Chapter 3

9.8K 265 11
                                    

TATLONG ARAW na ang nagdaan simula noong nakauwi si Alez sa pinas galing japan. Pero kahit tatlong araw na ang nakakalipas ay hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa japan. Hindi niya makalimutan ang mukha ng nakatalik.

Ayaw niyang sabihin sa kasintahan niya ang nangyari sa japan. Hindi sa natatakot siyang makipaghiwalay ito sa kanya, natatakot siya na baka husgahan siya nito.

Mas pinili niyang itago sa kasintahan iyon pati na rin sa mga kaibigan niya. Mas mabuti ng siya lang ang nakakaalam. Sigurado naman siya hindi na ulit sila magkikita ng lalaking iyon.

"Alez?nakikinig ka ba?" nagising siya sa malalim na pag-iisip ng magtanong ang kaibigan niya "kanina ka pa tulala"

"W-wala ito" pagsisinungaling niya. Ayaw niyang magbigay ng problema sa mga kaibigan niya kaya itatago niya ito "ano ba 'yong sinasabi mo?"

"Ayoko na" wika ng kaibigan. Sumimsim muna ito ng kape bago nagsalita ulit "ang haba-haba ng sinabi ko hindi ka naman pala nakikinig"

"Sorry" ani niya "ang dami ko lang kasing iniisip e"

Napabuntong hininga ito at saka isinabit ang shoulder bag sa balikat niya "ayos lang. Aalis na ko ha. Madami kasi akong aasikasuhin ngayon sa bahay. Bye"

Tumango na lang siya at saka nakipagbeso-beso sa kaibigan. Nang mag-isa na lang siya sa cafe ay nilibang na lang niya ang sarili sa paglalaro ng online games. Magkikita sila ngayon ng kasintahan niya. Hinihintay lang niya ito sa cafe dahil susunduin na lang daw siya nito.

Ilang minuto rin siyang nagtagal sa cafe, nagpasalamat siya ng dumating na ang kasintahan niya para sunduin siya.

"Hey babe" ani nito at hinalikan siya sa labi niya "tara na?"

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya rito. Ipinalibot niya ang kamay niya sa braso nito at naglalambing na inihilig ang ulo "punta tayo sa mall?"

Tumingin sa kanya ang kasintahan at nginitian siya "why not?bili tayo bagong damit, my treat"

Napangiti siya sa sinabi nito at hindi mapigilang halikan ito sa labi. Lagi siya nitong dinadala sa mall para bilhan ng mga bagong damit. Hindi siya spoil sa binata pero ginagawa nito lahat para mabili nito ang mga gusto niya.

"Hop in" wika ng binata. Hindi niya namalayan na nasa harap na pala sila ng sasakyan nito. Nakangiting sumakay siya sa passenger seat at siya na ang nagsuot ng seatbelt. Umikot ang binata patungong drivers seat at sumakay d'on "tara na?"

Tumango lang siya at isinandal ang likuran sa upuan. Sa labas ng binta lang nakatuon ang atensyon niya sa buong biyahe nila. Sa susunod na araw ay anniversary na nila at napagdesisyunan na nilang magkasintahan na magbakasyon sa El Nido.

Hindi mahilig ang kasintahan niya sa pagta-travel kaya nanibago siya ng mag-aya itong magbakasyon sa El Nido. Sa loob ng mag-iisang taon na relasyon nila ay bilang palang ang mga araw na nagtravel silang dalawa.

"We're here babe" ani ng kasintahan niya at ito na ang unang bumaba at umikot para magbuksan siya ng pinto.

Nang makababa siya ay pinagsiklop nito ang kamay nilang dalawa "lets go"

Hinila niya ito papasok sa mall. Nang makapasok sila sa loob agad silang sumakay sa escalator na maghahatid sa kanila sa second floor kung nasaan nakapuwesto ang bilihin ng mga damit.

Nang nasa second floor na sila ay agad niyang hinila ang kasintahan papasok sa isang woman wardrobe. Bumungad sa kanya ang magagandang damit na pasok sa panlasa niya. Hindi siya mahilig sa mga dress kaya naman sa t-shirt at sa pantalon siya naghanap ng damit.

"Babe?" Tawag sa kanya ng kasintahan. Lumingon siya rito at nakita niya itong nakatitig sa cell phone nito "dad is calling. Mind if I answer this outside?"

Winning One's HeartUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum