Chapter 10

160 12 4
                                    


Pag gising ko the next day ay naabutan ko si mama na nag p-prepare ng breakfast. Hindi ko nga inaasahan na naroon din si Papa. Sa ibang syudad kasi siya nag-trabaho kaya at stay-in pa kaya minsan lang siya umuuwi dito.

"Good morning po Ma, Pa"

"Oh Zie! Kain na dito anak, may dala akong lechon kagabi kaso ay tulog kana"wika ni Papa.

"Hmm.. Nangangamoy sahod si Papa ah" biro ko.

Natawa lamang siya. Sa tuwing sahod ni Papa ay bumibili siyang lechong manok, o kaya ilang gallon ng ice cream para ipasalubong sa akin.

"Zie, nag tabi pala ako para kay Raiko. Ihatid mo sa tinutuluyan niya dahil nay kailangan akong puntahan. Binigay niya sa akin ang address niya kagabi"wika ni mama.

"Talaga po?!" Halos mapunit ang labi ko sa sobrang ngiti. "Si Ma, dadalhin ko po"

"Asus! Itong dalaga ko'y kakaiba ang ngiti" pangaasar ni Papa sa akin.

Natawa lamang ako, alam nina mama at papa na gusto ko si Raiko. Actually bet nila si Raiko para sa akin, siyempre simula pagkabta ay kilala na nila si Raiko at sobrang laki ng tiwala nila sa kaniya.

Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang boyfriend ko na siya? Hihi!

Naligo ako at nagbihis pagkatapos kumain. Nagpaganda pa ako ng bongga, syempre magkikita kami ng bubbyloves ko! Anyway wala pala akong pasok ngayon, kaya libreng-libre ako na pumunta sa bahay ni Raiko, I am so excited!

"Ma! Pa! Alis na po ako!"

Dala ko ang ilang eco-bag na may mga tupperware ng pagkain. Napakarami nitong laman, bukod sa lechon ay nagluto din si mama ng cheest mac at puto. One thing I am happy about is, napakacaring din ng parents ko kay Raiko, parang anak na ang turing nila sa kaniya kaya for sure hindi na mahihirapan sina mama at papa na pakisamahan ang manugang nila in the future haha!

Nag-take ako ng bus na same way lang papuntang school. Totoo ngang malapit lang sa school ang tinutulyan niya, at hindi rin malayo sa restaurant kung saan siya nag t-trabaho.

Pagkababa, ay naglakad lang ako ng konti para hanapin ang exact address niya hanggang sa matunton ko ang isang one-storey house na hindi naman gano'n kaluma, hindi rin kalakihan, at napakaraming halaman sa harap na bakuran.

Napangiti ako at kumatok ako sa pinto. Pagbukas ko ay bumungad si Raiko na naka pambahay at gulo-gulo pa ang buhok.

"Good morning Raiko!" Bati ko.

Nagulat siya ng makita ako.

"Zie? akala ko si ninang ang pupunta dito?"

"May gagawin si mama kaya ako ang pinapunta niya" nakangiti kong sagot.

"Ito pala ang tinutuluyan mo? Infairness ang ganda ah! Mahal ba renta mo dito? Papasok naman!"

Papasok na sana ako ng harangan niya ako bigla.

"Sandali, Zie kasi ano..."

"Bakit ayaw mo akong papasukin?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Magulo yung bahay. Sa susunod ka nalang pumasok" dahilan niya.

"Raiko, halos araw-araw akong pumapasok sa bahay niyo noon. Walang pinagkaiba sa bahay na'to"

"Sa susunod nalang, marami pa akong kailangan ayusin. Salamat sa mga dala mo, pakisabi narin kay tita na salamat"

I pouted habang kinukuha niya ang mga dala ko. Nang tignan niya ako ay bumuntong hininga siya.

"Hindi mo ba ako nami-miss ha? Bakit ganyan ka? Ayaw mo man lang ako papasukin?"

Chasing The Hot And ColdWhere stories live. Discover now