Chapter 2

155 12 0
                                    

Chapter Two

Nauna na si Jia umuwi matapos ang dismissal namin, ako naman ay dumeretso sa departamento ni Raiko upang hintayin siya. Nakaupo ako sa gilid ng building habang isinusulat ang pangalan naming dalawa sa lupa ng paulit-ulit.

Kenzie <3 Raiko

Nakangiti ako habang tinititigan ito. Napatayo ako ng magsimulang maglabasan ang mga studyante. Nang makita ko si Raiko ay mabilis akong naglakad papunta sa kaniya.

"Raiko!" Napansin niya ako at tumigil naman siya sa paglalakad.

"Bakit narito ka pa?" Bakas sa mukha niya ang gulat. Sobra akong nakyutan sa mukha niya. Ang cute cute!

"Syempre hinintay kita! Tara uwi na tayo?" Syempre hindi mawawala ang ngiti ko kapag nakikita siya. Siya lang naman ang nakakapagpangiti sa akin kahit pa wala siyang ginagawa.

"Raiko!" Pareho kaming lumingon sa babae nagkukumahog tumakbo papalapit kay Raiko. Napasimangot ako dahil iyong Lizzy na naman na maarte ang lumapit.

"Nalimutan mo yung notebook mo. Anyway pauwi kana ba?"

Ay hindi! Papasok ulit siya sa school! Kita mong kakalabas lang mg building diba?! Echoserang 'to! Papansin! Gusto ko sanang sabihin iyan kung wala lang talaga dito si Raiko.

"Oo"tipid na sagot ni Raiko.

"Taga Greenheights village ka diba? Ang layo ng bahay mo sa amin. Sa southville ako nakatira"

Nagpa ikot-ikot na ang mata ko dahil sa babaeng ito. Grabe ang lakas talaga ng radar ko sa mga babaeng may gusto kay Raiko! Nakakainis! Hindi naman tinatanong ni Raiko kung saan siya nakatira pero kusa niyang sinasabi! Ano te? Akala mo ihahatid ka niya doon?! Manigas ka! At alam na alam niya pa talaga kung saan nakatira si Raiko? Parang ngayon lang naman sila nagkita ang dami na niyang alam?! Ano?! stalker lang ang peg?!

"Okay"sagot naman ni Raiko.

Ayan buti nga sayo! Walang pakielam si Raiko kung saan ka nakatira no! Paepal!

"Raiko tara na! Dadaan pa tayo sa siomai house!" Kumapit ako sa braso niya at inalog-alog siya.

"Sige mauuna na kami" paalam niya kay Lizzy.

"Uhm.. Kasabay mo siya?" Halata sa mukha niya ang pagkabahala at pagseselos. Aba?! May gana pa siyang mag selos?!

"Oo bakit? Kapit-bahay ko siya eh!" Sabat ko.

Hindi man halata ay napansin ko ang pag irap niya sa akin. Sus, kunwari pa ang babaeng 'to na mabait!

"Hmm.. Okay, basta Raiko pag isipan mo yung sinabi ko sayo ha?... Alam mo na" nakangiti niyang saad.

Tumango naman si Raiko sa kaniya. Kumunot ang noo ko dahil doon. Ano yun?! Ano yung sinabi niya?! Anong pinag uusapan nila?!

"Raiko tara na!" Hinila ko na siya dahil sa inis at tuluyan na naming iniwan ang babaeng paepal na yun.

Nakakainis talaga! Napakapapansin!

"Kailangan mo ba talagang kumapit sa akin?" Inalis ni Raiko ang kamay ko sa kaniya.

Nahihiya naman akong tumawa at parehong hinawakan nalang ang strap ng bag ko. Sayang feel na feel ko pa naman yung muscles niya! Hihi!

"Ano yung sinasabi ni Lizzy? Anong pinag usapan niyo?"

"Wala yun" tanging sagot nalang niya.

Nilamon ako ng kuryosidad dahil doon. So may secret agad sila? Kakakilala palang nila may secret na sila?!

Chasing The Hot And ColdWhere stories live. Discover now