10

208 7 39
                                    



Pagkatapos naming sumakay sa ferris wheel, pumunta kaagad ako sa mga kaibigan ko. Ang dami kong kinain nang bumaba kami sa ferris wheel. Paano ba naman ay binilhan ko ng maraming pagkain ni Frank.





"Deserve mo lahat diba sabi ko. Syempre pati lahat ng sugar, deserve mo," Naalala ko na sabi ni Frank.





Kinwento ko iyon sa mga kaibigan ko. Ang iba ay nabulunan dahil daw sa sobrang corny ni Frank. Pinagtanggol ko naman 'yong kupal siyempre!






"Alam ko na bakit binibigyan ka niya ng maraming sugar," Natatawang sabi ni Arwen. Tumingin maman ako sakaniya at hinintay ang sasabihin niya.






Hindi ko alam kung bakit natatawa na ang iba, wala pa naman siyang sinasabi!





"Kasi Sugar daddy siya," Halos mabuga ko ang iniinom na milktea.






"Ikaw puro ka sugar daddy, Arwen. Siguro marami ka non," Iling na sabi ni Stella. Natawa naman ako roon. Umirap si Arwen sakaniya at parang guilty. Naalala ko pa nong ng tweet siya na naghahanap siya ng sugar daddy tapos may nagreply doon.






'Can I apply'





Natawa ako sa naalala. Sa sobrang ganda nitong si Arwen, minsan natatanga sa pag-ibig. Sana lang hindi siya lokohin ng ka mu niya ngayon. Ilang beses na rin siyang iniwan. Sobra kasing mag mahal.







"Tignan niyo si Maria. Siguro pinapatay na niyan ako sa isip niya," Turo sa akin ni Arwen. Binato ko nalang siya ng candy. Imbis na magalit siya at nag pasalamat pa.







Pagkatapos namin kumain, agad namang nang aya sa Rio grande. Akala ko hindi masaya kasi sabi nila mabaho raw ang tubig. Kung sino man nagsabi non mabaho siya, char. Sa totoo lang, ito ang pinakamasayang sinakyan namin ng magkakaibigan. Hindi ko na nga mabilang kung pang ilang ulit na namin 'to.







"Oh, picture!" Napatingin kami sa may hawak ng camera. Kumekendeng kendeng pa siya na papunta.






"Ang mga ibon, na lumilipad!" Kumanta uli kami, hindi na dahil sa takot, dahil na sa saya. Sumayaw naman ang magpipicture sa amin. We laughed very hard because of that. He took some photos of us, at pag tapos ay umandar na ang sinasakyan namin.







"Woo! Dilig na dili na naman ako!" Sigaw ni Arwen. Tumawa kami dahil sa sinabi niya, she never fails to make us laugh. Sa kakalatan ba naman nito!







Puro tilian lang ang ginawa namin. Basang basa na ako dahil lagi akong nakatapat sa tubig.






"Ako naman! Gusto ko mabasa!" Sigaw ni Denise.






Pagkatapos ng ilang try sa Rio Grande, umalis na kami. Lagpas six thirty na halos pero hindi pa rin kami nakakabalik sa bus. I checked my phone dahil may nag message.






Frank: Bihis ka kaagad, pls.






Napangiti ako at sinunod na. Kahit naman wala iyon magpapalit pa rin ako. Basang basa kami lahat kaya sabay sabay na rin kaming nagbihis. Habang nasa restroom, kita ko ang iba na nag hihintay pa dahil may naliligo pa. Ang iba naman sa amin ay tapos na at nagbibihis. Ang iba ay nagsusuot na ng tsinelas at sapatos. Pero ang iba, nabasa ang sapatos kaya nagpaa nalang.






"Ate!" Nanlaki ang mga mata ko na napatitig kay ate. Pumasok siya sa restroom at mag babanyo rin ata.






"Saya ba?" Seryoso niyang sabi. Napatingin ako sakaniya sa salamin at napakunot ang noo.






The Greatest Opponent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon