Chapter 22

6.2K 166 25
                                    

ANG AGA-AGA pero lukot na ang mukha ni Alez ng pagbuksan niya ng pintuan ang lalaking hindi sumipot sa dinner date nila kagabi. Dapat maganda ang araw niya ngayon dahil magpapahinga siya pero ito siya ngayon, mainit na agad ang ulo at nanlilisik sa galit ang mga matang nakatingin kay Calvin na halos wala ng kulay ang mukha.

"What the hell are you doing here?" She asked. Nanlilisik pa rin sa galit ang mga mata niya habang nagtatanong rito. "You're not welcome here."

"Alez, please, let me explain." Wika nito. Nagmamakaawa ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "Please?"

"There's nothing to explain." Aniya. Ang nanlilisik niyang mga mata sa galit ay napalitan ng malamig na emosyon. "Umalis ka na."

"No." Humakbang ito palapit sa kanya hanggang sa makapasok ito sa loob ng bahay niya. "Just hear me out."

"Lumabas ka nga ng bahay ko." Ayaw niya pa itong kausapin. Baka masigawan lang niya ito. Sobrang inis ang nararamdaman niya para rito. Sino ba ang hindi maiinis kung pinaasa ka ng lalaking mahal mo na pupunta kuno sa dinner date. "Lumabas ka."

Akala niya ay aalis na ito kaya nakahinga siya ng maluwag dahil tumalikod ito sa kanya. Pero agad ma bumalik ang kaba niyang nararamdaman ng isinara nito ang pinto at humarap ulit sa kanya.

"Let's talk." Matigas nitong sabi.

"Fine." She has no choice. Nasa loob na ito ng bahay niya. She don't want to be mean kaya pagbibigyan niya ito. Sigurado naman siyang may dala itong rason kung bakit hindi ito sumipot sa dinner date nila kagabi.

Nauna siyang naglakad patungo sa kusina habang nakasunod lang sa kanya ang binata. Nang makapasok sila sa loob nh komedor, lumapit siya sa ref niya at kumuha roon ng juice. Kumuha muna siya ng dalawang baso bago lumapit sa binata na nakaupo na at inabot rito ang isang baso saka niya sinalinan ng juice. Umupo siya sa kaharap nitong upuan.

"Anong pag-uusapan natin?" Malamig niyang tanong rito habang nagsasalin ng juice sa baso niya. "Siguraduhin mo lang na matutuwa ako sa rason mo."

Uminom muna ito ng tubig bago sumagot. "About last night -"

"Bakit hindi ka nakarating kagabi?" She cut him off. Ang malalamig niyang tingin ay dumapo rito. "You've promise that you'll be here for our dinner date. Why break it?"

"I have my reasons, okay?" Sagot nito. Sinalubong nito ang malamig niyang titig. "I'm sorry for not coming to our dinner date. Masyado kasi akong napagod kagabi sa trabaho and i fall asleep. Alam mo naman na masyadong madami ang mga pinipirmahan ko kahapon, right?"

"I know." Malamig niyang sagot. Nakatulog pala e. "And then?"

"Nagising ako kagabi but its already one pm." Wika nito. Hinawakan nito ang kamay niya at may pagsisisi siyang nakita sa mga mata nito. Ganoon na ba kalaki ang nagawa nitong kasalanan para rito dahil sa hindi pagsipot sa dinner date nila kaya may pagsisisi siyang nakikita sa mga mata nito? "Nagmadali akong pumunta dito sa bahay mo kaso patay na ang lahat ng ilaw at alam ko rin na nagpapahinga ka na. Kaya umuwi na lang ako. I'm sorry. Please, sorry."

Kitang-kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito. Hindi naman ganoon katigas ang puso niya para hindi ito patawarin. Masyado yata niyang mahal ang lalaking ito para magalit siya buong araw. Lahat naman ng tao nagkakamali e. At hindi exempted doon si Calvin.

Lumamlam ang tingin niya rito at ngumiti. Hindi niya kayang magalit rito ng matagal. Marupok na kung marupok, basta papatawarin niya ito. Hindi naman ganoon kalaki ang kasalanan nito para hindi niya patawarin. Bukas pa ang isip niya para sa explanations nito.

"Its okay now." Nakangiting wika niya.

"Really?" Nagliwanag ang buong mukha nito. Ayaw niyang mawala ang liwanag sa mukha nito kaya tumango siya. "Yes!"

Winning One's HeartWhere stories live. Discover now