Chapter 1

550 17 0
                                    

Hi! Sorry sa mga typographical errors, wrong grammars and spellings! Tao lang po tayo at nagkakamali! This is UNDEDITED, tamad po si author mag edit!
Always remember that GOD LOVES US! PAWER!


=====

Chapter One

Sobrang excited akong lumabas ng bahay suot ang bagong-bagong uniform ko. Well ngayong taon lang naman ang simula ng college life ko! Syempre sobrang excited akong simulan ang bagong yugto ng pag e-eskwela ko, at mas lalo akong nae-excite dahil pareho kami ng university na pinasukan ng aking one and only crush, walang iba kundi ang kababata ko, si Raiko Mendez.

"Kenzie! Yung baon mong sandwich!" Palabas na ako ng gate ng tawagin ulit ako ni mama.

"Ay! Oo nga po pala! Salamat mama!" Madali ko iyong kinuha dahil nakita ko na si Raiko na kakalabas lang ng bahay nila.

"Raiko! Raiko!"

Tumingin ang walang emosyong mukha niya sa akin. Well ano bang bago? Si Raiko yung tipo ng taong hot and cold. Cold dahil mula pa noong bata kami ay masungit na siya, tahimik lang at suplado. At syempre hot siya dahil gwapo na, sexy pa!

Alam niyo bang dati siyang swimmer? Noong highschool kami ay sport niya iyon, ewan ko lang kung bakit bigla siyang tumigil. Pero damn, ang hot niya lalo na kapag nag s-swim, nagf-flex yung muscle niya tapos pag umahon sa tubig mapapa wow ka nalang sa basa niyang katawan! Kumikinang iyon na parang brilyate ang sarap sa mata. Waahh yummy!
Dahil sa sports niya ay napanatili niyang maganda ang katawan niya at sa totoo lang? Malaking factor yun kaya sobrang dami ng kaagaw ko sa kaniya.

"Good morning Raiko!" Nakangiti kong bati.

"Good morning"plain niyang bati.

Naghihintay kami ng bus na paparating, isang bus lang naman ang kailangan para makarating sa school.

"Pareho tayo ng university na papasukan" hindi mawala ang ngiti ko habang itinatago ang nag iimpit kong kilig.

Hindi naman siya sumagot. Sabagay hindi naman pala ako nagtatanong at isa pa kitang kita naman sa uniform naming dalawa.

"Anong program pala yung kinuha mo?"tanong ko.

"Civil Engineering"tipid niyang sagot.

"Talaga?! Sabagay magaling ka sa math, tsaka magaling kang magplano ng bahay. Naalala mo ba yung ginawa nating tree house noon sa bakanteng lote? Ikaw halos ang gumawa nun, konti lang ang naitulong ko hehe. Tapos noong may project tayo na gumawa ng bahay gamit ang popsicle sticks, ang ganda-ganda ng sayo. Pero maganda din naman yung sakin kasi tinulungan mo ako"

Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang senaryong iyon, sinabi ko pa noon na pag malaki na kami ay magpapagawa kami ng bahay at doon kami titirang dalawa kasama ng mga anak namin. Wahh! (>.<)

"Hindi mo ba tatanungin kung anong kinuha ko?" Tanong ko.

Tinignan niya lang ako at hindi nagsalita. Sa mga tingin niya ay para bang nawi-wirdohan na siya sa kadaldalan ko. Sabi ko nga ay tingin lang sagot niya, madalas talaga ay tamad siyang magsalita. Hay nako Raiko Mendez! Kailan ba magbabago ang pagiging cold mo?

"Ahehe.. Well Business Ad yung kinuha ko" boluntaryo kong saad kahit nahihiya.

"Ayan na pala yung bus!" Naligtas ako sa awkwardness ng dumating ang bus. Na-excite ako dahil makakasabay ko si Raiko, dapat pala akong gumising ng maaga palagi para sabay kami. Hihi!

"Tara na Raiko!" Hinila ko siya at sumakay sa bus kaso dahil sa katangahan ay bigla akong natapilok!

"Ayy!!" Natumba at nasubsob kay Raiko pero nanlaki ang mata ko dahil napahawak ako sa gitna ng mga hita niya.

Chasing The Hot And ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon