Chapter 4

9.2K 231 6
                                    

"COME ON bud" wika ni Niko sa kanya. Kanina pa nito gustong hiramin ang kotse niya dahil nasira ang ferrari nito kanina "hihiramin ko lang naman for one whole day"

"I said no, Niko" ani niya habang nagsasalin ng whiskey sa shot glass "d'on ka kay Dieve manghiram"

Napabuga ito ng hininga at lumapit sa kanya "I tried but he hates me"

Humarap siya rito at ibinigay ang isang shot glass na hawak "drink this. Kapag naubos mo ang laman niyan papahiramin kita"

Hindi kasi ito mahilig iminom ng mga alak lalo na kapag whiskey. Kahit kailan hindi pa nila ito nakikitang uminom maliban na lang kapag inaaya nila ito. Pero ganun pa man, hanggang isang basong alak lang ito at ayaw na.

"You know me bud, hindi ako umiinom ng whiskey" wika nito habang pinipilit inilalayo ang isang basong whiskey "I will never drink that. I hate whiskey"

Natawa ito at inilapag ang baso sa island counter "then don't. Hindi mo mahihiram ang kotse ko hangga't di mo naiinom iyan"

Ilang segundo itong natahimik, nang tignan niya kung ano ang ginagawa nito ay napangisi siya ng makitang pilit nitong inuubos ang laman ng baso.

"There. Happy?" agad nitong tanong ng maubos na ang laman ng baso "now, give me your car key"

Nakangising kinuha niya ang susi ng kotse sa bulsa at ibinigay rito "take care of my car"

"I will" wika nito at tumalikod na sa kanya "and by the way, Boyler wants to talk to you"

"Where and when?" tanong niya rito na kunot ang noo "is it important?"

"He said yes. At his house six pm sharp" sagot nito bago tuluyang lumabas.

"Well, that's new" bulong niya sa sarili at nagsalin ulit ng whiskey sa shot glass.

Hindi niya akalin na ipapatawag siya ni Boyler. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kanya. Sa tanang buhay niya bilang niya ang mga panahon na ipinatawag siya ni Boyler sa bahay nito. Ayaw kasi nito na may pumupunta sa bahay nito dahil masyado daw silang maingay. Well totoo naman.

Tumingin siya sa orasang pambising, its five thirty. Umalis na siya sa kusina at nangtungo sa sala ng bahay nila. Nang naroon na ay pinagpatuloy niya ang paglalaro ng video games na naudlot kanina dahil sa pagdating ni Niko.

Lilibangin muna niya ang sarili niya habang hindi pa naman ala-sais ng gabi. Nasa kalagitnaan siya ng paglalaro ng biglang may tumawag sa kanya "sir Cavlin?"

"Yes?" wika niya ng walang lingon lingon sa likod. Alam niyang isa ito sa mga katulong sa mansyon kaya hindi na niya kailangang lumingon "need something?"

"Pinapatawag ho kayo ni sir seb" wika nito sa kanya.

"Saan?" simpleng tanong niya rito at saka tumayo at humarap sa katulong.

"Sa opisina-"

"Okay" putol niya sa sasabihin nito at naglakad na patungo sa opisina ng ama. Hindi naman ganoon kalaki ang galit niya sa ama niya para hindi ito kausapin. Kahit paano ay naging ama rin ito sa kanya.

Nang makarating sa harap ng opisina nito ay agad siyang kumatok ng tatlong beses bago pumasok sa loob. Naabutan niya ang ama niya na busy sa pagperma ng mga nagkalat na papeles sa lamesa nito.

Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito "need something, dad?"

Tumingin ito sa kanya at tinanggal ang reading glass na suot nito "take a sit"

Lumapit siya rito at umupo sa kaharap nitong upuan "pinatawag mo daw ako?"

"Oo" sagot nito at matiim siyang tinitigan "kailangan ko kasing pumunta ngayon sa U.S may mga papeles kasi ako roon na kailangang asikasuhin. Kung maaari sana na ikaw muna ang bahala sa Cruz Building Company habang wala pa rito ang kakambal mo"

Winning One's HeartWhere stories live. Discover now