19

180 6 6
                                    



"Shit? Totoo?" Gulat na tanong ni Briella. Tumango ako at sumubo nalang ng pagkain. Nasa canteen kami ngayon kumakain ng lunch.



"Patay tayo diyan. Baka mahulog uli," I glanced at Jane. Umirap nalang ako at umiling.



"As if," I took another bite.



"Oo nga naman. Da't siya 'yong hindi mahuhulog kasi siya nga nang-iwan, eh," I heard some tease from Elvira. Hindi ko na matandaan kung pang-ilan na iling ko na 'to ngayong araw.





Hindi lang sabay sa amin na kumain ay si Arwen. Kasama niya ata jowa niya. But she promised she'll eat lunch with us tomorrow. Ang topic na usapan namin ngayon ay wala na sa akin, thankfully. We talked about our first impression sa mga professor na nakasalamuha namin.





"'Yong isa pogi. Bata pa," Si Denise. Tawang tawa na ako sa mga pinagsasabi nila. They even said that some of their profs are not thay kind. Pero maganda raw ang tingin, parang papatayin ka sa kilig.






Sa sobrang tawa ko, I glanced at somewhere and saw Frank. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita na may kasama siyang dalawang babae sa table. Kita ko rin ang pagsama sakaniya ng isang lalaki, na nasisigurado ko na ka-close niya kaagad. Kumunot ang noo ko at nakita kung paano niya kausapin ang dalawang babae. Ganiyan ba natutunan niya sa states? He probably played girls there.






"Uy, tara na. Mamaya mausog mo pa 'yang tinititigan mo," Naagaw ng pansin ko si Rica. I nodded at her and followed her. Napalingon naman uli ako ss tinitignan ko kanina. Hindi pa ba sila aakyat?





The professor showed up. Nagtawanan ang buong klase dahil sa humor niya. He doesn't do strict things, only if necessary. Hindi ko rin alam kung bakit nakangiti ako buong klase niya.





"Class, I want you to get a whole yellow paper. May itatanong lang ako about sa subject natin. I just want to know kung sino ang highest. Malalaman niyo ang mangyayari after," Sir Tunying said. Tumango naman kami lahat pagkatapos non. Naglabas ako ng yellow pad. We started the little quiz. Hindi siya quiz pero para sa akin quiz siya.





Napakamot ang iba kong kaklase sa ulo nila. Nagrereklamo raw sa hirap. I mean, yes it's hard. Pero kung may naalala ka naman sa past lessons niyo, hindi iyon mahirap.





"For last number," Sigaw ni Sir.





I smiled because I'm confident to my answers. Sinuswerte naman ata ako ngayon dahil kumakampi sa akin ang mga tanong.





"So bago ko sainyo ibigay 'to, I will explain to you what's the essence of this," Natahimik ang lahat sa klase.





"Ano 'yan sir, outing?" Sabat ng isa kong kaklase. Napatingin sakaniya si sir kaya natahimik nalang siya.





He's holding our papers, "Alam ko na, hindi na kayo nag oofficers ngayon. Pero. I would like to ask if it's fine to you, na mag assign tayo ng officers."




Halos lahat kami namulat doon. Magkakaroon ng officers? I mean, it would definitely give a high school vibe but I couldn't believe.





"So, kung sino ang highest. Automatic president," Masayang sabi ni sir. I bit my lower lip and hope it would be me. Sure ako sa mga sagot ko.





We waited for a while for that. Buong time na nagcheck si sir ay nakatulala lang kami sakaniya. Nakakakaba rin pala. Kasi minsan ngingiti siya minsan iiling. Minsan papalkpak.





The Greatest Opponent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon