Chapter 20

6.9K 162 16
                                    

HINDI MAPUKNAT ang ngiti sa mga labi ni Calvin simula ng magising siya kaninang umaga. This is his first day being Alez' boyfriend. Pagkatapos nilang kumain ni Alez kagabi ay nagtungo sila kwarto niya. Ibang pag-uusap ang ginawa nila kagabi. Nag-usap silang dalawa sa pamamagitan ng pag-ungol.

Meron na siyang karapatan ngayong magselos. Sa kanya na ngayon ang dalaga. Hindi siya makakapayag na maagaw ng iba si Alez lalo na ngayong kasintahan na niya ito.

Nasa Cruz Building Company siya ngayon dahil may mga papeles daw na kailangan ng pirma niya bago ipasa sa bawat department.

Dapat ngayon ay nasa bahay siya ni Alez at nakikipaglampungan sa dalaga. Pero ng makatanggap siya kanina ng tawag mula sa sekretarya niya na kailangan siya ngayon sa kompany ay agad siyang pumunta para tapusin ang pagpirma ng mga papeles.

May gagawin din naman si Alez. Kailangan nitong pumunta sa world trending magazine main branch para ayusin ang mga naiwan nitong trabaho. Napagkasunduan nila na magdinner date mamayang gabi sa bahay nito. Ito na raw ang magluluto. Excited na siya mamayang gabi.

Nabalik ang isip niya sa reyalidad ng may kumatok mula sa labas ng pinto ng opisina niya.

"Pasok!" Sigaw niya para marinig ng nasa labas. Bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang taong ayaw niyang makita dahil nandidilim ang paningin niya. Matatalim ang matang nakatingin siya rito habang papalapit ito sa table niya. "Anong ginagawa mo rito?"

"Whoa. Chillax, man." Wika nito. Umupo ito sa visitor's chair habang nakangiti sa kanya. Tsk. Parang walang batuhan ng salita na naganap noon sa mall ah. "How's my friend?"

"What are you doing here, Stanford?" May diin niyang tanong. Nandidilim talaga ang paningin niya. "Aagawin mo ba sa'kin si Alez? Well, let me tell you this, kami na at wala akong balak na ibigay siya sayo o kahit na kaninong lalaki."

"I'm not here for that, and besides, I already know that." Wika nito. May inilapag ito na isang puting sobre sa lamesa niya. "I found this outside your house' door. Its for you."

Bumaba ang tingin niya sa papel na nakalagay sa table niya. "Pwede mo naman iwanan d'on sa labas ng bahay ko ah."

"Alam ko na bihira ka lang umuwi sa bahay mo sa Xeer's Village. So, I volunteer to take this envelope to you. Thank you very much." Full of sarcasm. Inirapan niya ito at kinuha ang envelope. "Aalis na ako. Aasarin ko pa si Xylyx e."

"Naasar sayo si Xylyx?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Sa tanang buhay niya hindi pa niya nakita o narinig na naiinis si Xylyx kay Niko. Masyado yatang close ang dalawang ito para magkainisan. "What's with him?"

"Its a secret between us." Sagot nito. "Ayaw niya na malaman ng iba. Samin lang daw muna."

"Tsk. Tandem talaga kayong dalawa pagdating sa paglilihim." Wika niya. Inilapag ulit niya ang envelope sa tabi ng laptop niya. Mamaya na niya iyon babasahin. "Kayo na talaga."

"Hindi kami tandem ni Lyx when it comes in secrets." Ani nito. Seryoso ang mukha nito pero may kapilyuhan naman na kumikislap na emosyon sa mata nito. "Kami ni Dieve ang tandem."

"Kaya pala lagi kayong hindi magkasunodo." Nakangising wika niya habang nakatuon ang mga mata sa pinipirmahan niyang mga papeles.

"Basta kami ang tandem." Pamimilit nito. Tumayo na ito at naglakad patungo sa pinto ng opisina niya. Nag-angat siya ng tingin rito at hinatid ng mga mata niya ito palabs ng opisina niya. Bago ito tuluyang makalabas, humarap ulit ito sa kanya at nagsalita, "take care of Alez. She's a keeper."

Nang tuluyan na itong makalabas ng opisina niya, nagbaba ulit siya ng tingin para tignan ang envelope. Kinuha niya iyon at binuksan. Nang makuha niya ang isang coupon na nakalagay sa loob ng envelope, agad niyang binasa ang nakasulat d'on.

Winning One's HeartWhere stories live. Discover now