Chapter 11

168 15 5
                                    

Sabi ko short story lang pero lumagpas ng 10 chaps! Haha anyway salamat po sa pagbabasa 😊

***

Isang linggo. Isang linggo ko ng hindi kinikibo si Raiko, biruin mo 'yon? kaya ko pala siyang dedmahin?

Pero sino bang niloloko ko? Alam kong natitiis ko siya dahil nag e-enjoy ako sa panunuyo niya. Oo, araw-araw ay dinadalhan niya ako ng pagkain, hinahatid sa bahay, at binibitbit ang mga gamit ko sa school. Natutuwa man ako sa ginagawa niya ay naiinis parin ako dahil umeeksena si Lizzy. Nakakabanas lang.

"Uy Frenny, si Raiko na naman oh" itinuro siya ni Jia gamit ang nguso nito. Nang lingunin ko siya ay patungo siya sa pwesto namin.

Nasa canteen kami ngayon at nag l-lunch kasama si Sev, araw-araw ay kasabay na namin siya kumain. Ang tyaga ng mokong na'to na tawirin ang mainit na sikat ng araw makasabay lang kami.

"Ang tagal naman ng LQ niyong dalawa Bossing, hanggang kailan ba 'yan?" Taas-kilay na tanong ni Sev.

"Manahimik ka nga Sev" inirapan ko siya.

Nilapag ni Raiko ang tray niya at walang paalam na umupo sa tabi ko. Taas-kilay ko siyang tinignan.

"Bakit nandito ka na naman? Napakalayo ng department mo nakakarating ka dito" pagsusungit ko.

"Ako lang ba ang engineering dito?" Pagsusungit din niya.

Ang weird talaga, lapit siya ng lapit sa akin pero sinusungitan din naman ako. Ganito ba siya manuyo? Cold parin? Wala ba talagang improvement Raiko?

"Raiko! Ba't di mo naman ako hinintay! Grabe ang haba ng pila dito!" Sumulpot naman si Lizzy at walang paalam rin na tumabi kay Raiko.

Great. Nandito na naman ang linta na 'to. Palagi talaga siyang umeeksena.

"So ano 'to? Squad na ba ang tawag dito ha?" Natatawang wika ni Jia.

Inirapan ko siya. Di magandang joke 'yon.

"Should we name our squad now?" Tanong ni Sev.

"Magtigil nga kayong dalawa. Walang squad-squad"suway ko.

"Raiko may shanghai akong binili, sayo nalang 'tong isa" narinig kong wika ni Lizzy at nilagay sa plato ni Raiko yung pagkain.

Napasamid ako dahil sa kanila. Nakakasuya talaga ang babaeng 'to! Buntot ng bunto kahit saan!

"Wala na akong gana, papasok na ako" tumayo na ako at inayos ang gamit ko.

Ngunit bago ko pa mahawakan ang bag ko ay may kumuha agad nito at inunahan akong maglakad.

"Hoy Raiko bag ko 'yan!" Inis ko siyang sinundan.

"Ihahatid kita" kalamado niyang saad.

"Pwede ba tigilan mo na 'to? Alam mo 'di kita maintindihan e, sunod ka ng sunod sa'kin pero ang cold-cold mo parin! Ano bang gusto mong mangyari ha?!"

Napabuntong hininga siya at sinukbit sa balikat niya ang bag ko.

"Galit ka parin sa'kin"

Napanganga ako sa sagot niya. Minsan talaga hindi ko alam kung paano siya kausapin! Napakalabo niyang sumagot.

"'Buti alam mo! Bakit lapit ka pa ng lapit?"

"Gusto mo din naman kasi"

"Aba?! Hoy assuming ka! Ang labo mo talaga kausap kahit kailan!"

"Tch! Zie gusto kong makipag ayos"

"Wala tayong aayusin, sira na ang tiwala ko sayo" sinubukan kong kunin ang bag ko ngunit hindi niya binibitawan.

Chasing The Hot And ColdWhere stories live. Discover now