Chapter 15

6.9K 196 13
                                    

MAHIMBING ANG naging pagtulog ni Alez at tanghali na ng magising siya dahil siguro sa pagod na naramdaman niya kagabi. Mabilis niyang inayos ang sarili saka siya lumubas ng kanyang silid para gumawa ng agahan niya kung agahanan pa ba ang matatawag niya doon dahil tanghali na.

Pagkalabas niya galing sa sarili silid ay dumeretso siya sa kusina at gumawa ng tuna sandwich at saka ng kape. Mahilig talaga siya sa tuna sandwich lalo na kapag umaga. Pakiramdam niya kasi ay mas sumisigla siya kapag nakakakain ng tuna sandwich sa isang araw.

Nang matapos siyang kumain, hinugasan niya ang pinagkainan niya at lumabas ng bahay niya. Napagdesisyunan niya na puntahan ang kaibigan niyang si Unyce sa condo nito. Miss na kasi niya ang kaibigan niyang iyon dahil ilabg linggo din silang hindi nakapag-usap. She's worried sick for Unyce. Something fishy going on with that woman.

Sumakay na siya sa kotse niya at pinaharurot iyon patungo sa condo ni Unyce. Dapat silang makapag-usap ng masinsinan. Dumaan muna siya sa isang grocery store para bumili ng isang balot na milo para sa kaibigan niya. Mahilig iyon sa milo at alam niyang pagtatabuyan lang siya nito king wala siyang dalang milo. Gusto kasi palagi nito na may dala silang milo kung pupunta sila sa bahay nito at 'yon na ang nakasanayan.

Nang makabili ng isang balot na milo, agad niyang binuhay ang makina at pinaharurot ang kotse patungo sa condo ng kaibigan. After twenty minutes she reach Unyce' condominium. Pumasok siya sa loob at deretso sa elevator saka pinindot fourt floor.

Dito sila lagi noon tumatambay kaya hindi na niya kailangang magtanong sa front desk. Sana naman ay narito ang kaibigan niyang iyon. Gala pa naman ang babaeng iyon at mahilig iyon umalis ng bansa ng walang paalam o pasabi man lang sa kanila kaya minsan ay nagugulat na lang silang dalawa ni Clarity na nagpapasundo na ito sa airport.

Nang bumukas ang pinto ng elevator, agad siyang lumabas d'on at hinanap na ang condo unit ni Unyce. Dalawang minuto lang ang itinagal niya sa hallway dahil agad niyang nakita ang unit nito. Agad niyang pinindot ang door bell nang nasa harap na siya ng pinto. Ilang saglit lang ay bumukas na iyon at nakita niya ang kaibigan niyang si Unyce na magulo ang buhok at halatang bagong gisiny lang ito.

"Hey." Masayang wika niya rito. "Can I come in?"

"What are you doing here?" Inaantok na tanong nito at ginusot-gusot pa ang isang mata. "May kailangan ka ba?"

"Grabe ka, girl ha. Parang di mo ako friend." Nagtatampong wika niya rito at pinakita ang isang balot na milo. "May dala pa naman akong milo tapos parang ayaw mo pa ako makita."

"Ang drama mo." Ani nito at inagaw sa kanya ang milo na hawak niya bago niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Pasok ka. "

Naiiliing na pumasok siya at agad na bumungad sa kanya ang makalat na sala. What the hell happened here? Humarap siya kay Unyce na nagtatanong ang mga mata. "What happened here? Parang binagyo ang bahay mo."

"Sorry kung makalat." Hingi ng tawad nito na para ba'ng ang laki ng naging kasalanan nito dahil sa kalat ng bahay. "This fast few weeks was a freaking blast."

"Ano ba ang nangyari sayo?" Kunot noong tanong niya. "Hindi ka namin nakausap ni Clarity this past few weeks. May nangyari ba?"

"My mother happen." Unyce' voice held sadness. "Upo ka muna. Malinis naman 'yang sofa. Nilinisan ko 'yan kahapon."

Tumango siya at umupo sa sofa. Tumingin siya kay Unyce na isa-isang pinupulot ang nagkalat na gamit sa sahig at nilalagay iyon sa isang lalagyan. She can saw Unyce' eyes were sad. Ano kayang nangyari?

"Anong gusto mong inumin? Juice, coffee, or just water?" Tanong nito sa kanya na busy pa din sa pagpupulot ng kalat.

"Juice please." Sagot niya.

Winning One's HeartWhere stories live. Discover now