Chapter 13

284 13 5
                                    


Isang linggo na kaming magkasama ni Raiko sa apartment niya. Simula nun ay naging sobrang excited na akong umuwi dahil makakasama ko na naman siya. Feeling ko nga ay mag asawa na kami, hihi!

Ako na kasi ang naghahain at nagluluto sa amin dalawa, pinagtitimpla ko siya ng kape sa umaga, pinaglalaba ko rin siya ng damit at nililinis ko palagi ang bahay bago siya dumating! Oh diba? Parang nasa marriage life kami! Yie kinikilig ako!

Noong weekend ay dumalaw kami kina mama at papa. And guess what? Inamin na namin sa kanila na kami na. Syempre tuwang-tuwa ang parents ko, matagal na nilang gusto si Raiko para sa akin. O diba? Realquick! Siguro kung buhay pa sina ninong at ninang, matutuwa din ang mga 'yon. Sila din kasi ang pasimuno na i-link kami sa isa't isa. Ang parents talaga namin ang official fan ng #RaiKen love team.

"Itinatabi mo na naman 'yang mga gulay" sita ni Raiko sa pagkain ko. "Kainin mo 'yan"

Nasa food house kami ngayon, iyong dating kinainan namin noong unang araw na naging kami. Dito kami nag lunch dahil nasarapan kami sa sisig nila. At ang masaya dun? Walang umeepal na si Lizzy!

"E ayoko, hindi ko nga malunok" sagot ko.

"Mapili ka na sa pagkain, puro ka kasi ice cream"

"Masarap kaya yung ice cream! Malamig parang ikaw" sabi ko at inirapan siya.

Tinaasan niya ako ng kilay.

Sa totoo lang ay medyo nagtatampo ako sa kaniya, ilang sweet at nagsusubuang couples na nga ang nakapalibot sa amin na kumakain dito, wala manlang pakiramdam na maging sweet din. Kami dito inaasin na, kasi puro sermon ang inaabot ko dahil sa mga gulay na ayokong kainin!

"At ano namang pinaparating mo?"

Napanguso ako sa kaniya at tinignan ang ilang couples sa tabi namin. Dinig na dinig ko ang endearments nilang "baby", "honey", "babe", "mahal". Kami ni Raiko pangalan lang! Wala manlang tawagan!

"Tignan mo 'yong boyfriend nila, ang sweet-sweet sa girlfriend nila. Pero yung isa diyan, parang wala lang, sermon pa ng sermon tungkol sa gulay" kunwari'y naiinis kong wika.

"Para din sayo ang sermon ko, masustansiya ang gulay" sagot niya.

"Hindi 'yon ang point ko! Kainis 'to! Umaasta ka kasing nakatatandang kapatid ko. Boyfriend kita Raiko, hindi kuya okay? Ni wala manlang tayong endearment" pahina ng pahina ang boses ko habang nakanguso.

Tumawa siya ng mahina.

"Anong gusto mo? Tawagin din kitang Baby? Babe? Mahal? Honey?" Ngumisi siya.

"Pwede ba?" Nakangiting tanong ko.

Unti-unti naman siyang lumapit sa akin sa'kin at bumulong sa aking tenga.

"Ayoko" sabi niya at muling kumain.

Nawala ang ngiti ko at sumimangot sa kaniya. Kainis talaga 'to!

"Mas magandang diretso sa pangalan mo ang salitang mahal kita" pahabol niya.

Napatigil ako at agad namula ang aking pisngi.

"Hindi na natin kailangan ng endearment, mas special at masarap pakinggan ang pangalan ko pag galing sa tinig mo"

"T..talaga?" Naging light ang mood ko dahil sa sinabi niya.

Hmmm, magpapauto ako sa opinyon mo Raiko. At isa pa, may sense naman ang sinabi niya. Hihi!

"Hindi ba ganun ang nararamdaman mo sakin pag binabanggit ko ang pangalan mo? Kenzie Crizantum Javier... -Mendez" pilyo siyang ngumiti ngumiti sa akin.

Nahampas ko siya bigla sa braso habang nagpipigil ng ngiti. Baliw talaga 'tong si Raiko!
Kenzie Crizantum Javier-Mendez daw?

Chasing The Hot And ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon