Chapter 4

145 13 3
                                    

Kinabuksan ay maaga akong pumasok sa school, sinadya kong gumising ng sobrang aga para naman maabutan ko si Raiko sa pagpasok. Alas singko palang ng madaling araw pero nakabihis na ako at mahihintay sa gate niya.

"Good morning Raiko!" Masiglang bati ko. Halata ko ang gulat sa kaniyang mukha ng makita niya ako.

"Good morning" bati niya at inayos ang pilipit na strap ng bag ko. Napangiti ako sa ginawa niya.

"Sabay na tayong pumasok?"

Hindi naman siya sumagot at bumuntong hininga nalang, alam kong oo ang sagot niya kaya napangiti ako.

"Tara!" Sumakay na kami sa bus na huminto. As usual na sa tabi ng bintana si Raiko nakapuwesto at ako naman ay tumabi sa kaniya.

Madilim pa sa daan at medyo inaantok pa talaga ako. Kaunti palang ang pasahero kaya sobrang tahimik.

"Uhh Raiko.." Nilingon niya ako mula sa pagkakahalumbaba niya sa bintana.

"Yung pagtatalo natin kahapon, kalimutan na natin yon. At hindi parin ako susuko sayo, hindi kita tatantanan hangga't hindi ka nahuhulog sa akin, maliwanag?" Wika ko.

Bahagyang umawang lang ang bibig niya at hindi nakapagsalita. Hinawakan ko ang baba niya at isinara ang bibig niya. Umiwas siya ng tingin at mukha nahiya kaya muli nalang siyang humalumbaba sa bintana.

"Kenzie..." Tawag niya ng hindi manlang tumingin sa akin.

"Hmm?"

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Hindi niya parin ako tinitignan.

"Oo naman, ininom ko ang gamot na binili ni Jia para sa akin"

"Mmm.. mabuti"mahinang saad niya.

Napahikab ako dahil tinatablan pa ako ng antok. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising nalang ako ng marinig ang boses ng koduktor.

"Oh yung mga college diyan oh! Baba na!"

Hindi ako makatayo o makagalaw manlang, paano'y nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Raiko habang ang ulo niya ay nakapatong din sa akin. Awtomatikong kumurba ang labi ko sa posisyon naming iyon. Nakatulog din pala siya, tinitigan ko ang mukha niya, pansin ko na mukhang pagod na pagod siya ngayon.

"Raiko.." Sinundot ko ang pisngi niya. "Nasa school na tayo" Napadilat siya at sinalubong ang tingin ko. Lumakas ang tibok sa dibdib ko nang mapagtantong iilang sentimentro lang pala ng pagitan ng mga mukha namin.

Hindi ko maiwasang titigan din siya, bakit kasi napakagwapo niya? Itim na itim ang mata niya, ang tangos ng ilong, at yung labi niya..... Parang sobrang lambot nito pag hinalikan.

"Oy kayong dalawa? Magtititigan nalang ba kayo diyan?"

Pareho kaming umiwas sa isa't isa at kinuha ang mga gamit namin. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko ng makababa kami. Tinignan ko si Raiko na diretso lang ang tingin sa daan. Ni hindi niya napapansin ang mga babaeng pasulyap-sulyap sa kaniya.

"Raiko, pwede bang sabay tayong kumain mamaya?"tanong ko. "Naghanda kasi ako ng lunch para sa ating dalawa! Ako ang nagluto nun! Pumayag kana!" Pag pilit ko.

Kaya ang aga kong gumising ay nagluto ako para sa kaniya. Gusto ko na sabay kaming kumain.

"O sige"

"Talaga?! Yiiee!" Napakapit sa braso niya at winagayway iyon sa tuwa. Malaki ang naging ngiti ko sa sagot niya. "Hintayin mo ako mamaya ah?"

"Sige na" Nagulat ako ng guluhin niya ang buhok ko. Nasilayan ko rin ang napakaliit na kurba sa gilid ng labi niya. Kahit pa parang pigil na pigil ang ngiting iyon ay hindi parin nakaligtas sa mata ko iyon.

Chasing The Hot And ColdWhere stories live. Discover now