Chapter 13

6.4K 209 17
                                    

NANG DUMAONG ang Ferxani cruise ship sa Ferxani's Port, dumeretso sila ni Niko sa Mavros International Airpot o mas kilala sa tawag na MIA. Kilala niya ang may ari ng nasabing airport.

Nang makarating sila sa airport, bumaba na siya ng sasakyan niya at ganoon rin si Niko. Meron silang sarili sasakyan kaya nag-convoy na lang sila.

"Tara na sa loob." Wika ni Niko ng makalapit sa kanya. "Baka naghihintay na siya."

Tumango lang siya at sumunod sa paglalakad nito. Sikat itong airport na ito. Maganda ang feedback sa airline nito. Maayos din ang lahat ng staff na nagta-trabaho rito. Wala pa siyang balita na nagkaroon ito ng issue o kahit anong problema.

Tuwing umaalis siya sa pinas at gusto niyang sumakay sa isang pampubliko na eroplano ay dito siya pumupunta. Chaine Mavros is the onwer of this airport. Chaine is Niko's closest friend. Naging kaibigan na rin niya ito noong ipinakilala siya rito ni Niko.

"Dito na lang tayo maghintay." Ani Niko. Hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa waiting area. "Nagtext siya sa'kin kanina. Sabi niya malapit ng lumanding ang eroplano."

"Gusto ko ng umuwi." Reklamo niya. "Bakit pa kasi ako sumama?"

"I already told you, 'di kita pinipilit na sumama. Kusa kang pumayag na samahan ako, remember?" Sagot nito sa sarili niyang tanong. "Kung gusto mo umuwi ka na. Pero baka magsisi ka kapag 'di mo siya nakita."

Kumumot ang noo niya sa huli nitong tugon. Bakit naman siya magsisi kung hindi niya ito makikita? Talaga bang kilala niya ito? Well, there's only one way to find out. He need to stay and see who it was.

"Fine." Inis niyang tugon at sumandal sa railing na nakaharang sa daraanan ng mga passenger patungo sa lobby ng airport. "I'll stay then."

Ngumisi lang ang loko at tumingin ulit sa gate kung saan inaasahan nila na lalabas ang mga pasahero ng eroplano. Nakatalikod siya sa gate kaya 'di niya alam kung lalabas na ba ang mga pasahero o hindi.

"Calvin?" Tawag sa pangalan niya ng isang pamilyar na boses. Nang lingunin niya kung sino iyon ay napangiti siya ng makita sa Chaine-ang may ari ng airport-na nakatayo 'di kalayuan sa kanya. "What are you doing here?"

This man is really a cold one. "May susunduin daw kasi itong si Niko. Sinamahan ko lang."

Napatango-tango ito at tumingin kay Niko na abala sa paghahalungkat ng cell phone into. 'Di kalaunan ay ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Sinong hinihintay niyo?"

"I don't know with this guy." Aniya at tinuro si Niko na walang pakialam sa kanilang dalawa Chaine. Nang mainis, binatukan niya ito at tinuro si Chaine. "Si Chaine, oh. Busy ka sa cell phone mo e."

"Oh. Hi, Chaine." Nakangiting bati nito kay Chaine ng makita niyo ito. "Didn't see you there."

"Oh yeah? Because you're busy with you fucking phone, dipshit." Sarkasmong aniya rito. Masamang tingin ang binigay nito sa kanya. "What? Its true."

"Kausap ko kasi siya kaya busy ako sa cell phone ko." Inis na wika nito at binigay ang tingin kay Chaine. "Anong oras baba ang eroplano na galing Australia?"

"Maybe, minutes later." Sagot naman ni Chaine. "Why?"

"Nothing." Simpleng ani nito at binalik ang atensyon sa gate. "That's good to hear."

"What's wrong with him?" Tanong ni Chaine sa kanya. "Ininis mo yata."

"What?!" Gulat niyang tanong rito. Wala naman siyang ginagawang masama rito ah. "I didn't do anything to him."

"Yes you did, you moron." Ani nito. "You called him dipshit. You know how he hates that."

Bigla siyang naliwanagan. Oh yeah. Niko hates being cussed at. Maybe because his mother raised him to have a good personality or whatsoever. They really don't know the reason why, Niko just really hates it.

Winning One's HeartWhere stories live. Discover now