Chapter 19

6.8K 207 8
                                    

NAGHAHANDA NA si Alez sa pagpunta sa mansyon ng mga Cruz. Its tuesday, kaarawan na ng kambal na anak ni Clarity and she's so excited.

And guess what, tatlong araw na silang hindi nagkikita ni Calvin matapos ng nangyari sa kanila sa mall. Ni hindi nga ito nagpunta sa bahay niya para humingi ng tawad.

Hindi pa rin naman niya yata ito kayang harapin. Mas maganda na sigurong hindi muna sila magkita ngayon. Ayaw niyang makipag-usap sa lalaking makitid ang pag-iisip.

Nang maayos na niya ang sarili, kinuha niya ang dalawang regalo na nakalagay sa closet niya saka lumabas ng silid. Ngayong hapon gaganapin ang kaarawan nila Cevin at Cairo. Sobrang excited na siya dahil makikita niya ulit ang kaibigan niya. Pupunta rin si Unyce sa mansyon ng Cruz. Sobrang excited na siya.

Pinatay niya ang ilaw sa buong kabahayan bago siya lumabas ng bahay niya. Naglakad siya palabas ng gate at inilock iyon saka sumakay sa sasakyan niyang BMW. Nang makasakay sa kotse niya kaagad niya iyong pinaharurot papunta sa mansyon ng Cruz.

Hinihiling ng isip niya na sana wala roon si Calvin pero hinihiling naman ng katawan niya na sana naroon ang binata. She miss his touch. She miss his kisses. She miss his voice. She miss everything about Calvin. Hindi niya alam kung bakit niya ito nami-miss e samantalang hindi naman sila ayos. Mabigat hanggang ngayon ang loob niya sa kaalamang hndu pa rin sila ayos ng binata. Maybe that's love. Mahal na mahal niya ito. Pero ang tanong, may katugon ba itong nararamdaman niya para sa binata?

Oo nga at sinabi nito sa harap niya na gusto siya nito pero hindi iyon sapat na basehan para masabing may katugon nga ang nararamdaman niya para rito. Gusto lang siya nito e samantalang siya mahal niya ito. Its unfair. World is so unfair.

Bakit ba hindi na lang ibigay sa kanya ang pagmamahal ng binata? Hindi naman siya mahirap mahalin e. Hindi naman siya demanding. Sobrang dali lang niyang mahalin. Pero bakit parang mahirap para kay Calvin iyon?

Oh yeah. Lahat pala ng kalahi ni adonis ay high standard ang hanap sa isang babae. Hindi nga pala siya maganda. Bakit niya ba iyon na kalimutan? Ang mga gaya niyang babae ay walanh puwang sa puso ng isang lalaki na kalahi ni adonis.

Dapat hindi siya humihiling ng isang pagmamahal sa lalaking high standard ang hanap. Hays, buhay nga naman.

Ilang minuto din siyang malalim ang iniisip at napansin na lang niya na nasa labas na pala siya ng gate ng Cruz' Mansion. Palubog na ang araw ng makapunta siya sa mansyon. Hindi naman ganoong kalayo ang Cruz' Masion sa bahay niya. Ilang minuto lang a ng biyahe para makapunta rito.

Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa nakabukas na gate. Hindi na niya kailangang pindutin ang door bell dahil nakabukas na a ng pinto kaya naman pumasok siya. Hindi pa siya tuluyang nakakapasok ng marinig niya ang boses ng kaibigan niyang si Clarity.

"Lez!" Sigaw nito sa pangalan niya. Ngumiti ito at naglakad palapit sa kanya at niyakap siya. "I thought hindi ka na makakapunta."

"Pwede ba naman 'yon." Bahagya niyang pinisil ang kamay nito at nginitian. "Nakatulog kasi ako kanina tapos nung nagising ako its already six pm."

"Its okay, ang mahalaga nakapunta ka." Ani nito. Hinila siya nito patungo sa kusina hanggang makarating sila likod-bahay kung saan ginaganap ang birthday ng kambal. "On the way na daw si Unyce. Hintayin mo na lang."

"Oh, sure." Wika niya. Pinakita niya rito ang dalawang regalo at inabot rito. "This one is for Cevin," tinuro niya ang regalo na nababalot ng kulay pula na gift wrapper, "and this one is for Cairo." Tinuro naman niya ang regalo na nababalutan ng gift wrapper na kulay puti at itim. "Nasaan pala sila?"

"Nakikipaglaro doon sa tito Calvin nila." Napailing iling ito bago ngumiti at itinaas ang dalawang regalo na binigay niya. "Thank you for this. Sasabihan ko sila na narito ka."

Winning One's HeartWhere stories live. Discover now