Chapter 16

6.6K 200 6
                                    

KANINANG MADALING araw pa gising si Alez at nakatitig lang sa kisame habang inaalala ang nangyari kahapon sa sofa sa sala niya. Mapait siyang natawa ng maalala na naman ang pagtatalik nila kahapon ni Calvin.

Pagkatapos nitong makipagtalik sa kanya aalis ito at magpapasalamat. Ano ba ang tingin nito sa kanya? Isang bayaran na babae na after ng sex at pwede agd iwan with matching 'thank you' pa. What a jerk.

Nagpalitan pa sila kahapon ng mga salita. Tsk. Dapat talaga hindi siya naging marupok rito. Kung hindi siya isang marupok na babae, e di sana hindi siya umiyak ng halos isang oras.

Imagine, yung taong mahal na mahal mo sa loob ng dalawang taon ay pagkakamalan kang isang malanding babae. Oo nga at wala itong sinabing malandi siya pero sa klase ng pagsasalita nito kahapon ay para ba'ng isa siyang napaka-landing babae.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at marahas na napabuga ng buntong hininga bago idinilat ang mga mata at tumayo. Nakalimutan niya na may pipirmahan pala siyang mga papeles.

Naligo muna siya at nag-ayos bago lumabas ng kwarto. Dumiretso siya sa sala para ayusin ang mga pipirmahan niya. Mamaya na siya kakain. Its still five-thirty in the morning, too early to eat breakfast.

Nang makarating sa sala kaagad siyang umupo sa mahabang sofa at kinuha ang puting folder na nakapatong sa ibabaw ng center table. Then the memory of yesterday with Calvin in the sofa-making love with each other-flash in her mind. Ipilig niya ang ulo at inumpisan na ang pagpirma at pagbasa sa laman ng folder.

Maraming laman ang folder lalo na ang mga pinirmahan niyang papeles. Sa sobrang dami ng pinirmahan niya at halos kulang na lang ay ubusin ang laman ng sign pen niya. May araw na ng matapos siya sa pagpirma. Kung hindi na sana niya binasa ang mga nakasulat sa bawat coupon, e di sana kanina pa siya nag-aalmusal. Pero kailangan niya iyong basahin kung ayaw niyang magsisi sa huli.

Isinara niya ang folder at ibinalik iyon sa center table saka tumayo at nagtungo sa kusina. Usual, tatlong tuna bread ulit ang ginawa niyang umagahan at kape. Sapat na iyon sa kanya. Hindi kasi siya mahilig kumain ng kanin sa umaga kaya tinapay ang kinakain niya.

Pagkatapos kumain hinugasan na muna niya ang mga pinagkainan niya bago lumabas ng bahay dala ang folder. Ipapasa na niya iyon kay Adiene dahil may pupuntahan 'kuno' ito pagsapit ng tanghali.

Ini-lock niya ang pinto ng bahay pati na rin ang gate bago sumakay sa kotse niya. Binuhay niya ang makina at pinaharurot iyon patungo sa bahay ni Adiene.

She's so excited. Makakabalik na siya sa pagtatrabaho. Na-miss niya ang nga ka-office work niya. Kamusta na kaya ang mga ito? Na-miss kaya siya ng mga ito? Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga 'yon kung malaman nilang babalik na siya? Ang daming tanong sa isip niya about sa mga ka-office work niya. Lahat kasi ng mga ito ay kaclose niya at tinuring na niyang mga kaibigan lalo na ang ka-team mate niyang si Nalia. Naging close sila nito simula noong pumasok siya sa kompanya ni Adiene.

Kahit gusto na niyang tumigil sa pagiging journalist at doon na lang sa australia manirahan kasama ang ina niya at kapatid at tulungan si Andy sa pagpapatakbo ng kompanya na naiwan ng yumaong ama ay hindi naman niya magawa. Ayaw niyang umasa sa pera ng kompanya nila at ang iniwang pera ng ama para sa kanila. Gusto niya maging independent na babae. At mapapatunayan lamang niya iyon kung mamumuhay siya mag-isa at hindi hihingi ng tulong sa pamilya niya.

Hindi niya gusto na humihingi ng tulong sa ina lalo na sa kapatid niya. Kaya nga siya umalis sa mga puder nito nang makapagtapos siya ng pag-aaral dahil gusto niyang mamuhay ng mag-isa at matawag ang sarili na independent.

For twenty years nag-stay siya sa puder ng pamilya niya. School bahay lang siya lagi. After school kailangan on time nasa bahay na siya kung hindi mahabang eksplenasyon ang kailangan niyang isipin para hindi kung ano-ano ang iniisip ng mga magulang. Kaya naman ng makapagtapos siya ng koleheyo ay agad siyang nagtungo sa pilipinas para patunayan sa mga magulang niya na kaya na niya ang sarili.

Winning One's HeartWhere stories live. Discover now