Chapter 1

16.1K 398 12
                                    

KANINA PA hindi mapakali si Calvin dahil hindi siya sanay sa mga board meeting. Oo nga't half owner siya ng Cruz Hotel at Cruz Building Company pero hindi siya masyadong active sa mga board meeting.

Narito siya ngayon sa Japan dahil inaasikaso niya ang kompanya nila rito habang ang kakambal naman niya ay nasa U.S para asikasuhin ang kompanya nila doon.

Napangisi siya ng maalala na kasama ng kakambal niya ang babaeng kinababaliwan nito doon. Ngayon lang niya nakita ang kakambal niya na mabaliw sa isang babae. 

Well that girl is really pretty, but she's not his type and--.

"Mr. Cruz, Are you listening?" Tanong ng katabi niya. "I think you're not with us."

"It's nothing." Sagot niya at umayos ng pagkakaupo. "This board meeting will finish soon, yes?"

"Yes." Sagot nito at umayos rin ng upo gaya niya. "After his explanation you may excuse yourself"

Napabuntong hininga siya at nakinig na lang sa mga pinagsasasabi ng mga ka-meeting niya. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakaupo at nakatulala lang. Natapos ang board meeting na hindi man lang siya nakikinig. His brain is somewhere.

Nauna na siyang lumabas sa conference room at walang imik na sumakay sa elevator. Nang bumukas iyon ay agad siyang sumakay at pinindot ang ground floor. Makalipas ng isang minuto bumukas na rin ang pinto ng elevator, agad siyang lumabas ng elevator at mabilis na nagtungo sa parking lot.

Nang makarating sa parking lot ay agad niyang hinanap ang kotse, nang makita niya ang kotse niya ay agad siyang sumakay at pinaharurot iyon sa pinakamalapit na bar.

Makalipas ng kalahating oras ay nakarating na rin siya sa bar. 

Isang sikat na bar iyon sa Japan. Napabuntong hininga siya bago pumasok sa loob ng bar. Nang nasa loob na siya ay isang malakas na tugtugan agad ang bumungad sa kanya. Sanay na rin siya sa ganoong ka-ingay na bar kaya hindi na iyon bago sa kanya. Pero hindi siya sanay sa mga tao roon lalo na ay hindi niya masyadong maintindihan ang salitang hapon.

Naghanap siya ng bakanteng upuan, nang walang mahanap ay doon na lang siya pumuwesto sa bar counter at umorder ng isang basong whiskey. Gusto niya muna ngayong maglasing. Magse-celebrate siya dahil sa masaya siya ngayon sa kapatid niya.

Mas gusto niya pang mag-inom kesa sa umattend sa mga board meeting. Una't sapol pa lang ay wala siyang hilig sa nga meeting-meeting na nangyayari. Pero para sa kompanya nila ay dapat niyang gawin iyon.

Umorder pa siya ng isang whiskey dahil kulang ang isang basong whiskey sa kanya. Nasa kalagitnaan siya ng pag-inom ng alak ng biglang may bumunggo sa likuran niya. Agad siyang humarap sa likuran para tinignan kung sino man ang bumunggo sa kanya.

Sisigawan na sana niya ang taong bumunggo sa kanya ng makita niya ang isang magandang babae na nakatingin sa kanya na may mapupungay na mata. He can't see the color of her eyer clearly but he bet it is beautiful enough to catch his own breath. She has a pointed nose and has delectable red lips. His throat run dry the time she bit her lower lip. He wants to taste that delectable red lips.

Hindi niya mapigilan na mapatingin sa mayayaman nitong dibdib. Gusto niya itong hawakan at pisilin. Magsasalita na sana siya ng bigla na lang siyang halikan ng dalaga. Namilog ang mga mata niya dahil sa ginawa nito. But seconds later, he see his self kissing her too.

Malambot ang labi nito at napakasarap n'on sa pakiramdaman. May mahina ungol na lumabas sa labi nito nang kagatin niya ang pang-ibabang labi nito. Hindi niya alam kung bakit agad agad nagliliyab sa pagnanasa ang katawan niya dahil sa halik ng dalaga. Ito ang unang beses na nagliyab sa pagnanasa ang katawan niya dahil lang sa isang halik.

Winning One's HeartWhere stories live. Discover now