Chapter 9

7.6K 219 13
                                    

HINDI MAALIS ni Alez ang ngiti sa mga labi niya sa kaalamang ikakasal na ngayon ang kaibigan niya. Sobrang saya niya ngayon para sa kaibigan. Sa wakas at natagpuan na ng kaibigan niya ang lalaking magmamahal rito habang buhay.

Hindi siya komportable sa suot niyang damit ngayon. She's wearing a backless color caramel dress. She's not comfortable wearing any dress mostly a backless dress. She prefer to wear a croptop and pants.

Hindi niya alam kung bakit mas mahilig siya sa pantalon at croptop. Simula noong bata siya ay mas pinipili na niyang pantalon kesa sa dress. Marami siyang dress na nakatabi sa damitan niya pero lahat iyon ay hindi masyadong nagagamit.

Nabalik ang isip niya sa reyalidad ng makarinig siya ng boses sa tabi niya "god Alez. Kanina pa kita hinahanap, narito ka lang pala."

Nilingon niya ang nagsalita sa tabi niya at tipid na ngumiti "I'm sorry Viana, I was just looking at the good view."

"Its okay." ani nito at hinawakan siya kamay saka hinila papunta sa pila "stay here, malapit na mag-start ang wedding."

Tumango lang siya at ngumiti. Nang makaalis ito sa harap niya bumuga siya ng mahinang buntong hininga bago inayos ang bahagyang tumaas na dress. Bakit kasi siya pa ang maid of honor?

This is her first time to attend a wedding. Since she was a kid, she never attend any events. Wala siya sa isip niya ang umattend ng kahit anong events na may kinalaman sa dress o gown. Kahit nga isa siyang journalist ay hindi siya nagsusuot ng gown. Minsan na siyang inimbitahan na dumalo sa isang Charity Ball pero tumanggi siya.

Pero dahil kaibigan niya ang ikakasal, pumayag na siyang dumalo at magsuot ng dress na kinamumuhian niya. Kung hindi pa siya pinilit ni Clarity na maging maid of honor at hindi talaga siya pupunta. Buti na lang ay mahal na mahal niya ito kaya napilitan na siya. How she wish to marry a man like her friend's groom.

"Long time no see." she was stilled by the familiar baritone voice from behind her and waking her up from her deep reverie "you miss me?"

Dahan-dahan siyang lumingon sa likod niya at halos mapugto ang hininga niya ng makita na sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Shit! Heart please, don't beat so darn fast for this man.

"Calvin..." Hindi niya mapigilan ang sarili na sabihin ang pangalan nito. I miss this man, crap!

"Yes, sweetheart?" Mahinang tanong nito habang titig na titig sa mga labi niya. Para siyang sinilaban dahil sa init ng titig nito sa kanya "I miss those lips of yours, sweetheart."

Bahagyang umawang ang labi niya dahil sa sinabi nito. Umiwas siya ng tingin dahil para siyang nahihipnotismo sa kulay golden brown nitong mga mata. Hold yourself together, Alez.

"A-anong ginagawa m-mo rito?" Utal niyang tanong habang nakatingin sa iba. Ayaw niyang tignan ang mga mata nito, nawawal siya s tamang huwisyo kapag nakatitig siya rito ng matagal "its been three months. How are you?"

Hindi dapat siya magpaapekto rito. Dapat niyang labanan kung ano man ang nararamdaman niya. Pagkatapos ng kasal na ito ay hinding-hindi na ulit sila magkikita. Itinaas niya ang tingin at tumitig sa mga mata nito. Ngumiti ito sa kanya ng magtama ang mga mata, parang nanlambot ang tuhod niya dahil sa ngiti nito. Argh! That smile.

"Well, I'm Galvin's best man. That's why I'm here." sagot nito na hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa labi nito "mas lalo kang gumanda. Bagay pala sayo ang naka-dress."

Alam niyang namumula na ang pisngi niya ngayon. Ito ang unang pagkakataon na may nagsabi sa kanya na maganda kapag naka-dress. Ito ang unang lalaki na nagsabi n'on sa kanya. Normal lang sa kanya na may nagsasabi na maganda siya tuwing naka-croptop at pantalon siya. Tumikhim siya para bawiin ang umaatras niyang dila.

Winning One's HeartOnde histórias criam vida. Descubra agora