06

236 8 0
                                    


"Shit," Frank cursed. Umulan ng malakas pagkalabas namin ng mall. Wala pa naman akong payong!




Nilapitan niya ako at tinulungan para tanggalin ang jacket ko. I am going to use my jacket to cover my head from the rain. Siya kaya? I looked at him, na sense ko na parang problemado siya pero kalmado pa rin.






"Tatakbo tayo papunta don sa jeep, ayos lang ba sa'yo?" Tanong niya. I nodded. He held my hand and almost squished my hand.






Tumakbo kami sa ulan at mabilis na umakyat sa jeep. Sunod siya na umakyat at tumabi sa akin. His hair is now wet and messy. Baka magkasakit siya niyan! I looked for my handkerchief inside my bag. Kinalabit ko siya para mapatingin sa akin. He glanced at me with his furrowed brows. Natawa ako at hinila siya palapit.







I dried his hair using my handkerchief. Mabagal at maayos ang bawat punas ko. I stopped when I felt him staring at me, seryoso. Kumunot ang noo ko at harsh na binawi ang panyo at binalik sa bag. Ano ba 'yan, bakit naman kasi.







"Hatid kita sa inyo," Hindi iyon nagtatapos sa question mark, so I think sa tuldok?







"B-bakit? Paano ka uuwi, gabi na," I stuttered. I felt his deep breath.







"Wala akong pake. Uuwi kita ng maayos. Nakakahiya naman sa mama mo," Seryoso niya na sabi. I am that kind of person that never expect such words like this, especially he's a male. I really thought boys who tell this words are only from the books.








Tulala ako sakaniya at nakanganga. Sa sobrang pagkagulat ko ay tumango nalang ako. Okay, hindi naman masama diba? Umayos nalang ako ng upo at napangiti. What's with the smile, Maria?







"Pahawak nga muna," He handed me his phone. Tumango nalang ako at kinuha iyon. Tinignan ko siya at parang may kukunin sa bag. Hindi sa nakikielam pero napatingin ako sa phone niya. I saw his lockscreen, simpleng black at may nakasulat lang doon na mukhang formulas.








May nag pop na message sa lock screen. I tried to approach him pero hindi pa siya tapos. Okay, let me see. Tinignan ko kung sino iyon. I saw two messages. One from Lace and one from.. Alia. Napakunot ang noo ko kung sino iyon.







"Uhm, may nag message," Sabi ko kay Frank. He stopped and looked at me. Tumango siya at tinap ang finger print sa phone niya. Ano raw? Is he letting me check the messages?







Tumango ako, "U-uh, sige."





Binuksan ko ang message nong kay Alia. My eyes widened with what I saw. Ang nickname niya ay Alia lang. She looks familiar to me. Sa school lang din ba 'to?





Alia: San ka na beh, hanap ka sakin ni tita.




Beh? Hindi ko na nireplyan 'yon at hayaan nalang siya na mag reply mamaya. I checked the other message that was from Luce.




Luce: Alam mo ba na para kang moon sa mata ko. Kasi you shine.





Luce: Ayos na ba 'yan, pre. Tangina kasi kailangan pa ng pagka witty daw bago niya ako kausapin. cheesy puta.





I bit my lower lip para hindi matawa. Pero natawa pa rin ako. I did not bother that I'm inside the jeep. Baliw talaga tong si Luce! Sino kaya 'yong babae? Naramdaman ko ang pagkuha ni Frank sa phone niya. I saw him reading Luce's text. After reading, I saw him smirked.







The Greatest Opponent Where stories live. Discover now