Chapter 15

82 4 1
                                    


"Ms.Javier"

"Zie..

"Ms.Javier..?"

"Zie!" Bumalik ako sa katinuan ng sikuhin ako ni Jia. Mabilis akong napatayo sa gulat ng makita ang prof namin sa harap ko.

"S..sir?"

"I said go to the blackboard and answer the equation! You're spacing out again, kahapon ka pa" walang pasensiya nitong wika.

"I'm sorry po" nahihiya akong naglakad patungo sa blackboard at sinagutan ang equation, hindi namam siya ganun kahirap kaya nasagutan ko agad.

"Uy.. palagi kang tulala. Kenzie, nag aalala na ako sayo" bulong ni Jia ng makabalik ako sa upuan.

Hanggang ngayon hindi ko parin tanggap ang panloloko sa'kin nina Raiko at Lizzy. Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko makalimutan lahat ng sinabi nila.

-----

"Ice cream na naman yang kinakain mo" puna ni Jia sa'kin. Nasa canteen kami at kumakain ng breakfast. Hindi kasi ako nagbreakfast kanina kakamadali, ayoko kasing makita nina mama at papa na mugto ang mata ko kaya maaga akong umalis.

"Comfort food ko na 'to Jia, wag ka ngang epal"

"Timawa, hindi ka ba nangingilo?! Kinakagat mo yung mismong ice cream! Ako nangingilo sa ginagawa mo! Tsaka umagang-umaga kenzie, ice cream ka na agad!"

"Psh.." Inirapan ko lang siya dahil wala ako sa mood.

Parati na ngang masakit ang ulo ko puro pa siya sermon. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko pero mula ng mapanood ko sa t.v 'tong ice cream na 'to, takam na takam ako. Para bang hindi makukumpleto ang araw ko pag wala akong ice cream na kinain.

"Oy mga panget!" Dumating si Sev na may dalang mcdo meal at isang ice cream na binili niya sa 7/11.

"Yun oh!" Wika ni Jia at kinuha agad ang paper bag ng mcdo.

"Oy hati-hati, sugapa 'to" nilapag naman ni Sev ang ice cream solo pack sa harap ko. "Oh pampakalma"

"Yown, lakas ko talaga sayo 'e" nag fist bomb kaming dalawa at sinimulan ko ng kainin ang panibagong ice cream ko.

Nitong mga nakaraang linggo, madalas na kaming magkasamang tatlo. Itong dalawa kasi ang palaging nag c-comfort sa'kin, kaya sobrang thankful ako sa dalawang 'to dahil kinukunsinti nila ako sa mga kadramahan ko.

"Anyway, let's hangout this weekend! Akyat tayong Baguio!" Pagyaya ni Sev.

"Omg! Game ako dyan! Kenzie sumama ka ah!"

"Sure-" napatakip ako ng bibig ng bigla akong maduwal.

"Oh bakit?"

Mabilis akong tumayo at tumakbo sa c.r, sumuka agad ako ng sumuka sa sink. Bumabaliktad ang sikmura, kainis ilang araw na akong ganito, laging nahihilo at nagsusuka.

"Zie, okay lang?" Sumunod si Jia at hinagod ang likod ko.

"Hindi naman siguro expired yung ice cream na binili ko diba?" Nasa likod narin si Sev, pumasok na talaga siya sa girl's cr, wala namang tao.

"O..okay lang ako" nagmumog ako at nilinis ang lababo. "Takte, para akong may sakit" nanghihina kong saad.

"Zie.., nagkaperiod ka na ba ngayong buwan?" Biglang tanong ni Jia.

"Hindi pa bakit?" Kunot-noo ko siyang tinignan.

Ilang segundo niya akong tinignan, parang lumalim ang isip niya habang nakatingin sa'kin.

"Zie, ilang buwan na kasi mula nung.." Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang may pumasok na studyante.

Hindi namin expected na si Lizzy pala 'yon. Bahagya pa siyang napatigil ng makita kaming tatlo.

Chasing The Hot And ColdWhere stories live. Discover now