Chapter 7

183 13 2
                                    

"Raiko?" Mabilis akong napapunas sa aking mga luha. "Bakit bumalik ka? May nakalimutan ka ba?"

Umupo siya sa harap ko at pinagmasdan ang namamaga kong mata.

"Kailangan muna kitang ihatid"

"Hindi na, Raiko baka ma-late ka"

"Ayoko. Ihahatid kita" may diin niyang sagot.

"Hindi pa ako uuwi, mauna ka na, ayos lang ako"

"Zie wag ngang matigas ang ulo mo pwede?" May bahid ng inis ang tono niya. "Gabing-gabi na, hindi ako mapapakali pag iniwan kita dito ng mag isa. Tayo na diyan"utos niya at tsaka siya tumayo.

Pero hindi ko siya sinunod, nang lingunin niya ulit ako ay sumimangot siya.

"Zie ano ba?" Hinila niya ako ng pilit para makatayo. Inis kong inalis ang kamay niya sa akin.

"Wala ka bang pakiramdam? Gusto ko ngang mapag isa!" Tumaas ng kaunti ang boses ko.

"Kung magmumukmok ka lang, doon ka na sa bahay niyo, atleast doon mas safe ka—"

Sinampal ko siya dahil narin sa inis ko. Ayokong gawin pero ang sakit na kasi eh, sasabog na yung puso ko.

"Manhid ka ba talaga huh?" Muntik na akong pumiyok dahil may bumabara na sa lalamunan ko.

"O wala ka talagang pakielam?" Nagsimulang tumulo ang luha ko ngunit natawa ako ng peke at pinunasan ang pisngi ko.

"Sabagay noon pa wala naman talaga diba? Wala lang naman ako sayo"

"Sa susunod na tayo mag usap, ihahatid na kita—"

Hinawakan niya ang braso ko ngunit mabilis kong inalis yun.

"Ayoko nga!"

"Ano ba Kenzie!" Tuluyan na siyang nagtaas ng boses "Kung wala akong pakielam sayo, hindi ako mag aalala na iwanan ka rito mag isa!"

"Kung may pakielam ka sakin hindi mo hahayaan na masaktan ako ng ganito!"

Napahikbi ako at pinunasan na naman ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng aking mga luha.

Hindi ko na kaya, ang sakit sakit na talaga. Pakiramdam ko ay konti nalang at bibigay na ko, sasabog na ako sa sobrang sakit. Gusto ko ng ilabas lahat ng 'to, para gumaan naman ang loob ko.

"Raiko ilang taon na akong habol ng habol sayo sa wala! kahit magmukha akong tanga at desperada sa harap mo, hindi parin ako tumigil dahil umaasa ako na baka sakaling magbago yung pagtingin mo sa akin!"

Tinitigan ko siyang mabuti, sinigurado ko na nakikita niya at nararamdaman niya kung gaano ako nasasaktan dahil sa kaniya.

"Pero anong magagawa ko? Palagi man akong nandito sa tabi mo, palagi man akong nagpapapansin sayo, ibang babae parin ang nakakuha sa atensiyon mo! Sino ba ako para magalit? Alam kong wala akong karapatan kaya kahit masakit.. kahit sobrang nakakawasak ng puso.. nirerespeto ko kung ano man ang nararamdamam mo"

Mula sa inis ay naging blangko ang ekspresiyon ng mukha niya habang nanatiling nakatitig sa akin. Last chance ko na 'to para kausapin siya, pagkatapos ay wala na. Lalayo muna ako, pagagalingin ang sugat sa puso ko at susubukang maging masaya nalang.

"Ngayon pabayaan mo muna ako, gusto ko lang naman umiyak, gusto ko lang mabawasan yung bigat na nararamdaman ko ngayon, kasi ang sakit sakit na Raiko!" muli akong napahikbi at pinunasan ang mga luha ko.

Kung may anesthesia lang para dito, malamang kanina ko pa tinurok sa puso ko. Ang sakit sakit na kasi, parang isang milyong karayom ang tumutusok sa akin ngayon.

Chasing The Hot And ColdWhere stories live. Discover now