Chapter 23

6.4K 185 2
                                    

"ALEZ NAMAN, kumain ka na." Pagpupumilit sa kanya ni Unyce. "Please, Alez."

"Ayoko." Aniya saka nagtalukbong ng kumot. "Wala akong gana."

"Yan na lang lagi mong sinasabi." Sabat ni Clarity. Simula ng tawagan niya ang mga ito ay hindi na siya iniwan ng mga kaibigan. Si Clarity umuuwi tuwing hapon at kinabukasan naman ito pupunta. Si Unyce naman ay sa bahay na niya natutulog. "Dalawang linggo ka ng hindi kumakain ng maayos. Nag-aalala na kami sayo."

Dawalang linggo na siyang nakulong rito sa loob ng kwarto niya. Hindi na siya nakapunta sa Italy dahil wala siyang gana lumabas ng bahay kaya naman ni Nalia na lang ang nagtungo roon. Naiintindihan naman ng boss niya ang pinagdaraanan niya.

Sa dalawang linggong nasa loob lang siya ng kwarto niya ay walang araw na hindi siya nagsusuka. Sa tuwing may naamoy siyang di gusto ng ilong niya ay sa banyo ang bagsak niya. Hindi na niya alam kung anong nangyayari sa kanya.

"Alez, please kumain ka na ng maayos." Ani ni Unyce habang niyuyugyog nito ang balikat niya. "Alez naman e."

"Umalis na kayo." Malamig niyang wika. Pigil niya ang hindi mapahikbi habang umiiyak aa ilalim ng kumot. "Leave me alone."

Ang sakit pa rin ng puso niya. Her heart is bleeding and she can't do nothing about it. She feel so weak and helpless. Lagi siyang umiiyak at pabalik-balik sa isip niya ang mga nakitang larawan.

Sa dinami-dami ng babae nito bakit si Lizette pa? Una si Gian, ngayon naman ang boyfriend niya. Bwisit na Lizette yon. Hindi marunong makuntento sa isa.

Gusto niyang kausapin ang binata at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya sa harap nito, pero paano? Paano niya gagawin yon kung wala siyang lakas? Ni pagkain o magsalita ng mahaba ay hindi niya magawa, kausapin pa kaya ito ng harap-harapan.

Gusto na niyang malinawan. Gusto niyang maranig ang nga explanations nito. Gusto na niya itong makita, mayakap at mahalikan. Pero wala siyang lakas para gawin iyon. Paano na lang kung si Ayesha ang piliin nito? Paano na lang siya? Saan siya pupulutin?

"Alez, please." Nagmamakaawa na ang boses ni Unyce. "Alez."

Tinanggal niya ang pagkakatalukbong ng kumot at bumangon siya sa pagkakahiga saka isinandal ang likod sa headboard. Ang walang emosyon niyang mga mata ay dumapo sa dalawa niyang kaibigan na puno ng pag-aalala ang mukha.

"I'll eat." Aniya. Kinuha niya ang hawak ni Unyce na bowl na may lang sopas saka iyon kinain. Kailangan niya ng lakas. Dapat hindi siya pinapakita sa ibang tao na mahina siya lalo na kay Calvin at sa Ayesha na iyon. She's strong and independent woman. "Anong ginawa mo noong nag-away kayo ni Galvin, Clarity?"

Bumuntong-hininga ito bago umupo sa kabilang gilid ng kama saka umupo at nagsalita. "Wala akong ginawa. Binigyan ko muna ang sarili ko ng space para makapag-isip ng tama. At nang may desisyon na ako, at iyon ay ang ayaw kong mapunta ang lalaking mahal ko sa iba, gumawa na ako ng paraan."

"Anong paraan?" Tanong niya. Dapat niyang malaman kung paano niya mababawi ang lalaking mahal niya.

Walang patutunguhan kung araw-araw siyang magmumukmok sa silid niya. Sa dalawang linggong dumaan ay lagi niyang naririnig ang pagsigaw at pagkatok ni Calvin sa labas ng pinto ng bahay niya. Pero hindi niya iyon pinansin at pinaubaya na lang niya ito kay Unyce and Clarity.

Oras na para buksan ang isip niya sa paliwanag ni Calvin. Hindi niya hahayaan na mapunta sa iba ang lalaking pinakamamahal niya. Tama na ang pagluha ng marami, tama na ang paghikbi tuwing gabi at tama na ang pagiging bingi para sa paliwanag ng binata.

Walang patutunguhan kung hindi niya papakinggan ang mga paliwanag ng binata. Haharapin niya kung ano man ang nga sasabihin nito, masaktan man siya sa mga isasagot nito sa mga tanong niya ay tatanggapin niya.

Winning One's HeartWhere stories live. Discover now