Chapter 16

3 0 0
                                    


Kinabukasan ay late na naman ako ng gising. Hindi pala biro ang pagbubuntis, para akong may sakit palagi. Kanina'y nagsuka na naman ako at nahihilo pag bangon.

"Simula na ang first class mo, nandito ka parin?" Saad ni mama.

"Wala naman po kaming prof" dahilan ko nalang.

Sa totoo lang ay namomoblema pa ako kung paano ko sasabihin kina mama at papa na buntis ako. Ayoko naman kasing sabihin sa kanila na si Raiko ang ama dahil alam nilang wala na kami at may iba na siya, buntis pa kagaya ko. Ayokong bigyan sila ng sakit sa ulo, siguro kikilos nalang ako mag isa.

Pagpasok ko sa school ay sermon na naman ni Jia ang bumungad sa'kin, ano pa bang usual diba? E mas nanay ko pa 'to kesa kay mama.

"Late ka na naman, timawa"

"Tinatamad kase ako" walang buhay kong sagot.

"Anyway, nakapagtest ka na ba?"

Saglit akong natigilan at bahagyang tumungo.

"So anong result?"

"Hindi ako buntis okay? Negative" tugon ko.

Sorry kung magsisinungaling ako, ayoko na kasi nang gulo, nang sakit, ayoko ng magkaroon ng koneksyon kay Raiko.

"Sigurado ka ba? Patingin nga ng kit! Baka mali ka ng basa!"

"Tinapon ko na dahil wala rin naman kwenta. At tsaka bakit ba sa tono ng boses mo parang gusto mo pang buntis ako?"

"Hindi naman sa ganon, baka kasi malay mo pag nalaman ni Raiko na buntis ka din, ikaw ang piliin niya diba?"

Napailing ako sa sinabi niya. Ibebenta na niya yung lote niya para lang kay Lizzy, buo na ang desisyon niya kaya hindi ko na sisirain ang mga plano niya.

"Imposible 'yon" mahinang wika ko. "Tsaka ayoko ng sirain ang mga plano niya, tanggap ko na na hindi kami para sa isa't isa"

Ilang segundo akong tinitigan ni Jia. Tinapik-tapik niya ang balikat ko habang malungkot na nakatingin sa'kin.

"Grabe iba talaga ang epekto ni Raiko sa'yo. Kailan ka kaya makaka-move on?"

"Ewan, baka bukas?" sagot ko ng may sarkasmo.

After lunch ay nag ready na kami para sa P.E class, pero hindi ako nakapag participate sa activity dahil masama ang pakiramdam ko. Kaya heto ko't nasa gilid at kumakain ng ice cream.

Habang kumakain ay nakaramdam na naman ako ng pagduduwal. Kaya agad akong pumunta sa comfort room at sumuka na naman sa sink.

"Ack!" Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I look so miserable. Hindi ko na naman maiwasang hindi maging emosyonal at nagsimulang mamuo ang luha ko sa mata.

"Omg, si Lizzy at Raiko?! sila na talaga?!"

Biglang may pumasok na grupo ng mga babae kaya pinunasan ko ang mukha ko at nilinis ang sink na sinukahan ko.

Napansin ako ng mga babae at mukhang nakilala nila ako.

"Diba siya yung ex?" mahinang bulong ng isang babae, pero hindi parin ito nakatakas sa pandinig ko.

"Oo, masyado daw selosa kaya hiniwalayan yan 'e"

"Sabagay, si Lizzy ba naman pagselosan, eh mala-diyosa ang ganda nun"

Sinamaan ko sila pareho ng tingin kaya pareho silang nanahimik. Inirapan ko nalang sila at padabog na isinara ang pinto ng cr.

Magchichismisan na nga lang sila mali-mali pa? At anong mala-diyosa? Mga bulag ba sila? Di hamak na mas maganda ako sa Lizzy na 'yon!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing The Hot And ColdWhere stories live. Discover now