mga tissue namin, pucha.





"Oy, mauna na ako, ah" Paalam ko sakanila. Lumingon sila sa akin at tumango. Si Rica ay didiretso nalang daw sa airport dahil umuwi muna sakanila.





"Pasalubong!" Sigaw nila sa akin. I raised a middle finger to them which made them laugh and also groan.





We went outside and took the elevator. Tahimik lang kami roon hanggang nasa baba na kami. Pareho kaming may dalang maleta. If I'm not mistaken, mga dalawa o tatlong araw kami roon.





I was about to open the front seat's door when he suddenly opened that for me. Gulat ako na napatingin sakaniya. Bakit parang may iba? Sinundan ko siya ng tingin at pumasok na ako.





"Did you have your breakfast?" He asked. Hinanap ko siya kung saan galing ang boses. He's putting our laggage somewhere. Siguro sa likuran.





Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tumingin sa salamin ng kotse niya. Tinignan ko kung maayos ba ang mukha o may gulo pa sa buhok. Inayos ko ang buhok at umayos na. Sakto naman na pumasok siya sa driver's seat.





"Sagot," Sabi niya. I blinked many times and realized he asked something!





"Ah, h-hindi pa," Hindi na siya sumagot at nagmaneho na.





Akala ko diretso na ang byahe namin pero dumaan muna kami sa may drive thru. Napaayos ako dahil sa nakita. Gutom na gutom na ako, shuta. Tumingin siya sa akin at naghintay ng isasagot ko.






"Uhm, nuggets and fries," I told him. He nodded and said our order.






Iaabot ko na sana ang bayad sakaniya pero nauna na siyang magbigay ng pera sa cashier. My jaw dropped because of that.






The Greatest Opponent Where stories live. Discover now